Chapter 1 - I didn't Kill Them

524 55 1
                                    

"Hope! Naririnig mo ba ang sarili mo?!" Galit na sigaw sakin ni Myla ang kaibigan ko magmula ng lumipat kami dito sa Taguig.

"Oo, alam ko na ang ibig mong sabihin pero wala akong magawa, wala akong magawa dahil hindi naman ako tapos ng pag-aaral." Huminga ako ng malalim at pilit kong iniharap siya sakin at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, "Myla, alam mong lahat ay gagawin ko para kay Raya."

Alam kong mali ngunit kung ito lang din ang paraan para magkaroon ako ng extra income para sa aming dalawa ni Raya gagawin ko.

Wala naman na akong pagkukunan ng pera dahil na rin sa maaga kaming iniwan ng mga magulang namin dahil sa nangyari sa kanilang car accident. May tumutulong samin na isang matandang lalaki ngunit hindi naman siya nagpapakilala, at nahihiya na rin akong iasa sa kanya ang mga gastusin namin sa pang araw-araw.

"Maraming trabaho kasi Hope! Bakit kailangan mo pang magbenta ng sigarilyo sa isang bar?! Bakit kailangang sa bar ka pa sumayaw?!" Sumigaw na naman siya na tila gusto niyang ipaglandakan ang trabaho ko.

"Isigaw mo pa, para marinig ng mga kapitbahay! Palibhasa kasi ikaw tapos kana sa college." Napahawak na lamang ako sa aking sintido at napahilot ako ng bahagya dito. "Wala ka kasing kapatid at may mga magulang kang nandyan lang para sayo. 22 years old na ako at hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos sa pag-aaral. Wala rin akong ma-applyan na trabaho dahil sa wala akong experience, lahat ni-reject ako at ang iba naman ay walang bakante!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinigawan ko na rin siya.

Hindi niya kasi alam pakiramdam ko sa araw-araw, lalo na si Raya, may down syndrome siya hindi ko kayang makitang sinasaktan niya sarili niya sa tuwing naiinis o naiirita siya. Pangarap kong mapag-aral siya sa eskwelahan kung saan may makakaintindi sakaniya, 24 years old na siya ngunit kung titingnan mo siya ay para siyang bata dahil sa sitwasyon niya.

"Bahala ka! Sinabihan na kita!" Galit na sigaw niya at lumabas na ng bahay namin.

Wala na sa isip ko ang makipagtalo pa sakaniya o kaya naman ang habulin siya para makapag paliwanag pa ako. Hindi na, wala na akong lakas para ipaintindi ang sitwasyon ko sa iba.

"Ouch!" Malakas kong sigaw ng may tumama saking matigas na bagay ang tumama sa aking ulo.

Nang tingnan ko ang bagay na ito ay malaking parte ng lego na laruan ni Raya.

"I hate you! I hate you, bad Hope! Away mo Myla!" Malakas na sigaw ni Raya, haharapin ko sana siya ngunit hinarang ko na lamang ang mga kamay ko sa aking mukha dahil sa pag-atake niya sakin.

Hinahampas niya ako ng hinahampas hanggang sa manghina na ang katawan ko at hinayaan ko na lamang siya sa ginagawa niya sakin.

Ayaw ko siyang iwanan dahil isa iyon sa ipinangako ko sa mga magulang namin. Gagawin ko ang lahat para maibigay ko sa kanya ang buhay na deserve niya sa abot ng makakaya ko.

Naramdaman kong huminto na ang paghampas niya sakin, kaya sinubukan ko siyang tingnan at nadatnan ko siyang umiiyak hindi kalayuan sakin.

"Raya?" Tawag ko sa kanya at kahit na nakakaramdam ako ng sakit ng braso ko ay pilit ko pa rin siyang nginitian. Alam kong maling i-tolerate ko ang ginawa niya sakin ngunit kailangan kong lawakan ang pag-intindi sa kanya.

"H-Hope killed mom and dad!" Sigaw niya at dali-dali siyang umakyat papuntang kwarto niya.

"I didn't kill them, Raya." Sabi ko sa sarili kong sagutin ang sinabi niya sakin.

Hindi ko sila pinatay, miski ako ay nagsisisi sa nangyari na kung sana pala ay hindi ko sila pinilit na pumunta ng recognition day ko ay hindi mangyayari ang aksidente.

Ilang beses ko na rin sinisi ang sarili ko.

Tumingala ako upang hindi magtuloy ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking napapagod na mata.

Napatalon ako dahil sa gulat ng marinig kong may tumatawag sa cellphone ko.

Without any hesitation sinagot ko ito kahit na hindi ko tiningnan ang number ng tumatawag o kahit man lang ang pangalan nito.

"Hello?" Panimula ko.

Narinig kong huminga pa ng malalim ang taong nasa kabilang linya. "Is this, Hope Sanabria?" Tanong ng lalaking may malalim ngunit mahihimigan mo ang may awtoridad sa kanyang boses.

Napaayos ako sa aking pagkakaupo, "y-yes," nauutal ko pang sagot, "speaking."

Hindi ko alam ngunit bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa kausap ko kahit na wala pa naman siyang sinasabi na kung ano at tinatanong pa lamang ang pangalan ko.

"Oh, are you ready for tonight?" Biglang naging tunog masaya ang boses ng lalaki sa kabilang linya.

Kumunot naman ang noo ko, "tonight?" Anong tonight?" Nagtataka kong tanong.

"What– I mean, hindi mo alam kung anong gagawin mo mamayang gabi? You called me and we have a deal!" Parang siguradong-sigurado ang lalaki sa sinabi niyang ako ang kausap niya kaninang tumawag sa kanya.

"Hindi ak–"

"At my place, Garden City Condominium, 9th floor at 7 o'clock tonight." Putol niya sa akin at saka niya ibinaba ang tawag.

Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko na may number pa rin niya at nagtataka ko itong in-off.

Sino ba ang lalaking iyon? At bakit niya alam ang pangalan ko?

Mayamaya lamang ay may tumawag sakin ulit at para sigurado ay tiningnan ko muna ang pangalan sa screen, Madam Amelia sinagot ko ito agad dahil alam kong bibigyan na naman niya ako ng trabaho.

"Hello, Madam!" Masaya kong sagot sa tawag sa kanya.

"Hope? Natanggap mo ba ang tawag ng magiging customer mo?"

"Customer, madam? Saan? Hindi ba't parte lang ako ng candy girl?" Sabi ko dahil iyon lang naman talaga ang pinasok ko sa bar, ang maging taga benta ng sigarilyo sa mga mayayamang customer, minsan ay pinapasayaw din nila ako sa tuwing kulang sila sa grupo. Pero hindi ako pumapayag na mag entertain ng mga lalaki sa mga table.

"Alam ko kasing medyo gipit ka rin talaga ngayon, Hope kaya ikaw na ang nireto ko kay Sir Peroramas na mag entertain sa kanya." Halata mo sa boses ni madam na sincere siya at talagang alam niya ang pinagdadaanan ko. "Fifty thousand ang ibabayad niya sayo kaya ikaw agad ang naisip ko dahil mas kailangan mo yun, tulong na rin yun sa kapatid mo."

Ngunit kahit na gaanong kalaki ang ibabayad niya sakin, parang hindi ko kaya.

"Madam, baka pwedeng pass po muna ako? Kasi–"

"Hope, 'wag mo na sana iwanan itong ibinigay ko sayong trabaho. Malaking bagay na kasi ito sayo, marami-rami na rin akong ibinigay na slot sayo ngunit lahat ay ni-reject mo." Rinig ko ang paghinga niya ng malalim na parang sumusuko na siya sakin, "baka ito na rin ang huling alok ko sayo dahil nagrereklamo na ang ibang candy girls na ikaw lang ang binibigyan ko lagi."

Nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi niya. "Sige po, madam. Pasensya na po kayo sa akin. Pag-iisipan ko po."

"Sige, iha. Balitaan mo ako agad dahil gusto ni Sir Peroramas na mamayang gabi agad ang unang araw mo." Ani ni madam at hindi na niya ako pinatapos pang magsalita, ibinaba na niya ang tawag.

Literal na napahinga ako ng malalim at tiningnan ko ang picture frames na nakalagay sa ibabaw ng piano namin.

Mapait akong napangiti ng mahagip agad ng mga mata ko ang family picture namin na talagang makikita mo kung gaano kami kasaya noon.

"Dad? Mom? Guide me, please." 

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon