Nasaan na kaya siya ngayon? Mula kasi nang lumipat kami ng Taguig ay wala na rin akong naging balita sa kanya.
Siguro ay dahil 8 years old pa lamang ako noong lumipat kami at wala pa sa isip ko ang itanong sa parents ko ang tungkol sa kanya, ang alam ko lamang noon ay ang magbasa ng libro, maglaro at manuod ng paborito kong american cartoon.
Tumunog na ang elevator at as usual, nasa akin na naman ang atensyon ng mga tao. Bati dito, bati doon ang ginawa ng mga staff kay Nyx pagdating naman sa akin ay nag aalangan sila kung babatiin ba nila ako o hindi.
Hindi ko nalang sila hinintay pang batiin ako, nginitian ko na lamang sila at hindi na umasang ibabalik nila ang ngiti nila sa akin.
Paglabas namin ng condo ay naghihintay na agad ang sasakyan niyang Nissan Navara.
Binuksan ng valet ang passenger's seat at sumakay na ako. "Thank you po."
"You're welcome, Ma'am!" Sabi ng valet ng may ngiti sa kanyang labi.
"What shoe size are you?" Ani Nyx nang ini-start na niya ang sasakyan.
"Size 7.5 ako."
Nang sabihin ko iyon ay kinuha niya ang cell phone niya at may tinawagan siya.
"Hi. Look for a size 7.5 black heels." Kunot-noo siyang tumingin sa aking ulo pababa sa aking paa. "Maybe... uhm, 5-inch?"
5-inch?! Really?! Hindi naman ako ganun kaliit, para magsuot ng ganung heels para mag mukhang matangkad.
"N-Nyx? 3-inch lang..."
Binaba na niya ang tawag at bumaling sa akin at nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan.
"Mom wouldn't like to see you in 3-inch heels."
Nagsusuot naman ako ng ganung katangkad na heels pero sa trabaho lang dahil ganun ang required sa aming mga cigarette girls pero iba kasi ang family reunion. Para tuloy akong pupuntang prom.
"Okay." Sagot ko na parang ayaw ko nalang makipagtalo dahil alam kong hindi naman ako mananalo.
"Besides, Cerise is always wearing 5-inch heels and I think they will fit you too, like the dress you're going to wear for later." Tiningnan ko siya, "It's Cerise's favorite design." napangiti siya ng sabihin niya ito, para bang naiisip niya si Cerise na suot-suot ang dress na sinukat ko kanina.
"Well, I'm not Cerise." Wala sa sarili kong sinabi. Napalingon ako agad sa kanya at ang kaninang malawak na pagkakangiti niya ay bigla na lamang naglaho. "I-I mean, I'm not h-her. Alam mo yun–"
"I know." Ito na naman ang boses niyang mahihimigan mo ang lungkot.
Magui-guilty na ba ako dahil sa sinabi ko iyon? Pero kasi hindi dapat niya ako i-compare kay Cerise. Hindi naman talaga ako si Cerise.
Hindi pa rin niya pinapaandar ang sasakyan, "Nyx. Look, ako si Hope. 'Wag mong isiping ako si Cerise dahil magkaiba kami." Tumingin ako sa kanya, "'wag mong hanapin sa akin si Cerise."
Hindi niya ako sinagot, bagkus binuksan na niya ang makina at pinaandar na ang sasakyan.
Walang umiimik sa amin buong byahe namin papunta sa E&E Town Center. Paniguradong sa kanila rin ito dahil kilalang-kilala na siya ng guard sa parking lot. At may special spot pa para sa kanya.
Nang pumasok na kami, lahat ng makakita sa kanyang nagta'trabaho dito ay binabati siya at ang iba naman ay yumuyuko pa bilang pagbibigay galang sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung kailangan ko rin bang batiin sila--- ngitian sila gaya ng ginagawa ni Nyx.
Kaya sa halip na malito ako ay yumuko na lamang ako sa likuran niya na siguro ay nasa 2-inch ang layo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}
RomansaAll Hope wants to do is to have a simple life where she can give her sister, Raya, who has down syndrome, a proper and meaningful life. When their parents died in a car accident, someone helped them with their daily expenses. But one day, she realiz...