Chapter 24 - The Truth Behind Their Names

196 7 0
                                    

Nang sabihin niya iyon ay parang mayroong katahimikang bumalot sa pagitan naming dalawa, tanging huni ng ibon at pag-ihip ng hangin na dahilan ng pagkalaglag ng mga dahon na nagmumula sa puno.

Sabi ko para kaming kambal dahil ang mga magulang namin ay pinagparehas ang second name namin.

Kung siya si Nyx Eliam, ako naman si Hope Elia.

"Huy!" Kunwari pa niya akong ginulat.

Hindi ba niya ako naalala? Nung nakita niya si Raya at narinig niya ang pangalan na Raya hindi ba niya naalala nag Ate ko? Kung tutuusin ay close sila noon dahil lagi kong inaasar si Eliam.

Wala lang, crush ko kasi siya nung mga bata kami kaya kapag inaasar ko siya at naasar siya natutuwa ako.

Napatakip pa ako sa aking bibig ng biglang pumasok sa isip ko ang pagkahilig ni Raya sa pagguguhit at bakit ako nangungulit kay Ate na turuan akong mag drawing noon. Dahil kay Eliam 'yun.

Minsan kapag nasa bahay namin siya nagkakasundo sila ni Raya dahil parehas silang mahilig gumuhit. Naiinggit ako dahil gusto ko rin mag drawing pero hanggang stick man lang ang kaya ko habang sila nag-uusap pa kung anong isusunod nilang iguguhit.

'Yun lang si Ate Raya hindi niya kailanman pinapakita ang mga ginuguhit niya, naiinis siya, lagi niyang tinatago agad ang sketchbook niya kaya ngayong araw ko lang nakita kung paano siya mag drawing.

"May nangyari ba sayo? I mean, sa loob ng 22 years mong nabubuhay. May nangyari ba sayo?" I asked an insensitive question. Napayuko ako ng marealize ko ang nangyari sa kanya nung reunion nila.

"What are you talking about?" Natatawa nitong tanong sa akin na halata mo sa mukha niyang nawiweirduhan siya sa sinabi ko.

I awkwardly laugh. I choose not do ask him again about this. Ngayong may 90% chance akong siya nga ang kababata ko. Tutulungan ko siyang maalala ako without telling him about me, without asking about his past.

Tumingala ako, "is this what you called fate, destiny, soulmate? Well, if it is. Thank you for finding my Robin." I murmured.

"What are you doing?!" Kunot-noo akong tiningnan ni Nyx.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Basta, mamahalin kita. Hangga't wala pa siya." I know it is just an unrequited love but I don't want to regret.

Hanggang matapos ang contract namin, gusto kong iparamdam sa kanya na ako ito. Ako 'yung unang Starfire sa buhay niya bago niya makilala si Cerise.

"You're so weird!"

"Mom and Dad? Aalis na po kami, babalik po ako pero sa susunod na balik ko po. Hindi ko na po siya kasama." May kirot ng sabihin ko iyon.

Pero ayun ang realidad. Kung noon lagi siyang nakaprotekta sa akin kahit pa mas matapang ako sa akanya, kung noon hahabulin niya ako dahil ayaw ko siyang pansinin, kung noon pipilitin niya pa akong lumabas ng bahay para maglaro sa playground. At kung noon lalagyan niya pa ako ng towel sa likuran.

Ngayon hindi na... hindi na ako 'yung babaeng hahabulin niya dahil ilang linggo na lang ay wala na ako sa buhay niya. Hindi na ako 'yung babaeng pupunasan niya ng pawis at lalagyan ng towel sa likuran dahil ngayon, si Cerise na ang Starfire na naalala niya.

Siya na ang Starfire na magsasabi sa kanyang you're not his slaves anymore. Be your own hero. Sa tuwing inaaway siya ng mga pinsan niya at nakikita ko siyang inaapi pero wala siyang ginagawa kung hindi umiyak na lang sa tabi.

Hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon pala ganun pa rin sila. Hindi ko lang sila nakilala agad dahil ibang-iba na ang mga itsura nila.

"Next time, Tita and Tito dadalawin ko po kayo kahit hindi na kami magkasamang dumalaw sa inyo ni Hope."

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon