Chapter 35 - This Is Really The END

227 7 0
                                    

"Hope?" Napabaling ako ng tawagin ako ni Tita Naomi.

"Tita?" nilapitan ko siya, "kamusta na po si Nyx?" By this time, I'm hoping na okay na may improvement sa kanya.

Nandito lang ako sa guest room ng mansyon nila Tita Naomi para na rin kasama ko si Raya.

It's been two days after nang gabing iyon. May itinurok si Khai sa kanya para kumalma at nag decide na rin ako na 'wag nang ipilit pa dahil hindi ko na rin kayang makita si Nyx nang nahihirapan. Tama si Khai, lalo ko lang pinahirapan si Nyx.

Kasi masyado akong nag magaling, masyado rin akong dinala ng pagmamahal ko sa kanya sa puntong gustong-gusto kong maalala niya ako kahit sa maling paraan.

Kaya nag decide na rin akong 'wag munang magpakita sa kanya, hindi ako lumalabas ng kwarto hangga't alam kong nasa living room or nasa dining room sila, ganun din ang kapatid ko hindi rin ilalabas ni Tita Naomi kapag si Nyx ay kumakain or kasama si Khai na uupo sa living room.

Aalis din ako dito kapag nasiguro ko nang nasa mabuting lagay na si Nyx, pinaalam ko din iyon kay Tita Naomi pero ayaw niyang pumayag na isama ko si Raya sa pag-alis ko. Gusto niyang iwanan ko si Raya.

Sabi naman ni Khai sa akin ay may nakikita siyang improvement at kahapon lang daw eh, tinatanong ako ni Nyx kung kamusta na ako dahil naalala niyang nasa Batangas lang kami nung nakaraang araw. Pinaliwanag sa akin ni Khai na may mga memories si Nyx na pinili niyang isipin at paniwalaan dahil nag escape siya sa realidad dahil sa lungkot at trauma na nangyari sa kanya.

Pinili niya yung memories na masaya lang siya at isang tao na dahilan kung bakit siya masaya. Pinaniwala niya ang sarili niyang totoo ang taong nasa isip niya hanggang sa ayun na lang ang gusto niyang maramdaman dahil doon, wala siyang lungkot, wala siyang takot.

Kasi si Cerise na binuhay niya sa isip niya, ay ang babaeng hindi siya iniwanan, ako iniwan ko siya nung bata pa kami. Pinapalakas ang loob niya. At sa tuwing nalulunkot siya, si Cerise pinapasaya siya, tinuruan siya kung paano kalimutan ang nangyari sa trauma niya.

Kaya pinili ni Nyx na mabuhay si Cerise sa loob ng anim na taon at ngayong dumating na ako. Nakikita na niya sa akin si Cerise dahil ako 'yung babaeng 'yun. Kaya nati-trigger sa isip ni Nyx niya na dumating na sa puntong gusto niyang maging ako si Cerise na nasa isip niya.

Good thing dahil hindi ibang babae ang nasa isip niya dahil ako pa rin naman si Cerise. Ngunit, bad thing dahil kahit ako si Cerise na kilala niya noon, hindi pa rin ako magiging si Cerise ngayon dahil si Cerise na nasa isip niya ay hindi umiiyak, masaya lang palagi. Walang problema, samantalang ako ang dami kong problema.

"Okay na siya, Hope. Pwede mo na siyang makita." Sabi ni Tita Naomi.

"A-Ayaw ko po mu—"

"You should go to him, Hope. He's been asking you if you're okay kasi iniwan ka daw niya sa Batangas." She smiled at me.

"Okay lang po ba?"

"Oo naman, Khai said it too." Hindi na ako nagdalawang isip pa ay umakyat na ako sa kwarto ni Nyx.

Kakatok na sana ako sa kwarto niya nang bumukas ang pintuan nito, "ohh—Hope! Buti at umakyat kana. I was about to go to you, usap tayo?"

Nagtataka naman akong tumitig sa kanya, "tungkol saan?"

"Sayo." Ngumiti siya sa akin. "Tara?"

Pero gusto kong kausapin muna si Nyx ngayon alam kong pwede na siyang makita.

"Saglit lang naman, Hope." Sabi niyang muli at ngumiti ito ng malawak.

"Sige, pero saan tayo mag-uusap?"

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon