Book 1 - Part 1

228 0 0
                                    

Ako si Phantom Blade 29years old. Teacher sa isang private high school dito sa Laguna. Huwag niyo sana ako husgahan. Tao lang ako naging marupok pagdating sa pag ibig.

Based on a True story.

2006 nang makapasa ako sa board exam. Hindi ko pa hawak ang PRC license ko nag apply agad ako sa Private High school kung saan ako nagtapos ng high school. Diploma at ilang dokomento lamang na nagpapatunay na tapos ako ng education ang bitbit ko nang mag apply ako. Kailangan ko agad makapagtrabaho para makatulong sa pamilya ko. Hindi nag atubili ang paaralan na pinag applayan ko na tanggapin ako, bukod sa alumni ako, alam nila na dati ako varsity ng volleyball at malaki ang maitutulong ko sa larangan ng sports.

Kahit October na noon pinagsimula nila ako magturo matapos ko makumpleto ang requirements na hinihingi nila.

Floating teacher ako nang magsimula ako magturo.

Mahirap para sa katulad ko ang maging teacher dahil Hindi naman ito ang pinangarap ko. Architectural talaga ang course na gusto ko, pero Hindi kaya ng magulang ko ang kurso na yun. Nakapag tapos lang ako dahil varcity scholar ako ng volleyball, tapos limited lang ang course na inoffer nila kaya kahit ayoko ng education kinuha ko na makapag tapos lang ng pag aaral, para mapabuti kahit pano ang buhay.

GOOD MORNING TEACHER!!!!! Unang umaga ng pumasok ako sa una ko klase, okey sit down class, bring 1/4 sheet of paper, write your name, year and section.

Ang Simula...

Okay class ako ang magiging teacher niyo sa subject na --- hanggang march. Ako ang kapalit ni sir noel. Ako Nga pala si Mr Phantom Blade.

Halos 7 beses ko paulit ulit na sinabi yan sa first day ng klase ko.7 ang klase ko maghapon, different year and different subject, tinanggap ko na kailangan ko ng trabaho ee.

Mahirap magturo, pero kailangan magtiis dahil bawat tao kailangan kumita para kumain araw-araw.

Pero kagaya ng kasabihan, na magiging mahirap lang ang isang bagay kung Hindi ka masaya sa ginagawa mo.

Pinilit Ku humanap ng paraan para maging masaya, madalas ko lokohin sarili ko na masaya magturo pero Hindi ko maramdaman. Hanggang sa magkaroon ng meeting ang faculty dahil may mga ilan na magreretiro na kailangan daw mag appoint ng mga bagong tagapahala ng kung anu-anong club.

Mahaba ang naging usapin, marami ang nagkasundo at sumang-ayon sa napag usapan, pero ako Hindi ako sang ayon. Dahil ako ang naiappoint na maging property custodian, hawak ko lahat ng gamit ng school pati H,E room ako mangangalaga. Hindi lang yun inappoint din nila akong maging coach/trainor ng team dahil dati daw ako varsity. Tinanggap ko lahat, baguhan ako kaya Hindi ako pwede umayaw.

Kinabukasan ipinatawag ako nang dati kong coach sa volleyball teacher Ku siya at huling taon na niya ngayon sa paaralan, ipinakilala niya ako sa mga varsity na handle niya.

Team eto si Mr Phantom Blade bagong teacher sa school natin, dati ko player at siya ang kauna-unahan kong player na nakarating sa Palarong Pambansa.

Malaki ang maibabahagi niya sa inyo. Siya na ang magiging kapalit ko.

Phantom turuan mo sila ng lahat ng natutunan mo, kumpleto ang gamit natin sa pag ppraktis. Good luck sabi Ni Mr ---. Humawak siya sa balikat koat naglakad siya palayo.

Ramdam ko ang kalungkutan Kay Mr --- pati sa mga varsity na kaharap ko.

Matagal kami tahimik at Hindi ko din alam ang sasabihin sa 24 na manlalaro sa harapan ko.

Isang dalagita ang bumasag ng katahimikan, Mr Phantom totoo ba na Palarong pambansa player ka? Sabi ng dalagita.

Oo bakit? Muka bang nagsisinungaling si Mr ---? Sagot ko.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon