Sige tumawa ka pa, ihahampas ko sayo itong hawak ko, banta ni Ms Diaz , kaya tumahimik nalang ako, pero tuloy pa rin sa pang aasar ang dalawang kuya niya.
Bayaw may inihaw na tilapia sa bahay ulamin mo nalang, pag uwi natin sabi ni kuya billy.
May kalamansi at sili naman sa bahay, lagay mo lang sa ulo ni bunso may sawsawan kana. Banat ni kuya Nestor.
Pinipilit kong Hindi matawa para hindi na magalit pa si Ms Diaz.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila.
Bumaba agad ng kotse si Ms Diaz at padabog na lumakad papasok sa bahay nila.
Patay ka na naman Phantom, tinoyo na naman si bunso, lakad sundan mo na para hindi na lumala yan, sabi ni kuya billy.
Teka Phantom, may number ka ba nung tita ng player mo? Pahingi naman ako. Banat Ni kuya Nestor.
Wala ee Hindi naman kami close nun, sinamahan ko lang talaga yung player ko na hintayin ang mommy at tita niya. Sagot ko.
Naku Nestor ikaw mga ee tigilan mo na yang pambabae mo, lakad na Phantom pumasok kana, sabi ni kuya billy.
Lumakad ako at mabilis na tinungo ang bahay ni Ms Diaz , naabutan ko siyang naka Indian sit sa sofa habang nanonood ng TV.
Tinitigan niya ako ng masama at dahan dahan akong umupo sa tabi niya.
Sino ba talaga yung malanding yun huh? Tanong ni Ms Diaz.
Tita siya ni Apple, school mate ko siya nung college. Sagot ko.
Hindi mo ba nililigawan yun? Tanong niya.
Hindi noh, kanina lang kami nagkita nun, nagpasama lang kasi sa akin si Apple na kumain at hintayin ang mommy niya. Sagot ko.
Ee bakit di ka man lang nagtxt sa akin? Tanong ni Ms Diaz.
Kinuha ko sa bulsa ko ang telepono ko at inabot sa kanya.
Sinubukan niyang buhayin pero ayaw mabuhay.
Ittxt naman talaga kita kaso pagtingin ko diyan lowbatt na pala. Paliwanag ko.
Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at yumakap sa braso ko.
Sorry huh! Kung pinagdudahan kita, nakakairita kasi yung babaeng yung, halatang puro pacute sayo. Sabi ni Ms Diaz.
Ayos lang yun, mabuti nga at nagseselos ka pa, panatag ang loob ko na mahal mo pa rin ako. Ang nakakatakot lang kasi kapag Hindi kana nagseselos. Sagot ko.
Phantom matanong kita, kapag ba tumaba ako ng todo, maghahanap ka ng seksi? Tanong niya.
Hindi, kasi Hindi naman katawan mo habol ko sayo, yung puso mo at yung pagiging malambing pati maalaga, kahit madalas na may toyo sa ulo, sabi ko.
Hmmmp nakikigaya ka na rin kila kuya sa pang aasar sa akin. Sabi niya.
Joke lang, sabay halik sa pisnge niya.
May training ka ba bukas? Tanong ni Ms Diaz
Oo bakit? Sagot ko.Gusto ko sana manood nakakatamad na kasi dito sa bahay. Sabi niya.
Pwede ka naman sumama ahh di ba ikaw ang coach ng babae, sabi ko.
Hindi na ata baka si May na ang ipalit, nalaman ng principal na magkasama kayo ni May sa palarong pambansa. Sagot niya.
Parang ayoko na rin magturo pag inalis ka nila sa coaching staff. Sagot ko.
Baliw ka talaga, ee ano naman kung wala ako? Huwag mo bitawan nakakaawa naman yung player mo kapag di kana nagturo.

BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz