Book 4 - Part 4

14 0 0
                                    

Kagaya ng inaasahan ko ay isang sasakyan ang huminto sa tapat ng museleo ni psalm, bumaba ang sakay nito na dalawang matanda. Nagulat pa si rochelle ng makita niya ito. Subalit ako ay hindi na nagulat dahil nasabi naman sa akin ng tatay ni psalm na may taga bantay siya sa museleo at sinasabi sa kanaya agad kapag may nagpuounta sa museleo ni psalm.


"Kamusta ka na iho." sabi ng nanay ni psalm ng makita niya ako.

"Mabuti naman po. Kayo po?" bati ko.


Maayos naman kaming nagkamustahan ng sandaling yun, bago ko ipakilala si rochelle sa kanila, hindi ko itinago sa kanila kung sino si rochelle at nasabi ko din sa magulang ni psalm ang pinag dadaanan ni rochelle.

Pinayuhan nila si rochelle ng mga tamang bagay na gagawin niya upng madali siyang makarecover sa pangayayari, inihalintulad pa ako ng magulang ni psalm ng sandaling yun.


Tumagal din ng halos isang oras ang pakikipag kwentuhan namin ni rochelle sa mga magulang ni psalm bago kami tuluyang nagpaalam para bumalik na sa baler.




"Phantom daan muna sa kahit saang fastfood chain, nagugutom na kasi ako." sabi ni rochelle habang nagmamaneho ako palabas ng bulacan.


Medyo alanganing oras na nun kaya wala ng bukas na fastfood chain kami madaanan. Kaya ng makakita ako ng 7eleven ay dun na lang ako huminto.

Bumili si rochelle ng cheesedog sandwich, siopao, mineral water. Bago siya nagpasyang sa daan na lang namin kainin ang binili niya dahil baka daw abutin kami ng umaga sa haba ng byahe namin pabalik ng baler.


Pagpasok namin ng nlex ay nagsimula ng kumain si rochelle, medyo nakaramdam din ako ng gutom kaya kinuha ko ang isang siopao sa plastik na nakapataong sa hita ni rochelle subalit hindi niya hinayaang ako ang kumuha ng pagkain ko.


Sa unang pagkakataon ay naging napaka lambing sa akin ni rochelle, medyo sa mata siguro ng ibang tao ay hindi akma ang ginagawa niya na ang mismong siopao na kinakain niya ay ang isinusubo niya sa akin.

Natuwa ako kay rochelle ng sandaling yun, dahil ang ginagawa niyang pagpapakain sa akin habang nagmamaneho ay hindi nagawa sa akin ng ate niya kahit minsan.


Hindi rin ako nakaramdam ng antok habang binabaybay namin ang kahabaan ng nlex dahil sa dami ng kwento niya. Medyo may kulo din pala sa loob. Dahil iisa ang fratternity namin yan ang nalaman ko. Tau gamma sigma si rochelle. Natuwa pa siya ng malaman niya na triskelion din ako.

Lalo kaming naging close ng sandaling yun, mas nakilala namin ang isat isa bagay na hindk namin nagawa ni roxane dati.


Ganun naman siguro talaga ee kadalasan kahit pa kambal ang dalawang tao, marami silang pagkakaiba. Kagaya ni roxane at rochelle. Magkapatid sila subalit sa pamamaraan nila ng pagtrato sa lalaki ay talagang magkaiba.

Hindi dahil sa kinukutuban ako na may ibang lalaki si roxane kaya ako ganito sa kanya, ibang iba talaga si rochelle sa pamamaraan ng paglalambing at sinisigurado ko na napaka swerte ng lalaking mamahalin niya uli.


Pasado alas singko na ng umaga ng makarating kami sa bahay na tinitigilan namin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng pagod at antok ng sandaling yun. Nagawa pa naming magtimpla ng kape at magkwentuhan pa ni rochelle na parang hindi kami nauubusan ng topic.


Nahinto lang ang pagkkwentuhan namin ng lumabas si roxane sa bahay at nakita niya kaming nagtatawanan ng kapatid niya sa may terrece ng bahay.


"Ohh hindi ba kayo natulog?" tanong ni roxane ng makita niya kami. Sasagot sana ako subalit nkaramdam ako ng inis ng makita ko na hawak niya agad ang telepono niya na hindi naman niya nakaugalian dati. Madlaas pa jga niya maiwan noon sa bahay ang telepono niya kapag papasok sa paaralan subalit ngayon mukang hanggang sa panaginip niya ay hawak niya ang telepono niya.


"Oo nga Phantom. Umaga na. Tara matulog na muna tayo" sabi ni rochelle
Hindi na ako nagsalita, kahit batiin man lang si roxnae, tumayo na lang ako sa kinauupuan ko bago ako daretsong pumasok sa bahay, kay rochelle na lang ako nagpaalam na matutulog na ako.


Tulog la ang anak kong si Faith ng pumasok akk sa kwarto, humalik muna ako sa noo ng anak ko bago ako natulog sa tabi niya.

Hapon na ng magising ako, wala na so Faith sa tabi ko at tanging ako na lang ang tao sa kwartong yun. Kaya lumabas na ako sa kwarto para gumamit ng banyo, subalit nagulat na lang ako ng makita ko sa loob ng banyo si Roxanne. Nakatalikod siya habang may kausap sa telepono.


" pagbalik KO NA lang NG laguna tayo magkita." yan ang maliwanag na narinig ko na sinabi ni roxane sa kung sino man ang kausap niya sa kabilang linya.

Kinabig ko ng may kalakasan ang pinto ng bayo bago ako lumakad patungo sa ibaba ng bahay. Narinig ko pa ang yabag ng paa ni roxane ng sandaling yun, kahit hindi ko siya lingunin alam ko sumilip siya mula sa loob ng banyo kung sino ang nagkalabog ng pintuan, alam kong nakita niya akong naglalakad palayo sa lugar na yun.


Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tindahan ng ale na pinag inuman namin ni rochelle kagabi. Hawak ko ang isang stick ng sigarilyo at isang bote ng malamig na redhorse.


NAghahalo ang galit at sakit na nararamdaman ko ng sandaling yun, subalit wala akong magawa para magalit at pagsalitaan ng masakit si roxane dahil pareho lang naman kami na may ginagawang masama sa isat isa.


Isa ito sa pinaka mahirap na posisyon sa buhay ng tao, yung hindi mo magawang magalit dahil ikaw mismo ay may ginagawa din masama. Wala na akong nagawa pa ng sandaling yun kundi ang languin sa alak ang katawan ko, kahit hindi ko ugali ang magsigarilyo ay sinimulan ko na itong gawing bisyo upang matakpan kahit papano ng usok ang sakit na nararamdaman ng damdamin ko.

Mas mamatamisin ko pa na unti unting masira ang baga ko, kesa mamatay ako sa sakit na nararamdaman ng puso ko.


Padilim na ng sandaling makita ako ni rochelle na nag iinom sa tindahan na yun, medyo nakarami na din ako ng naiinom ng sandaling yun.


"Ang daya naman. Kaya pala wala ka sa bahay nag sosolo ka dito." sabi ni rochelle ng makita niya akong nag iinom mag isa.

"Baka kasi tulog ka pa kaya hindi na kita ginising. Gusto mo ba? Kuha ka lang." sabi ko.


Tumayo naman si rochelle at bumili sa tindahan ng alak, pinaayos din niya ang mesa sa likuran ng tindahan bago niya ako niyaya. Nagulat nalang ako ng makita ko na gin ang binili niya. May hinalo siyang juice sa gin, bago niya lagyan ng yelo.



"Mas ok ito kesa lagi tayong beer, dito malakas akong mag inim" sabi ni rochelle.


Medyo nadehado ako ng sandaling yun kay rochelle dahil nakadalawang timpla na siya ng alak na yun ay hindj pa siya tinatamaan ako ay medyo nahihilo na dahil siguro sa mas nauna akong nag inom sa kanya.


"Kaya pa ba Phantom?" tanong ni rochelle sa akin na oarang naghahamon.

"Oo naman baka ikaw ang sumuko diyan." pagyayabang ko pero ang totoo ay medyo nahihilo na ako.


Patuloy lang kami sa pagtagay ng alak at masayang kwentuhan na parang wala kaming dinadalang problema, hindi ko kasi magawang mag open kay rochelle ng ginagawa ng ate niya dahil ayokong mawala ang respeto niya kay roxane, kaya kahit gustong gusto ko ng ilabas ang dinidibdib ko ay pinili ko na lang na itago ito.


Habang nag iinom kami ay biglang tumunog ang telepono ni rochelle, sinagot naman niya ito na hindi man lang tinignan kung sino ang tumatawag.


"Ohh bakit ate?...... Ahh oo kasama ko siya nandito kami sa may tindahan malapit sa bahay na tinigilan natin bakit may problema ba?...... Ahh ok sige sige nasa likod kami huh..... Oo magtxt ka na lang kapag nandito ka na." sabi ni rochelle na hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila dahil boses lang ni rochelle ang naritinig ko.


"Hindi ka pala nag paalam kay ate? Papunta siya dito hinahanap ka niya." sabi ni rochelle na hindi ko na lang sinagot.


"Ui magkaaway ba kayo ni ate?" tanong niya uli.

"Hindi naman, bakit?" sabi ko.

"Sus paglilihiman mo pa ba ako? Magkaaway kayo noh" sabi ni rochelle.

"Wala yun tampuhan lang. Shot na daya mo ee ako lang nainom ii" sabi ko para maiba ang usapan.


Ilang saglit palang matapos ang tawag ni roxane ay nakatanggap na ng text si rochelle sa ate niya na nandun na daw siya sa tindahan kaya pinuntahan naman siya ni rochelle.


"Phantom ikaw ba ee kumain na? Nag iinom ka agad hindi ka pa ata nakain." bungad ni roxane ng makita niya ako.

"Teka oo nga Phantom kumain ka ba?" tanong din ni rochelle.

"Ok lang ako huwag niyo akong intindihin." sabi ko.

"Anong huwag intindihin? Aba Phantom ayokong mag alaga ng may sakit, kung gusto mo magpakamatay lason na agad ang inumin mo hindi yung pinapahirapan mo pa ang sarili mo, hindi mo man lang binisita ang anak mo ng magising ka kanina ka pa hinahanap." sabi ni roxane na kahit naririndi ako ay hindi ko na lang pinansin.


Tuloy lang ako sa paghipak ng sigarilyo at pagtagay ng alak, habang ang bungabunga ni roxane ay mistulang machine gun na walang tigil sa pagbibitaw ng masasakit na salita sa akin.

Tumagay pa ako ng ilang punong baso ng sandaling hindi ko na matiis ang kakabunganga ni roxane.


Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa upuang kahoy ng sandaling yun, binayaran ko na muna ang nainom namin ni rochelle, bago ako nagpaalam kay rochelle.


Maski tingin ay hindi ko na ginawa pa kay roxane, pinipigilan ko kasing magalit ng sandaling yun dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay makapag bitaw ako ng masasakit na salita kay roxane na maging dahilan pa ng kung anong masamang mangyari sa kanya dahil nagdadalang tao siya ng sandaling yun.


Pagbalik ko sa bahay na tinitigilan namin ay sinalubong agad ako ng anak ko. Medyo gabi na din nun kaya sinimulan ko na siyang linisan ng katawan, sipilyuhin ang ngipin bago suotan ng damit pantulog.

Kalong ko na si Faith ng padabog na pumasok si roxane sa kwarto namin. Kahit kita niya na inaantok na ang anak namin ay hindi pa rin siya tumigil sa kakabunganga sa akin. Pinipilit ko na lang na hindi siya pakinggan, dahil para sa akin ang pagtitiis na yun ay hindi na para sa pagsasama namin ni roxane. Para na lang kay Faith ang ginagawa ko upang mapanatili ko pa rin sa piling ko ang anak ko.


Dahil na din siguro sa may kalakasan ang boses ni roxane ay hindi makatulog ang anak ko, pumasok din bigla ang mama ni roxane sa kwarto upang alamin ang dahilan kung bakit malakas ang boses ng anak niya. Kagaya ng ginagawa ko pag tahimik ay ganun din ang ginawa ko ng pumasok ang mama niya s kwarto namin.


Kagay ng inaasahan ko ako pa rin ang itinuturo ni roxane na may kaslanaan sa pag bubunganga niya, kaya kahit hindi pa tulog si Faith ay inilapag ko na lang siya sa higaan namin. Hinalikan ko sa noo si Faith bago ko kunin ang bag ko.


Kahit medyo hilo ako dahil sa tama ng alak ay pinilit ko pa rin magdrive pauwi sa bahay namin. Nagawa ko namanng makauwi ng maayos at sa loob ng kwarto ko nakuha ang katahimikan na hinahangad ko.

Nahiga ako bago ako nakatulog ng hindi ko alam kung paano ko haharapin ang problemang unti unting sumisira sa relasyon na meron kami. Ni Roxanne.


Tanghali na ng magising ako, naligo muna ako, bago ko pinilit na kumain kahit medyo masakit pa ang ulo ko at medyo masakit din ang tyan ko dahil sa pag inom ko ng alak na walang laman ang tiyan.


Matapos ko kumain ay pinuntahan ko ang kotse ko bago ko kuni ang dalawang cellphone na gamit ko kay roxane at Andrea. Kapwa napakaraming text at missed call na natanggap ko galing sa kanilang dalawa.


Wala akong kahit na sinong sinagot sa kanilang dalawa sa mga text nila, hindi ko din binasa ang mga text na yun. Subalit isang message ng principal ko sa school ang natanggap ko habang abala akong nagbubura ng mga message.


Eto yung tinatawag na karma, ginawa ko dahilan kay roxane at Andrea ang semiar kaya eto nagkatotoo na may seminar ako ng first week ng may. Kaya medyo nainis ako. Pinaka ayoko kasi talaga ang seminar, bukod kasi sa nakakaboring ang mga topic sa seminar ee napaka init pa ng panahon ng sandaling yun dahil summer.


May tatlong araw pa akong magliwaliw bago ang naipangako ko kay Andrea na sasamahan ko siya sa boracay, kaya ang ginawa ko ay inubos ko ang oras at panahon ko sa mga katropa ko.


Buhay binata uli ako, inom, kain tulog lang ang ginawa ko, pero umiiwas ako sa gulo ng sandaling yun dahil ayoko ng magkaroon pa ng dagdag problema.


Ikatlong araw ng pagliliwaliw ko ng madatnan ko si Andrea sa bahay namin.


"Kuya kanina pa nandun yun bisita mo hinihintay ka. Sino yun? Syota mo ba yun?" sabi ng kapatid kong bunso ng makita niya akong pauwi sa bahay.

"Huh? Sinong babae?" tanong ko.

"Hindi ko alam, basta maganda ee." sabi ng kapatid ko bago ito lumakad palayo sa akin dahil may lakad din ata siya.


Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Andrea na abalang nanonood ng tv kasama ang nanay ko.


"Anak kanina ka pa namin tinatawagan, hindi mo sinasagot ang telepono mo." sabi ng nanay ko.

"Hindi ko dala yung telepono ko naiwan ko sa kwarto. Napadalaw ka Andrea?" sabi ko bagonako umupo sa tabi niya. Natuwa naman ako ng iqan kami ng nanay ko sa sala ng bahay namin para magkaroon kami ng privacy ni Andrea.


"Phantom ano kasi... Pasensya na. YUng lakad kasi natin ok lang ba kung reschedule natin?" sabi ni Andrea na labis kong ikinatuwa.

"Huh? Bakit naman?" kunyari na nag aalala ako pero ang totoo masyaa ako dahil mahaba ang ipapahinga ko ng bakasyon na yun.

"Si mama kasi kumuha ng plane ticket, gusto niyng mag hongkong kami. Mamaya na ang alis namin. Ilang araw na kasi kitang tinatawagan at tinetext para sabihin sayo. Kaso hindi mo naman sinasagot ang yext at twag ko. Kaya nagpunta na ako dito sa inyo. Sorry talaga. Promise pagbalik ko itutuloy natin ang pagpunta sa boracay." sabi ni Andrea.

"Ok lang yun. Enjoy ka na muna na kasama mk ang pamilya mo. Marami pa nman tayong time diba." sabi ko sabay yakap kay Andrea.

"Salamat Phantom. Ano gusto mong pasalubong?" tanong ni Andrea.

Medyo pilyo ako kaya hinawakan ko ang ibabaw ng puke niya sabay himas dito ng bahagya .


"Ito ang gusto kong pasalubong mo sa akin." sabi ko sabay ngiti.

"Gago ka. Sayo lang yan. Mag seryoso ka kasi ano nga gusto mo." sabi ni Andrea.

"Ikaw na bahala kahit ano basta galing sayo masyaa ako." sabi ko.


"Sabi mo yan huh!" sabi ni Andrea.

"Oo naman sabay halik ko sa kanya sa leeg. Dahil sa totoo lang ay medyo tigang na ako ng sandaling yun.

"Gusto mo ba?" tanong ni Andrea.

"Oo sana kaso hindi tayo pwede dito sa bahay." sabi ko.

"Tara mag motel tayo." sabi ni Andrea sabay tayo sa sofa.


Nagpaalam si Andrea sa nanay ko ng sandaling yun na sabi ko ay ihahatid ko lang siya, pero ang totoo ay sa langit ko siya ihahatid.


(hindi ko na ikkwento pa yung nangyari, normal na sex lang naman yun naka dalawang round lang kmai ni Andrea)
Matapos ng mainit na kantutan namin ni Andrea ay hinatid ko na siya sa bahay na ipinagawa namin. Ibinigay din niya sa akin ang plabe ticket na kinuha ko na dapat gagamitin namin sa pagpunta s boracay. Bago ako mabilis na umuwi sa bahay namin. Dahil isang plano ang naisip ko na gawin sa ticket na yun.


Pagdating ko sa bahay namin ay mabilis akong naligo, bago ako nagtungo sa bahay nila roxane. Dahil alam ko na nakauwi na sila ng sandaling yun.



Patakbong sinalubong ako ng anak ko siFaith ng makita niya akong papasok sa gate ng bahay nila roxane, subalit kung gaano kainit ang pagsalubong sa akin ng anak ko ay ganung kalamig naman ang pakitungo sa akin ng magulang ni roxane. Tanging tango lang ang bati sa akin ng mama at papa ni roxane. Si roxane ay hindi ko nakita sa bahay nila ng sandaling yun. Subalit ang pakay ko ay nakita ko nakaupo sa sofa ng sala ng bahay nila ng makita niya akong nakikipag laro kay Faith ay agad niya akong nilapitan.


"Yari ka. Galit sayo si ate. Wala silang sinakyan pauwi dito dahil iniwan mo." sabi ni rochelle habang tatawa tawa pa.

"Umiwas na lang kasi ako na mag away kami. Nakakahiya kasi sa mga kamag anak niyo. Ahh rochelle ano nga pala ang number mo?" sabi ko sabay lingon sa paligid ng bahay nila baka kasi may nakakarinig sa akin.


Binigay naman ni rochelle ang number niya sa akin, bago siya nagtanong kung bakit. Sinabi ko na lang na sa text ko na lang sasabihin sa kanya.


Medyo kinukulit ako ng anak ko na gusto daw niyang kumain sa jollibee, kaya pinag paalam ko na lang ito sa magulang ni roxane, niyaya ko din si rochelle na sumama at hindi naman siya tumaggi.


Kasama namin si rochelle na kumain sa jollibee na parang siya ang nanay ng anak ko, siya kasi ang nagpapakain kay Faith, dito na muling nagtanong si rochelle sa akin.


"Phantom bakit mo bga kinuha number ko? Ano ba yjng sasabihin ko? Importante ba?" tanong ni rochelle.


Matalino ang anak ko, alam kong daig pa niya ang sounds recorder ng pinaka high tech na gadjet ngayon kaya naging maingat ako sa pagsagot kay rochelle.


"Ahh wala lang, diba galit sa akin ang ate mo. Ikaw na lang sana ang tatawagan ko para makausap ang honey ko. Diba Faith?" sabi ko na labis ikinatuwa ni Faith.


Peeo ang totoo ang panay na ang yipa ko sa keypad ng telepono ko bago ko isend kay rochelle ang tinype ko.


"Huh? Bakit ako niyaya mo bakit hindi si ate." reply niya tungkol sa pagyaya ko sumama siya sa akin sa boracay.

"Alam ko naman mag kaaway kami ee. Bukas na kasi yun. Sayang yung plane ticket. Ano ok lang ba sayo?" sabi ko sa text.

"Ok sige gagawa ako ng alibi kila mama. Saan ba tayo magkikita?" tanong ni rochelle na labis kong kinatuwa.

"Sa alabang na lang para walang makakita sa atin" reply ko sa text niya na mistula kaming may relasyon.

"Ok sige sige. Yari tayo kapag nalaman ni ate." sabi ni rochelle.

"Bakit sasabihin ko ba?" tanong ko.

"Syempre hindi." sagot ni rochelle.


Sa totoo lang walang halong libog ang pagyaya ko kay rochelle ng sandaling yun, nanghihinayang lang talaga ako sa plane ticket kung hindi ito magagamit. Subalit alam kk naman na hindi magandang tignan sa mata ng mga taong mapanghusga na magstay ng tatlong araw at tatlong gabi na magkasama ang lalaki at babaeng kapatid ng kinakasama nito sa isang isla sa boracay.

Gusto kong malibang, gusto kong kahit papano makalimot sa mga haharapin ko problema kay roxane, subalit hindi ko pa alam ng sandaling yun kung tama ba ang gagawin ko o isa na namang problema ang kakaharapin ko, sa lakad namin na yun ni rochelle.


Matapos naming kumain ni rochelle at ni Faith sa jollibee ay inihatid ko na sila sa bahay nila, hindi na ako bumaba pa dahil alam ko naman na hindi rin naman ako papansinin ninroxane, isa pa ayoko pa siyang makita. Hinalikan ko na lang si Faith bago siya bumaba sa kotse ko.


Pag uwi ko sa bahay ay inulan ako ng sermon ng nanay ko tungkol kay Andrea, nakita pala ng nany ko kung paano ko halikan sa leeg si Andrea. Isang pagkakamali ko na naging kampante ako sa bahay namin. Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko sa mga salitang binitawan ng nanay kos a akin na halos tumagos sa pagkatao ko. Mali naman talaga yung gingawa ko na pambabae, ang hirap lang kasi hindi ko maipaliwanag sa nanay ko ang dahilan kung bakit ko hinahayaan ang relasyon namin ni Andrea. Hindi ko masabi sa nanay ko na lahat ng ginagastos ko sa bahay ay galing lahat yun kay Andrea. Kung meron man na galing sa sarili kong pera yun ay ang pampaaral ni Faith.


May natitira pa naman kasi akong kahihiyan sa sarili ko, hindi na kaya ng kunsenya ko na pati ang pag aaral ng anak ko ay kay Andrea ko kukunin, mali na yun para sa akin. Ayoko ng mayurakan pa lalo ang pagkato sa puntong yun.


Matapos ang mahabang seemon ng nanay ko na daig pa ang sermon ng pari sa simbahan ay hinayaan n aniya akong pumasok sa kwarto ko, kinuha ko ang bag ko na gamit ko nung nagpunta ako sa korea, naglagay ako ng ilang damit na magagamit ko sa pagsstay sa boracay. Bago ako natulog.


Umaga ng magising ako sa tunog ng telepono ko, kahit pikit pa ang mata ko ay pilit ko kinuha at sinagot ang telepono ko.


"Hello" sabi ko.

"Phantom nasaan ka na? Nandito na ako sa alabang." sabi ng kausap ko at ng tignan ko kung sino ito ay nakita ko si rochelle ang tumatawag.

"Bakit ang aga mo? Alas dos pa ang flight natin." sabi ko.

"Paalam ko kasi sa bahay pupunta ako sa dorm ko kaya maaga akong umalis. Tara na punta ka na dito bilisan mo." pangungulit ni rochelle.

"Sige sige saglit lang." sabi ko.


Naligo ako at nagbihis ng mabilisan bago ko halos liparin ang papuntang alabang. Nang makarating ako sa festival mall ay nakita ko nakaupo sa labas ng mall si rochelle, dahil sarado pa ang mall ng sandaling yun.


"Kumain ka na ba?" tanong ko ng lapitan ko siya.

"Hindi pa, ikaw ba?" tanong ni rochelle.

"Hindi pa din, tara kain muna tayo." sabi ko.


Sumakay na muna kami ng kotse ko bago kami mghanap ng fast food chain. Sa may jollibee junction ko dinala si rochelle dahil yun lang ang jollibee na bukas na ng ganun oras sa alabang.


Habang kumakain kami ay hinanap ni rochelle sa akin ang plane ticket namin, pinakita ko naman sa kanya ito na dala ko din ng oras na yun.


"Loko ka Phantom paano ako makakasakay sa eroplano nito? Hindi ko naman pangalan yan nakalagay sa ticket." sabi ni rochelle. Bigla ko naalala na pangalan nga pala ni Andrea ang nakalagay dun. Kaya isang bagay ang naisip ko na napa buti rin ang pagkikita namin ng maaga.


Matapos naming kumain ay nagpunta kami sa isang computer shop sa alabang, maswerte kami na gumagawa sila ng i. D, kahit anong i. D ay kaya nilang gawin. Naglalaminate din sila kaya hindi kami nahirapan ni rochelle na magpagawa ng dalawang i. D niya na maaari naming magamit sa airport. Hindi naman kasi mahigpit kung domestic travel lang ang gagawin. Kaya kahit fake na i. D ang gamitin mo pwede na basta mukang valid ang pagkakagawa ng i. D.


Matapos magawa ang i. D ni rochelle na ang pangalan na gamit niya ay pangalan ni Andrea ay tumulak na kami papunta sa airport.

Subalit tila detective si rochelle ng magsimula na siyang magtanong sa akin.


"Phantom sino si Andrea?" tanong niya sa akin na halos hindi ko agad nasagot dahil hindi ko ito napaghandaan ng alibi. Ilang segundo ata akong nag isip bago ko siya nasagot.

"Ahh asawa siya ng kaibigan ko. Apat kasi kami dapat na pupunta ng boracay, kaso hindi natuloy. Kaya binili ko yang isang ticket para may makasama ako. Binenta din kasi nung dalawang kasama ko yung ticket nila." sabi ko na hindj ko alam kung pasok ba ang palusot ko kay rochelle.

"Sigurado ka na hindi mo babae itong si Andrea?" tanong uli ni rochelle.

"Wala naman sa plano ko na lokohin ang ate mo." sabi ko
"Bakit hindi si ate ang sinama mo dito? Bakit ako?" tanong ni rochelle.

"Alam mo naman na may tampuhan kami ng ate mo. Tyaka gusto ko din na makatulong sayo kahit papano na makalimot sa nangyari sa boyfriend mo." sabi ko.


Hindi na nagsalita pa si rochelle ng sabihin ko ang tungkol sa kasintahan niya, maaaring ayaw na niya itong pag usapan, kaya tumahimik na lang din muna ako hanggang sa makarating kami sa airport.


"Phantom saan mo nga pala iiwan ang kotse mo, diba 3days tayo dun?" tanong ni rochelle.

"Sa park and fly, magbabayad na lang ako ng parking, ganun din naman kasi ang gastos kung aarkila tayo ng sasakyan na maghahatid sa atin at susundo." sabi ko.


Pinarada ko na muna ang kotse ko sa park and fly bago ako mag fill up ng ilang documento sa comapany na yun. Matapos ang lahat ay inihatid na kami ng service nila papunta sa airport na hindi naman kalayuan.


Ilang oras din kaming naghintay ni rochelle, bago tawagin ang flight na papuntang caticlan. SUmakay na kami ng eroplano na kapwa namin hindi alintana na ang isang malaking problema ay papalapit pa lamang sa amin ni rochelle...



Nang muli ako makapasok sa eroplano ay hindi ko maiwasang hindi maalala si psalm, dahil sa eroplanonkami unang nagkakilala noon, kahit hindi yun ang eroplanong sinakyan namin noon ay hindinko pa rin maiwasang mapatangin sa isang upuan na malapit sa bintana, dahil sa kagayang pwesto rin dati ng upuan kami nagkatabi ni psalm patungo sa south korea.


Pinilit ko na lang na iwaksi ang mga mapapait na alaala ng nakaraan, dahil ang dahilan ng pagpunta namin ni rochelle sa boracay ay kapwa kailangan naming libangin ang sarili namin upang makalimot sa mga problemang halos pareho naming kinahaharap.


Habang lulan kami ng eroplano ng sandaling yun ay hindi mawlaa sa isip ko si Roxanne, marahil ay katext na naman niya o kausap sa telepono si brando o baka naman kasama na niya ito sa mga oras na wala ako. Dahil narinig ko na sinabi niya sa kausap niya sa telepono na magkita na lang sila pagbalik niya sa laguna nung nasa baler pa kami.


Dahil sa lalim ng pag iisip ko ay hindi ko napansin na may sinasabi pala si rochelle sa akin dahil sa totoo lang ay wala ang atensyon ko sa eroplanong yun.


"Ui ok ka lang ba?"Sabi ni rochelle na nakapagpabalik sa ulirat ko.

"Ahh oo bakit?" sabi ko.

"Kanina pa ako salita ng salita hindi ka nasagot ii." sabi ni rochelle.

"Ahh ee ano ba yung sinaabi mo?" tanong ko.

"Wala" sabi ni rochelle bago isinandal ang likod niya sa sandalan ng upuan na parang nagtatampo.


Kahit anong pilit ko kay rochelle na sabihin niya sa akin ang sinasabi niya kanina ay hindi na niya ito sinabi pa. Hanggang sa dumating kami ng caticlan. Sumakay pa kami ng bangka papunta sa isla ng boracay bago kami magtungo sa hotel na kasama sa kinuha kong plane ticket.


"Rochelle sorry na. May iniisip kasi ako kanina kaya hindi ko naintindihan yung sinasabi mo." sabi ko kay rochelle ng makapasok kami sa kwarto namin.

"Wag mo ng isipin yun ok. Tinatanong ko lang naman kasi kanina kung anong plano mo activity dito." sabi ni rochelle.

"Ahh ee sa totoo lang ngayon lang naman kasi ako nakarating dito, wala din akong alam na pwede nating gawing activity dito bukod sa pag iinom at pagligo sa dagat." sabi ko.


Sa pagkakatong ito ay nakita ko kay rochelle ang isang katauhan ni psalm. Dahil ng marinig niya na wala akong alam na pwede naming pagkaabalahan sa boracay ay niyaya niya agad akong lumabas sa hotel para magtanong tanong sa mga taong nandun kung ano ba ang pwede naming gawin para malibang.


Hanga ako sa kakayahan ni rochelle, dahil hindi siya nahihiya na magtanong at parang wala siyang kapaguran sa kakalakad para makapag tanong
Marami ng taong nakausap si rochelle, pero hindi ko alam kung bakit napakarami pa rin niyang pinagtatanungan. Lakad lang kami ng lakad, hindi namn ako napapagod dahil sa totoo lang busog na busog ang mata ko sa mga naka bikini babae na nakakasalubong namin.


Hanggang sa huminto kami ni rochelle sa isang tindahan ng kung anu anong klaseng burloloy na pwedeng ipasalubong.


Hindi na ako pumaaok sa loob ng tindahan, si rochelle na lang ang pumasok at nakipag usap sa may ari nito. Ilang minuto din kinausap ni rochelle ang may ari, bago niya ako lapitan para humiram ng pera dahil nasa hotel room daq namin ang wallet niya. Wala naman problema sa akin ang pera that time dahil kay Andrea.


Ilang saglit pa ay niyaya na ako ni rochelle na bumalik sa hotel room namin para makapag handa sa magiging activity namin na hindi ko nga alam king ano ang gagawin namin dahil siya lang naman ang nakikipag usap sa mga taong nandun.


Nag order na lang ako sa room service sa hotel na yun ng makakain namin ni rochelle dahil napapagod na ein akong kung lalabas pa kami at muling maglalakad. Maganda din ang mungkahi ni rochelle na sa hotel na muna kami hanggang 4pm na hindi ko alam ang dahilan dahil ayaw din naman niyang sabihin.


Matapos namin kumain ay niyaya na ako ni rochelle na lumabas sa hotel dahil baka mahuli daw kami, kahit anong tanong ko ay ayaw niya sabihin sa akin kung saan kami pupunta. Pagdating sa may dalampasigan ay may isang bangka na naghihintay na sa amin, hindi lang kami ang hinihintay siguro sa tantya ko nasa walo o siyam na tao na ang sakay nito at naghihintay pa ata.


Kahit may nararamdaman pa akong takot ng sandaling yun sa pagsakay ng bangka at paglalayag sa dagat ay tinibayan ko na lang ang kalooban ko dahil kitang kita ko sa muka ni rochelle ang kagalakan ng sandaling sumakay kami sa bangka.


May iniabot sa amin ang parang tour guide na nakasakay sa bangkang yun na damit na kulay itim, hindi ko alam ang tawag sa damit na yun. Basta ang alam ko kasuotan yun na pang buong katawan na parang tela na goma o goma na tela. Basta yun yung sinusuot ng mga scuba diver.


Lalo akong nakaramdam ng kaba ng makita ko na may mga oxygen tank sa may gilid ng upuan namin ni rochelle, kahit hindi pa niya sabihin ay batid ko na kung saan patungo ang bangkang yun. Alam ko na mag sscuba diving kami, lalo pa ng iabot sa amin ang nilalagay sa paa ng mga scuba diver.


Tinuruan din kami ng mga basic sign language na kakailanganin namin kapag nasa ilalim na kami ng dagat, pati ang tamang pamamaraan ng paggamit ng oxygen at ilang mga dpaat at hindi dapat gawin kapag lumusong na kami sa ilalim ng dagat.


Sa totoo lang hindi ko halos maintindihan ang sinasabi sa amin ng tour guide dahil sa labis na kaba na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi pa ako handa na harapin ang isang takot sa kalooban ko dahil hanggang sa mga oras na yun ay malinaw pa rin sa akin ang isang trahedyang nangyari sa amin ng mga kaibigan ko sa isang beach sa batangas.


Subalit lahat ng agam agam ko ay tuluyan ko ng nakalimutan ng biglang hawakan ni rochelle ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung nababasa niya ba ang utak ko o sadyang alam lang niya na takot ako sa dagat.


"Relax ok. Tignan mo madami sila dito sa bangka na pwede sumagip sa atin kapag nalunod tayo. Kaya relax ka. Lang huh." sabi ni rochelle habang tinuturo ang mga kasamahan ng tour guide na nandun din sa bangka.


Hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon ay walang humpay na pagpapalakas ng loob ang ginawa ni rochelle sa akin, hindi rin niya binitawan ang palad ko na mistula kaming magkasintahan ng sandaling yun.


Nang huminto ang bangka ay isa isa kaming pinaghanda ng tour guide namin, kagaya ng mga itinuro niya ay nagawa naman ng mga kasama naming turista ang tamang paglusong sa tubig, hindi ko nga lang maintindihan kung bakit kailangan patalikod ang unang bagsak sa tubig kapag lulusong ka.


Kami ang huling lumusong ni rochelle ng sandaling yun na kahit papano ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob, mas lalo pang napawi ang lahat ng takot ko ng makakita ako sa unang pagkakataon ng napakagandang corals. Mas lalo akong namangha ng makita ko ang ibat ibang kulay ng isda na hindi natatakot lumapit sa amin. Parang nakikipag laro pa sila.


Hindi ko maalala kung gaano kami katagal sa ilalim ng tubig ng sandaling yun, pero ang sigurado ako ay sobrang saya ko sa experience na yun. Pakiramdam ko sandali kong nilisan ang mundo at napunta ako sa ibang planeta dahil sa sobrang ganda ng mga tanawin sa ilalim ng dagat.


Nang makabalik kami sa dalampasigan ay nagtungo na muna kami ninrochelle sa isang kainan sa lugar na yun.


"Bukas sakay tayo sa banana boat Phantom masaya yun." sabi ni rochelle habang kumakain kami.

"Banana boat? Yun ba yung hinihila ng bangka na nakasakay kayo sa likuran?" tanong ko.

"Oo yun nga. Tapos sa hapon naka reserve na yung jetskie natin. Sayang nga kasi wlaang bakante ngayon, kaya bukas yun nakuha ko." sabi ni rochelle.


"Ahh ok lang yun, mapapagpahinga din tayo ngayon. Para bukas full energy tayo. Pero teka magkano nga pala yung gastos dun sa scuba diving tyaka sa banana boat at rent ng jetskie." tanong ko.

"Bayad na yun huwag mo ng intindihin yun. Diba nanghiram akk ng pera sayo kanina. Dun ko binayad yun. Treat ko na sayo yun." sabi ni rochelle sabay ngiti.

"Sira ka talaga dapat pala hindi ko na tinggap yun bayad mo. Dapat sinabi mo." sabi ko dahil hindi ko naman akalain na dun niya ginastos yun hiniram niyang pera sa akin.

"Ok lang ano kaba. Hindi naman kalakihan yun. Magpainom ka na lang ngayon kwits na tayo." sabi ni rochelle.


Madilim na ng sandaling matapos kami kumain ni rochelle, naglakad lakad kami sa mga bar para sana pumili ng maiinuman subalit tila pareho kami ni rochelle na ayaw sa maingay na bar na may banda. Kaya napagpasyahan naming sa hotel nalang namin kami mag inom. Tahimik na hindi pa mahal ang magagastos namin.


Si rochelle na ang pinapili ko ng alak na gusto niya, ee kagaya nung nasa baler kami, pinili niya ay yung pinaghahalong alak at juice na parang nagiging immortal siya dahil yun ang nakasnayan niya.


Hindi na kami bumili ng pulutan, sinabi ko kasi na magpapaluto na lang ako sa hotel dahil masarap naman ang mga pagkain nila dun kahit medyo may kamahalan.


Pagdating namin sa hotel ay nagsimula na kaming mag inom ni rochelle, dahil siguro sa nalibang ako sa kwentuhan namin ni rochelle ay hindi ko napansin na nakaubos na pala kami ng dalawang timpla ng alak na yun, wala rin masyadong tama sa akin ang ginawang alak na yun ni rochelle.


"Ano kaya mo pa ba?" tanong ni rochelle.

"Oo naman. Ikaw ba?" tanong ko.

"Kaya ko pa naman, pero beer na lang tayo. Gusto ko manood nung fire dancing." sabi ni rochelle.


Hindj na ako nagsalita kinuha ko na lang ang wallet ko bago ko siya yayain sa labas para maghanap ng fire dancer. Hindi naman kami nahirapan, halos ilang bar din ang nakita namin na may nagsasayaw na pinapaikot ang apoy sa dalawang kamay na may tali.


Umorder ako ng beer bago kami naupo sa tapat ng fire dancer, kitang kita ko kung paano tumitig si rochelle sa dancer, aliw na aliw siya ng sandaling yun.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon