Ilang minuto lang at nakatulog na kami, Hindi ko alam kung patuloy ko na ba makakalimutan si Ms Diaz dahil sa babaeng ito, Mali din kasi na may mamagitan sa amin dahil may kasintahan na siya.
Muli ay ipinaubaya ko nalang sa tadhana ang lahat, muli na naman akong sasabay sa alon ng pagkakataon kung saan ako nito dalhin.
Umaga na ng magising ako, nakita ko si zakura na mahambing pa ang tulog at nababa ng hanggang bewang ang gamit niyang kumot, lumapit ako sa kanya at inaayos ko ang kumot niya.
Hindi ko alam kung anong naging dahilan pero napako ako sa pagkakatitig sa maamo niyang muka, kahit medyo natatakluban ng ilang piraso ng buhok niya ang muka niya, napakaganda pa rin niyang pagmasdan, makinis ang magkabilang pisngi niya na may ilang pirasong guhit na kulay pulang ugat, kasing nipis ito ng hibla ng buhok na lalong nakakapagpatingkad sa kagandahan niya.
May kahabaan din ang pilik mata niya, mga kilay niya na kahit halatang inahit ay bumagay naman sa hugis ng mga mata niya.
Para siyang isang sanggol na kakalabas palang sa sinapupunan, mahimbing ang tulog at napaka sarap pag masdan.
Subalit halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng bigla niyang dinilat ang mga niya na direktang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung magpapaliwanag ba ako o tatalikod nalang.
May dumi ba ako sa muka? Kanina mo pa ako kinumutan pero nanatili ka pa rin nakatayo diyan. Sabi ni zakura.
Ahh ee ano kasi yung pilik mata mo kasi ang haba, tinitignan ko lang kung tunay. Palusot ko.
Tunay yan ano ka ba, nung baby pa daw kasi ako ginupit ng mommy ko yung pilik mata ko para daw humaba. Paliwanag niya.
Ahh ganun pala yun, sige shower muna ako. Paalam ko.
Naligo ako at naghanda na para sa isa na namang araw ng paglalakbay namin ni zakura.
Naligo na rin siya at niyaya niya akong kumain ng almusal sa isang malapit na coffee shop sa hotel na inuupahan ko.
Nang makapasok kami sa coffee shop ay agad siyang umorder ng kape at tinapay na parang mamon.
Tinitigan niya ako ng nakangiti.
Bakit ka naka ngiti? Tanong ko.
Hindi ka ba pamilyar sa lugar na ito? Tanong niya.
Nilibot ko ang mga mata ko at wala akong maalala tungkol dito, dahil Hindi naman ako mahilig sa coffee shop.
Huh!? Wala ee di naman ako nagpunta dito nung hindi pa kita kasama, tyaka sa bahay lang ako nagkakape, sagot ko.
Walanjumo!! Di ka ba nanonood ng TV? Yung Korea novela na coffee prince!! Tanong niya.
Nanonood naman ako ng tv, pero yung coffee prince naririnig ko lang di ko pinanood. Sagot ko
Ahh kaya pala di mo alam, dito kasi nag shooting yung pelikulang yun. Paliwanag niya.Ahh okey, sige almusal na tayo. Sagot ko.
Kumain na kami at nagpapicture siya sa akin sa lahat ng sulok ng coffee shop na yun, halos ako na yung nahihiya para sa kanya, dahil lahat halos ng costumer sa coffee shop na yun ee nasa amin na ang atensyon.
Matapos ko siyang picturan ay niyaya ko na siya lumabas ng shop na yun dahil talagang pinagtitinginan na kami.
Bakit ka ba nagmamadali? Tanong niya.
Ano kaba nakakahiya kaya, pinagtitinginan na tayo ng mga costumer. Sagot ko.
Ano naman? Hindi naman tayo kilala ng mga yun. Sabi niya.

BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz