"Phantom dederetsuhin na kita, gusto kong buhayin ang sports sa paaralan natin, nabalitaan ko kasi na magaling kang coach at trainor sa volleyball, naging player ka rin pala mula highschool hanggang college at alam mo ba na maraming public school ang gustong matranfer ka sa kanila pero hindi ako pumayag. Mula kasi ng magretiro yung huling lalaking teacher dito sa paaralan natin ay nahinto na ang pagsali ng paaralan natin sa sports, kaya mo ba akong matulungan na muling buhayin ang sports?" tanong ng principal sa akin.
"Ahh yun po ba, opo maam kaya ko po." sagot ko kahit medyo alangan ako sa gagawin ko.
Pinakita sa akin ng principal ang ground at ilang mga lumang gamit ng paaralan na ginagamit na pang ensayo sa mga player ng lahat ng sports.
Marami sa mga gamit ang hindi na mapapakinabangan at ang ilan ay pwede pa.
Matapos ko makita lahat ng kagamitan ay pinabalik na ako sa classroom ko ng principal namin, binigyan niya ako ng isang linggo para ayusin at kumpunihin ang mga sirang gamit na maaari pang magamit at kung may kulang daw ay sasabihin nalang sa president ng P.T.A parents teachers association.
Lumakad ako pabalik sa classroom ko masaya kong nakita na tahimik ang lahat ng estudyante ko kahit iniwan ko sila, nakaupo naman si Mira sa upuan ko sa mismong harapan ng mga kaklase niya.
Tahimik kong binalikan ang lesson plan ko at nang muli akong magsusulat ay nagulat ako sa papel na kulay pink na naka ipit sa gilid ng table ko.
Hindi ko alam kung sino ang nag ipit ng papel na kulay pink sa gilid ng table ko, kinuha ko ito at binuksan upang mabasa ang nilalaman nito.
"Sir smile ka po lagi, hindi po bagay sayo yung lagi kang nakasimangot" yun ang eksaktong nakasulat sa papel na yun, may smiley pa sa ibabang bahagi nito.
Nilibot ko ang mata ko sa mga estudyante ko na subsob sa paggawa ng sit work nila, wala akong makitang kaduda duda na magbibigay sa akin ng ganong sulat kaya pinasya ko nalang na itago sa wallet ko ang papel na yun at muli akong nagsulat sa lesson plan ko.
Mabilis lumipas ang maghapon ko ng araw na yun, lahat halos ng ibang section na tinuturuaan ko ay pawang ilag sa akin dahil sa kabagsikan na pinapakita ko sa kanila, ayoko na kasing magkaroon pa ng kaibigan o kalandian na estudyante ng sandaling yun.
Subalit minsan kahit pa anong pigil mo na mangyari ang isang bagay ay hindi mo pa rin ito mapipigil kung ito ay nakatadhana na mangyari.
Huling klase ko na ng hapon nang magpasya akong gumawa ng isang announcement sa bulletin board para ipaalam sa lahat ng estudyante sa paaralan na iyon na muling bubuhayin ang sports.
Lahat ng event na alam ko ay nilagay ko sa nasabing paskil, kinausap ko rin ang principal upang makahingi ako ng tulong sa ibang teacher na maaaring maghandle ng ibang events, pumayag naman ang principal at isa isa niyang pinatawag ang mga guro na maaring maging coach.
Kinuha ko na ang pagiging coach ng volleyball boys and girls, yung ibang mga teacher ay bahala na sa kung saan sila maassign ng principal.
Kinabukasan pagpasok ko pa lang marami ng mga estudyante na nag aabang sa pintuan ng classroom ko, inulan nila ako ng kung ano anong klaseng tanong tungkol sa pagbuo uli ng mga magiging varcity ng school.
Dahil sa sobrang excited ng iba, nalimutan na nila na isa akong terror teacher. Napatahimik na lang sila ng wala akong isinagot sa mga tanong nila, isa isa silang yumuko at halatang kinakabahan sa naging reaksyon ko sa sinasabi nila nila.
"Magsipasok kayo sa classroom niyo at intindihin niyong mabuti ang nakasulat sa bulletin board natin. Ang late mamaya sa try out huwag na kayong umasa na makakapasok. Ayoko ng maraming tanong. " sabi ko sabay lakad papasok sa loob ng classroom ko, tahimik na umalis ang mga estudyante na nagtatanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz