"Daddy bakit ngayon ka lang. Tyaka bakit hindi mo ako sinama matulog kila lola? " sabi ni Faith ng lapitan niya kami ni roxane.
"Honey hindi kita pwede isama kagabi kasi hinatid ko si tita ganda sa airport. Gabi na yun mapupuyat ka. " sabi ko.
"Ahh ganun po ba. Daddy gusto mo? Binili ako ni tita Rochelle ohh" sabi ni Faith sabay abot sa akin ng isang magnolia chocolate at isang tinapay na parang mamon.
"Hindi sige anak sayo yan busog pa si daddy. " sagot ko.
Tumagal din kami halos ng isang oras sa ospital bago dunating ang doktor na may dala ng resulta ng laboratory test ni Roxanne. Konting payo na huwag magpagod, huwag magbuhat ng mabibigat at siguraduhing masustansiya ang palaging kakainin upang maging maayos ang development ng bata sa sinapuounan niya.
Wala naman problema si roxane ng sandaling yun sadyang napuyat lang talaga siya kaya siya nahilo. Matapos kami kausapin ng doktor ay umuwi na kami sakay ng kotse ko.
Kagaya ng lagi naming pagkikita ng kapatid na babae ni roxane ay mailap pa rin ito sa akin. Maski tingin, siring, ngiti o kahit sign ng fuck you ay hindi niya ginagawa sa akin.
Hindi ko alam sa kanya kung may galit ba siya sa akin o sadyang masingit lang talaga ang isang yun. Binalewala ko na lang din siya ng sandaling yun.
Nang makarating kami sa bahay nila roxane ay nagpaalam lang ako saglit na may nalimutan akong kunin sa bahay. Nagsinungaling ako kay roxane na kailangan ko kunin ang lesson plan ko para makapag update ako. Pero ang totoo ay susubukan ko habulin ang pag alis ni malou at ng mommy niya papuntang amerika.
Nang payagan ako ni roxane na umuwi ay halos paliparin ko na ang kotse ko sa pagmamadali para makarating sa bahay nila malou. Subalit kahit anong bilis ng patakbo ng kotse ang gawin ko ay hindi ko na nagawa pang mahabol si malou at ang mommy niya. Tanging si mara na lang ang inabutan ko na namumugto pa ang mata sa bahay nila.
"Nakaalis na sila Phantom. Kanina pa kita hinihintay, gusto ka man lang sana makita ni ate bago siya umalis. Kaya kanina ka pa niya pinapatawagan sa akin. Akala ko matapos nating mag usap pupunta ka na. Pero wala ka. Binigo mo na naman ang ate ko sa pagkakataong ito. " sabi ni mara na halos humagulgol na sa pag iyak.
Sobrang naawa ako sa nakita kong reaksyon ni mara. Batid ko na labis siyang nangungulila sa paglayo ng mommy niya at ng ate niya. Subalit ang awa na nararamdaman ko ay napalitan ng katangungan kung ano ba talgaa ang dahilan ng pagpunta ni malou sa amerika. Wala rin siyang naikwento sa akin kapag nasa school kami.
Tumingin ako sa orasan ng sandaling yun. Alas onse pa lang ng tanghali. Ang sabi ni mara alas dose ang flight nila malou. Kung magagawa ko makarating sa airport ay may oagkakataon pa ako na makita si malou, kahit hindi ko man magawa na pigilan sila sa pag alis ay sapat na sa akin na magkaroon kami ng maayos na pag uusap.
Subalit hindi ako superhero na maaaring lumipad, wala rin akong kapangyarihan upang mag teleport. Isa pang nakakainis na pakiramdam ay nasa bansa ako ng pilipinas. Kung saan ang byahe na dapat ay 30 to 45 minutes lang ay umaabot ng tatlo hanggang limang oras na byahe dahil sa pesteng trapik sa lahat ng kalsada sa kamaynilaan. Trapik na kaya sanang gawan ng paraan kung ang mga politician NA nakaupo SA mga putang inang inang upuan nila AY hindi mga magnanakaw.
Naisip kaya NG mga politiko kung ilang tao NA kagaya KO NA hindi NA nagawa pang magpaalam man lang SA isang taong paalis NA dahil SA trapik.
Naisip kaya nila kung ilang buhay ang nantala dahil SA trapik, gaanong kalaking pera, oras AT panahon ang nasasayang SA bawat buhay NG pilipino dahil SA pesteng trapik SA lansangan NA pwede naman sanang gawan NG paraan kung ang kaban NG bayan AY napupunta SA pagpapagawa NG mga kalsada AT hindi SA bulsa NG mga putang inang... kaputa putahang NG mga putang inang mga magnanakaw NA politiko. tang ina talaga diba.
BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz