Book 4 - Part 3

15 0 0
                                    

Matapos kong magtoothbrush at maligo ng mabilis ay nagbihis lang ako ng pambahay na damit na nasa aparador ni Andrea. Bago ako bumaba sa unang palapag ng bahay.


Naabutan kong abala si Andrea at ang katulong niya sa pag aayos ng mesa. Sa totoo lang isa ito sa kinaiinis ko sa mga taong lumaking mayaman.


Kahit kasi dalawang tao lang ang kakain ay napakaraming nakahain sa mesa, may tinapay, may fried rice, may plain rice, hotdog, bacon, egg, corned beef at longganisa na parang buong pamilya ko na ata ang pwede kumain ng nakahain sa mesa ni Andrea.


"Bakit andami naman ata ng niluto mo?" sabi ko kay Andrea.

"Huh? Ee baka kasi nagutom ka kagabi. Kaya ayan dinamihan ko." sabi ni Andrea na lalong siyang nagiging maganda kapag natataranta siya. Isa ito sa side na gusto ko sa itsura ni Andrea, nabubura kasi ang tapang at pagka masungit niya kapagnatataranta siya.


Niyakap ko na lang si Andrea sabay halik sa pisngi niya ng sandaling yun bago ko siya niyayang kumain.


"Andrea yung damit ko nga pala na suot kagabi nakita mo ba?" tanong ko habang nakain kami.

"Ahh oo pinalabhan ko na kay manang, may mga damit ka naman diyan yun na lang ang suotin mo." sabi ni Andrea.


Hindi na ako nagsalita pa dahil natatakot akong mapansin ni Andrea na may itinatago ako kapag nagtanong pa ako tungkol sa damit ko. Kumain na lang kami at masyaang nagwentuhan ng kung anu-ano.


"Andrea uwi muna ako. Balik na lang ako. Hindi kasi ako nakapag paalam sa bahay baka hinahanap na ako." sabi ko. Matapos kami kumain ng agahan.

"Kailan ka naman babalik dito?" tanong ni Andrea.

"Papagood shoot lang ako sa bahay. Balik ako dito kapag may pagkakataon ok." sagot ko.

"Hmmp. Phantom sa holy week ilaan mo na sa akin yun huh. Si bea kasi isasama nila mommy at daddy sa singapore. Nandun kasi si tita. Bibisitahin nila. Hindi ako sumama kasi naisip ko mas ok kung mag boracay tayong dalawa." sabi ni Andrea habang nakayakap sa braso ko.

"Holy week? Naku kapag holy week may family reunion kami. Taon taon yun." isa sa palusot ko na malaki ang magiging problema ko.

"Ohh ee di mas ok. Sama na lang ako sa family reunion niyo, para makilala ko pa ang mga relatives mo." masyaang sabi ni Andrea. Subalit para sa akin ay isa itong mabigat na problema.


Ang totoo niyan wala naman talaga kami family reunion, kadalasan mga tropa ko ang kasama ko kapag holy week. Dahil sa nasa poder na rin ako ni roxane kaya ko naging palusot yun kay Andrea. Subalit ang palusot ko ay mukang hindi lulusot kay Andrea.


"Oh sige sabihan na lang kita sa plan namin." sabi ko nalang para matapos na ang usapan namin ni Andrea ng sandaling yun.


Inihatid pa ako ni Andrea hanggang sa makasakay ako sa kotse ko, paglabas ko ng subdivision na yun ay agad ko ipinarada ang kotse ko sa tabi ng kalsada, bago ko mabilis na kinuha ang nakatago ko telepono para kay roxane, itinago ko naman ang telepono ko para kay Andrea. Subalit ng pasakay na ako sa kotse ko at subukan ko buksan ang telepono ay napakadaming missed calls at text na natanggap ko mula kay roxane.


Hindi ko na isususlat lahat ng text niya yung huling text na lang niya na labis na nakapagpakabog sa dibdib ko ang isusulat ko.


"Punyeta ka Phantom, humanda ka pag uwi mo sa ginawa mong pagbabalewala sa mga text at tawag ko." yan ang text na hindi ko alam kung paano konhaharapin si roxane.


Habang nagmamaneho ako ay kung anu-anong alibi na ang naiisip ko, karamihan nga lang sa mga naiisip ko ay parang hindi makatotohanan.

Subalit ng mapadaan ako sa palengke ng mismong bayan namin at natanaw ko ang mga pagawaan ng cellphone ay isang alibi ang mabilis na tumakbo sa utak ko.


Pinarada ko ang kotse ko sa may tapat ng isang bilihan ng mga cellphone. Bumili ako ng housing ng telepono ko. Ang simcard ko ay itinago ko na lang sa wallet ko. Mabilisan ko rin binura lahat ng naka save na number sa telepono ko pati ang mga text message.


Matapos nun ay umuwi ako sa bahay namin, nakita kong nakaupo ang kapatid kong babae na sumunod sa akin sa sala habang nanonood ng tv.


"Ohh sayo na lang." sabay hagis ko sa tabi niya ng telepono ko na ginagamit ko kay roxane.

"Seroso kuya!?" gulat na tanong ng kapatid ko.

"Oo. Basta huwag mo sasabihin sa ate roxane mo na binigay ko sayo yan. Hanggang maari itgo m rin s kny yn huh!?" sbi ko.

'' bkit nmn kuya?" tnong ng kaptid ko.

"Huwag ka ng magtanong." sabi ko sabay pasok sa kwarto ko.


Hinanap ko agad ang polo at pantalon ko, kahit plantsado ito ay pinilit ko itong gusutin bago ko isuot.


Matapos nun ay nagtungo na ako sa bahay nila roxane. Subalit bago ako tuluyang makarating sa bahay nila ay inihinto ko ang kotse ko sa malapit sa pinapasukang paaralan ni ng anak kong si Faith. May bakanteng lote kasi dun.


Kiniskis ko sa lupa ang kamay ko bago ko ipahid sa polo ko at pantalon. Medyo diniinan ko ang kiskis ng lupa sa parteng labi ko para mas kapani paniwala ang acting ko. Medyo nagsugat ng bahagya ang pisngi ko ng sandaling yun.


Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ng kotse ko na spaat na ang dumi sa katawan ko ay sumakay na muli ako sa kotse bago ko tinungo ang bahay nila roxane.


Muli ay nakaramdam na naman ako ng kirot ng kunsensya ng binabagtas ko na ang daan sa bahay nila roxane. Isa na namang panloloko ang gagawin ko kay roxane upang matakpan ang mga kagaguhan na ginagawa ko.


Nang makarating ako sa bahay nila ay nagdadlaawang isip pa akong bumaba ng kotse ko, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang acting ko o magsasabi na lang ako ng totoo. Subalit ng panahon na yan ay hindi ko kayang sabihin kay roxane ang totoo. Hindi ko kayang sabihin na pasensya ka na roxane nakipag kantutan ako kay Andrea ee, bumawi lang ako kasi sa kanya ako kumukuha ng pera na panggastos natin araw araw. Kasi kung sweldo lang natin yung aasahan natin. Ee hindi sapat ang sweldo ng guro para bumuo ng pamilya.

Di ba napakalaking kagaguhan kung sasabihin ko yun. Baka mapatay ako ni roxane kung katotohanan ang sasabihin ko, kaya imbis na magtapat ay minatamis ko na lang na magsinungaling sa kanya at sa pamilya niya.


"Diyos ko iho anong nangyari sayo? Bakit napaka rumi ng damit mo? Saan ka ba nanggaling?" tanong ng tatay ni roxane ng makita niya ako pumasok sa gate.


Sasagot pa sana ako ng biglang magtatakbo palabas si Faith upang salubungin ako, subalit maski ang anak ko ay nagulat sa itsura ko.


"Daddy anong nangyari sayo? Nadapa ka ba?" tanong ni Faith subalit hindi ko na lang siya sinagot. Kinalong ko na lang ang anak ko sabay yakap sa kanya.


"Daddy naman dirty ka tapos niyakap mo ako. Dirty na din ako." reklamo ni Faith.


Papasok pa lang kami ng bahay ng salubungin ako ni roxane, ang nakasimangot na muka niya ay napalitan ng pangamba ng makita niya na marumi ang muka ko.


Inulan din ako ng tanong ni roxane, subalit minatamis kong sala na kami muna umupo ng bahay nila para isang pagsisinungaling na lang ang gagawin ko.


"Ganito kasi yun. Kagabi pauwi na sana ako. Kaso paglabas ko sa bahay nung varsity ko habang nagtetext ako sayo biglang may humablot ng cellphone ko. Hinabol ko kasmaa ko humabol yung mga kamag ng varsity ko kaso nadapa ako. Kaya gankto ang itsura ko. Medyo lasing na din kasi ako kagabi. Kaya pinatulog na lang nila ako sa sala ng bahay ng varsity ko. Hindi ko na magawang magtext sayo dahil hindi ko naman kabisado ang number mo." mahinahong pagpapaliwanag ko na may halong paawa effect na boses na talaga namang epektib kay roxane.


Pinayuhan ako ng magulang ni roxane na kung sakaling maulit ang ganung bagay ay hayaan ko na lang ito, dahil makakabili pa naman daw kami ng cellphone na bago. Pero ang buhay kapag nawala na ee hindi na maibabalik pa.

Marahil ay tama sila, kaya ko nga nagawa na mag sinungaling ng ganito sa kanila dahil ayoko mawala si roxane at Faith sa buhay ko. Lalo pa at may isang nilalang pa na nasa sinapupunan ni roxane. Handa kong gawin ang lahat upang maitago ang kalokohan na ginagawa ko. Kalokohan na para din naman sa ikakaginhawa ng buhay na meron kami.


Naging epektib ang pagpapalusot ko kay roxane ng sandaling yun, sa katunayan hindi niya ako sinermunan o inaway. Bagkos ipinaghanda pa niya ako ng damit na pamalit ko matapos kong maligo.

Maingat ko rin itinatago kay roxane ang marka ng kagat ni Andrea, kahit madalas na madali ni Faith ang kagat ni Andrea na medyo mahapdi ay tinitiis ko na lang ang sakit para hindi ako mapansin ni roxane.

First week of april 2011 nang kausapin ako ni roxane tungkol sa summer outing ng pamilya nila. Muli na naman akong kinabahan ng sandaling yun, dahil kagaya ni Andrea ay may plano rin pala ang pamilya ni roxane sa darating na holy week.


"Phantom may family reunion tayo sa holy week 3days 3nights yun, nag imbita kasi ang mga kamag anak namin sa baguio na sa baler daw ganapin ang reunion namin. May mga kamag anak kasi kami na uuwi galing abroad. Gusto kong ipakilala ka sa kanila." zsabi ni roxane.

"Ahh ee oo ok alng. After naman ng holy yung seminar ko sa sta cruz." sabi ko.

"Seminar? Bakit hindi ko ata alam yan?" tanong ni roxane.

"Kanina ko lang nalaman. Tinext ako ng principal namin. Kayo ba wala ba kayong seminar?" tanong ko.

"Wala naman. Pero tinawagan ako ng principal namin kung gusto ko daw magturo ng summer class. Umayaw ako hindj naman kasi ako pwede mapagod. Mahirap na baka kung ano pa mangyari sa baby natin." sabi ni roxane.

"Tama yan. Magpahinga ka na lang. May panggastos naman tayo ngayon bakasyon. May sweldo rin naman kasi ako kahit bakasyon." sabi ko.

"Oo nga ee buti pa kayong nasa public kahit bakasyon nasweldo. Kaya nga napapaisip akong lumipat na rin sa school mo. Para marami rin akong benepisyong matanggap." sabi ni roxane.

"Naku. Akala mo ba madali sa public school. Mahirap din kaya. Summer na kailangan mo pa mag seminar. Ang alam ko nga may mga seminar pa kami after nitong sa sta cruz." sabi ko.

"Kung hindi naman ako buntis kaya ko umattend ng mga seminar na yan. Kesa ganito walang sweldo. Sayang yung tinapos ko sa private school." reklamo ni roxane.


Sa totoo lang wala naman talaga akong seminar after holy week. Naisip ko lang na gawing alibi yun kay roxane para mailaan ko ang araw na yun kay Andrea.

Pero kailangan ko rin umisip ng idadahilan ko kay Andrea kung bakit hindi ko siya maisasama sa holy week sa lakad ko.


Hindj naman kasi pwede na sabihin ko sa kanya. Sorry Andrea kasama ko si roxane ee. Yung babaeng may isang anak ako na ngayon ay buntis. Sa kanya ko inuubos ang perang binibigay mo. Kaya after holy week na lang tayo mag out of town. Diba napaka bobo naman ng taong gagawa ng ganung bagay.


Ilang araw ang lumipas ay kahit papano nakakasimple ako ng punta sa bahay namin ni Andrea, nagagawa ko rin matulog sa bahay niya kapag maganda ang mood ni roxane na magpapaalam ako na mag iinom kami ng mga tropa ko at doon na ako matutulog sa bahay ng tropa ko na lama naman ni roxane na kadikit ko ang halos lahat ng tropa ko.


Sa isang hindi inaasahang pangyayari ay nakaisip ako ng magandang idea para mapapayag ko si Andrea na hindj siya sumama sa akin sa holy week. Pinuntahan ko ang kaibigan ko na may kilalang travelling agency.

Nagpakuha ako sa kanya ng ticket papuntang boracay. Tatlong araw at tatlong gabi na may kasamang hotel accomodation ang kinuha ko.


Dahil may kilala ako sa travelling agency na yun ay madali akong nakakuha ng plane ticket. Binayaran ko tinungo ang bahay ni Andrea.


Halos magtatalon sa tuwa si Andrea ng iabot ko sa kanya ang plane ticket namin papuntang boracay, nagdahilan na lang ako sa kanya na summer outing namin ng mga kasamahan ko teacher sa holy week. Kasabay na din ng seminar ang summer outing namin. Maboboring lang siya kaya hindi ko na siya isasama. Yun ang naging dahilan ko na swak na swak naman kay Andrea. Naisip din niya kasi na hindi namin masusulita ng summer kung may seminar ako. Ayaw din daw niyang mabored kaya ok lang sa kanya na hindj na siya sumama sa summer outing ng mga kasamahan ko teacher.


Pakiramdam ko ay nabunutan akong tinik sa lalamunan ng sandaling yun, nagawa kong pagbigyan si Andrea at roxane sa mga gusto nila. Kahit mahirap para sa akin ang ganung set up ay tiniis ko na lang. Para din naman kasi sa ikakaganda at ikakatahimik ng lahat ang ginagawa ko.

Hindi ko na maalala ang eksaktong date nung holy week na yun na unang beses na kasama ko si roxane at si Faith. Sobrang excited ni roxane ng sandaling yun, namili pa kami ng mga damit na isusuot ni Faith, salbabida na pwedeng magamit ni Faith at kung anu-ano pang bagay na pwede naming madala sa family reunion na yun.


Alas tres mg madaling araw ng tumulak kami papuntang baler kasama ang pamilya ni roxane. Lahat kami ay sakay ng kotse ko. Yung kapatid na lalaki kasi ni roxane ay sa baguio na umuwi nung matapos ang klase sa school nila kaya ang sakay ko lang ay ang magulang ni roxane at si rochelle sa likuran ng kotse. Si Faith at roxane naman ay magkatabi sa unahan. Ang mga gamit na dala namin ay nasa compartment ng kotse ko.

Medyo mahaba ang naging byahe namin dahil sa labis na pag iingat ko na maaksidente sa daan. Ayokong may masmaang mangyari sa amin. Kaya ang anim na oras na dpaat na byahe namin ay naging siyam na oras na byahe. Alas dose na kami ng tanghali nakarating sa beach ng baler.


May tinigilan kaming bahay na ang sabi ni roxane ay pag mamay ari daw ng isang kakilala ng kamag anak niya, inupahan ata ang bahay upang magamit ng pamilya nila sa gaganaping family reunion.


Medyo malapit lang naman ang beach sa bahay na tinigilan namin, tanaw nga mula sa ikalawang palapag ng bahay ang beach yun nga lang medyo pasikot sikot ang dadaanan bago mo marating ang beach.

Sa hindi nakakaalam ang baler ay ang isa sa beach dito sa pilipinas na kadalasang pinupuntahan ng mga surfer dahil sa nagtataasan nitong alon. Marami rin pwedeng upahan na board na magagamit sa pag susurfing sa palogid nito.


NAng makarating kami sa bahay na yun ay agad kaming pinapasok ng tita ni roxane, itinuro sa amin ang magiging kwarto namin. May kalakihan din ang bahay na parang mga bahay sa vigan. Sinaunang bahay yun na parang may mga multo pa ng kastila o anong lahi na nanirahan sa bahay na yun. Marami na din kamag anak sila roxane na nadun ng kami ay dumating, dahil sa pagod sa pagmamaneho ay hindi ko magawang pag masdan ang muka ng mga kamag anak niya dahil nahihilo na ako ng sandaling yun dahil sa antok.

Kaya ng makarating kami sa ikalawang palapag ng bahay at maibaba ang mga gamit namin ay nagpaalam muna ako sa pamilya ni roxane na matutulog muna ako kahit saglit.


Pinayagan naman nila ako, kaya natulog agad ako sa isang sulok ng silid na yun, sila roxane at ang pamilya niya ay bumaba naman sa bahay upang tumulong sa pagluluto at para na rin siguro makihalubilo at makipag kwentuhan sa mga kamag anak nila na matagal na nilang hindi nakakasama.


Makapal ang kurtina ng kwarto na tinulugan ko ng sandaling yun kaya hindi ko alam kung anong oras na ng magising ako, patay din ang ilaw kaya napakadilim ng buong kwarto. Electricfan lang at kaunting ingay ng pagkkwentuhan sa labas ang tanging ingay na naririnig ko ng ako ay magising.

Subalit ng ako ay palabas na ng pintuan ng kwartong yun ay aksidente kong narinig ang pag uusap ni roxane at ng pinsan niya.


"Madalas niya ako itext, sinasabi ko naman namaayos na kami ng tatay ni Faith ngayon. Ayoko ng pumasok uli sa buhay nila." sabi ni roxane na labis ko ikinagulat.

"Ako nga rin kinukulit ni brando. Kung pwede daw samahan ko siya sa inyo para makausap ka. Alam mo naman mahal na mahal ka nun." sabi ng babaeng kausap ni roxane.

"Sa ginawa niya sa anak ko at ng nanay niya. Ang kapal ng muka niya kung may lakas pa siya ng loob na magpakita pa sa amin. Tyaka gulo lang ang idudulot niya sa buhay namin. Sobrang galit na galit ang tatay ni Faith sa kanya. Alam mo ba na muntik ng mapatay ni Phantom si brando." sabi ni roxane.

"Oo nabalitaan ko yun. Pero ano ba talaga wala na ba talagang pag asa na magkaayos kayo? Sigurado ka na ba diyan sa tatay ni Faith?" tanong ng babae kay roxane.

"Hindi ko rin alam. Sa ngayon nakikita ko naman na nagbabago na si Phantom, hindi na siya kagaya nung college kami. Yung sa amin naman ni brando, alam mo naman na hindi din biro yung naging relasyon namin kaya hindi siya ganung kadaling kalimutan." sabi ni roxane na halos dumurog sa pagkatao ko.


Sa kabila ng ginawa ni brando sa anak naming si Faith, hindi pala siya ganung kabilis makakalimutan ni roxane, ano ang dapat gawin ni brando para kalimutan siya ni roxane? Patayin ang anak namin? Sa tono ng pananalita ni roxane may nararandaman pa siya sa hayop na lalaking yun.


Humiga na lang uli ako kung saan ako natulog kanina upang hindi ko na marinig pa ang pag uusap nila, sa totoo lang masakit para sa akin na malaman na may ibang lalaki pa palang laman ang puso ni rocane, kahit pinagbubuntis na niya ang anak namin. Maraming katanungan din ang pumasok sa isip ko ng sandaling yun. Sa akin nga ba ang batang pinagbubuntis ni roxane?
Ako lang ba talaga ang nakakagalaw sa kanya?
Sa relasyon namin ako lang ba talaga ang gumagawa ng kalokohan? Ako lang ba ang may ibang karelasyon?
Sa sobrang lalim ng pag iisip ko ay hindi na namalayan kung gaano akl katahal nakahiga sa higaan na yun, nagbalik na lang ang ulirat ko ng biglang magbukas ang pintuan ng kwarto.

Pumikit ako agad upang hindi mahalata ng kung sino man tao yun na gising ako at narinig ko ang pag uusap ni roxane at ng kung sinong babaeng kausap niya.


"Sige na anak gisingin mo na ang daddy mo para makakain na siya hapunan." boses ni roxane na narinig ko. Kasunod nito ay maliliit na yabag patungo sa isang sulok ng kwartong yun kung saan ako natutulog.


"Daddy! Daddy!! Daddy!!! GIsing ka na po. Hindi ka pa nakain daddy." sabi ni Faith habang nakayakap siya sa akin.


Marahan ko idinilat ang mata ko bago ko niyakap ang anak ko, sa totoo lang nalulungkot ako ng sandaling yun dahil sa narinig kong sinabi ng mommy niya.


Sa kakapilit sa akin ni Faith na kumain na muna ay tumayo na ako sa pagkakahiga bago ako kami nagtungo sa kusina ng bahay kung saan nandun ang mga kamag anak ni roxane.


Agad naman akong ipinakilala ng mama ni roxane sa mga taong nandun., hindi ko na maalala ang lahat ng panagalan ng mga kamag anak ni roxane na nandun ng sandaling yun. Mga tito at tita ni roxane ang magkakasama sa kusina na nagtutulong tulong sa pagluluto ng sandaling yun.


Inabutan ako ng pinggan ng mama ni roxane, para ako na ang sumandok ng kanin at naglagay na lang siya sa platito ng ulam.

Dinamihan ko na ang kanin dahil sinabay ko na din si Faith sa pagkain.


Subalit wala sa masasarap na ulam na nakahain ang atensyon ko, mula kasi sa kusina ng bahay na yun ay may bintana na tanaw mo ang garden ng bahay. Nandun si roxane ng sandaling yun na panay ang tingin sa maindoor ng bahay habang may kausap sa telepono, marahil ay hindi niya kami napapansin sa kusina ng bahay dahil may kurtina ang bintana. May bahagya lang na puwang ang kurtina kaya nakikita ko siya mula sa labas ng bahay.


Sa totoo lang kahit lokohin ko ang sarili ko na baka kasamahan niyang teacher ang kausap niya or baka naman mga estudyante niya na nangangamusta lang ee hindi mawala sa isang parte ng utak ko ang pagdududa na baka ang hayop na si brando ang kausap niya.


Subalit natapos ang agam agam na gumugulo sa utak ko ng lapitan siya ng isang babae matapos niyang makipag usap sa cellphone. Iniabot ni roxane ang gamit niyang telepono sa babaeng kausap niya, sabay ngit at parang masayang masaya pa matapos makipag usap sa telepono.


Nawala ang nararamdaman kong gutom ng sandaling yun, napalitan ito ng mabilis na pag kabog ng dibdib ko na para bang may biglang nagliparan palaso kung saan galing na daretsong bumaon lahat sa puso ko.


Niloloko ako ni roxane!!? Yan ang eksaktong kataga na nabitawan ko sa utak ko ng sandaling yun. Subalit hindi ko magawang magalit at komprontahin agad si roxane. Dahil hindi ko nga sigurado kung tama ba ang kutob ko at isa pa sa aming dalawa ako ay may ginagawa rin kagaguhan.


Ano ang karapatan kong magalit sa isang bagay na ako mismo ang gumagawa? Para saan ang pagtatanong ng " bakit" sa babaeng kinakasama ko kung ako mismo ay maraming "Bakit" na kailangang sagutin.

Gulong gulo ang isip ko sa dapat kong gawin ng sandaling yun, subalit bawat tanong sa isip ko na nais kong ibato kay roxane ay pawang katanungan din na kailangan kong sagutin.


Naranasan ko na ang lokohin ng babae, hindi ko maiwasang bumalik sa alaala ko ang tagpong nakita ko si ms diaz at mr perez na lumabas sa h. E room na pawang basa ng pawis ang mga katawan nila. Walang wala ang sakit na naramdaman ko noon sa sakit na nararamdaman ko ngayon sa ginawa sa akin ni roxane.


Subalit isang katanungan pa noon ang pumasok sa isip ko, kung gaano nga ba katotoo na may ibang lalaki si roxane? Hindi kaya agam agam ko lamang ang lahat?
Dahil siguro sa may ginagawa akong kalokohan kaya ganito ako kung magduda kay roxane.


Isa ito sa natutunan ko sa mga nagdaang relasyon ko, ang unawain muna ang lahat ng bagay at alamin na muna ang katotohanan kahit gaano man ito kasakit ay mas mabuti ng malaman ko ito kesa puro haka haka lang ang tumatakbo sa utak ko.


Lahat halos naman ng tao kapag may ginagawang masama ay madali sa kanila ang maghila sa kapwa na may ginagawa rin masama sa kanya ang mga ito.

Hindi ba kaya nabuo ang kasabihan na "Kung ano ang gawa, siyang bintang"

Matapos kong pakainin si Faith ay nilinisan ko na muna siya ng katawan, ako na din ang nagsipilyo ng ngipin niya, bago ko siya sinuotan ng damit na pantulog. Mabilis lang naman makatulog ang anak ko. Konting karga lang na may kasamang kanta ay makakatulog na siya na nakayakap sa balikat ko.


Dito halos lamunin ako ng kalungkutan ng maitanong ko sa sarili ko kung hanggan kailan ko mapapatulog sa balikat ko ang anak kong si Faith. Kaya kong tanggapin na mawawala si roxane subalit ang isipin pa lamang na mawawala sa akin si Faith ay parang masisiraan ako ng bait.


"Ohh pinatulog mo na pala yan, nagsipilyo ba yan?" tanong ni roxane ng bigla siyang pumasok sa kwarto.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Nilisan mo ba ng katwan?" tanong niya uli.

Muli ay tango lang anh sinagot ko sa kanya habang ang titig ko sa kanya ay hindi napuputol.


Kitang kita ko sa galaw ni roxane ng sandaling yun kung paano siya umiwas sa bawat titig ko. Inabala na lang niya ang sarili niya na kahit maayos naman ang hihigaan ni Faith ay pilit pa rin niyang inaayos.


Nang masigurado ko ng tulog ang anak ko ay marahan ko na itong ibinaba sa higaan niya, bago ko ito kumutan at halikan sa noo.


Matapos ko ibaba si Faith ay nilapitan ko si roxane na abalang inaayos ang mga gamit namin, niyakap ko siya mula sa likod niya at marahan ko hinimas ang medyo lumalaking tiyan niya.

Subalit ng subukan ko siyang halikan sa leeg ay hindi ko inaashaan ang naging kilos niya.


"Phantom ano ba." pag iwas ni roxane ng hinalikan ko siya sa leeg.


Subalit hindi ako sumuko nakailang ulit ko pang ginawa ang paghalik sa kanya hanggang sa sumabog na ang inis niya.


"Ano ba!!!" pagigaw na sabi ni roxane.

"Masama na ba na halikan ka ngayon?" tanong ko matapos akong itulak palayo ni roxane.

"Wala ako sa mood, tigilan mo ako Phantom." galit na sabi ni roxane.


Ayoko ng ituloy pa ang pakikipag talo kay roxane sa totoo lang hindi pa ako handa na marinig ang maaring ilabas ng bibig niya ng sandaling yun. Ayokong makarinig ng bagay na muli na namang maglalagay sa akin sa kumunoy na unti unting lalamunin ng pagkatao ko ang problema.


Lumabas ako sa bahay na tinutuluyan namin ng sandaling yun, naghanap ako ng tindahan na maari kong matambayan. Hindi ko pa ugali noon ang magsigarilyo, subalit sa sobrang dami ng iniisip ko ay napabili ako ng dalawang stick na sigarilyo at isang bote ng redhorse.


Ano ang dpaat na gawin ko para hindi tuliyang mawala sa akin ang mag ina ko. Yan ang katanungan na lumalamon sa akin ng sandaling yun, katanungan na kahit ata saang libro o dictionary ay hindi ko makukuhaan ng sagot. Dahil alam naman nating lahat na kapag huminto na ang tinatawag na pag ibig sayo ng isang tao at nabaling na ito sa iba, kahit pa lumuha ka ng tae at magmakaawa ka sa taong mahal mo ay hindi ka na niya magagawang mahalin pa.


Sa labis na lalim ng pag iisip ko nh sandaling yun ay hindi ko napansin ang taong bumibili sa tindahan na yun, may sinasabi pala siya sa akin subalit wala akong narinig dahil nandun nga ang katawang lupa ko subalit ang utak ko ay lumilipad sa mga posibleng kasagutan sa mga problema ko.


"Iho kanina ka pa kinakausap nung dalagitang yun, kilala mo ba siya?" sabi sa akin ng tindera ng tindahan ng makita ko siya na panay kaway sa akin sa maliit na butas ng tindahan niya.

Nang lingunin ko ang dalagita na ilang hakbang palang ang layo sa akin na tinutukoy ng aleng nagtitinda ay bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.


"Rochelle saglit" pasigaw na sabi ko bago ko hinabol si rochelle na kapatid ni roxane.

"Ano yun?" masungit na sabi ni rochelle ng huminto siya sa paglalakad.

"Ahh ee pasensy kn hindi ko kasi narinig yun sinaaabi mo, sabi kasi ng tindera may sinasabi ka daw sa akin." tanong ko.

"Ang sabi ko bakit dun ka nag iinom? Bakit hindi na lang dun sa bahay. Nag iinuman din naman kami ng mga kamag anak ko." sabi ni rochelle na parang nawala na ang pagtataray niya sa akin.

"Ahh yun ba? Ano kasi.... May iniisip lang ako. Kung gusto mo samahan mo muna ako mag inom." sabi ko.


Napasimagot muna si rochelle ng sandaling yun bago niya ako pinaunlakan sa hiling ko. Sa totoo lang gusto ko lang ng may makausap ng sandaling yun, yun bang kahit papaano ay makalimot ako sa mga iniisip ko.


Pagbalik namin sa tindahan ng ale ay bumili pa ako ng redhorse para kay rochelle, subalit may taglay na kabaitan ang aleng nagtitinda sa lugar na yun.


"Naku iho hindi magandang tignan kung diyan kayo mag iinom ng nobya mo. Parito kayo sa likod ng tindahan ko, may lamesa ako dine pwede niyong gamitin." alok ng ale na hindi namin tinaggihan ni rochelle.


Nakita ko pa kung paano tumwa si rochelle ng sabihin ng ale na mag nobyo kami, maganda si rochelle kagaya ng ate niyang si roxane. Sexy rin siya. Bagay din sa itsura niya ang pagiging masungit niya na parang nakakadagdag pa sa kagandahan niya sa tuwing nagsusungit siya.

Lahi naman kasi ng maganda at gwapo sila roxane dahil kung makikita niyo ang mga magulang nila. Kahit may edad na ang mga ito ay mababanaag mo pa rin ang kagandahan at kagawapuhan ng mga ito nung sila ay binata at dalaga pa.


Nang makapwesto kami sa likod ng tindahan ng ale ay si rochelle na ang pinapili ko ng pwede namkng pulutan. Bumili rin siya ng sigarilyo na labis kong ipinagtaka dahil kahit minsan ay hindi ko siya nakitang nagsigarilyo sa bahay nila sa laguna.


"Nagsisigarilyo ka pala?" tanong ko.

"Oo naman 1st year college pa lang ako nagsisigarilyo na ako." sabi ni rochelle.

"Bakit hindi kita nakikitang nagsiiagarilyo sa bahay?" tanong ko uli.

"Sira ka ba? Gusto mo mapatay ako ni mama at papa kapag nalaman na nagsisigarilyo ako." sabi ni rochelle bago nito sindihan ang sigarilyo.


May point naman siya, dahil din siguro sa nagddorm siya sa manila kaya nagagawa niyang magbisyo, subalit may mga bagay pa na kumikiliti sa utak ko na parang marami akong gustong malamn sa katauhan ni rochelle ng sandaling yun, dahil hindi naman talaga kami close mula ng mag live in kami ng ate niya.


"Teka diba sabi mo may iniisip ka kanina? Ano ba yun? Parang napaka lalim ng iniisip mo?" tanong bigla ni rochelle habang patuloy sa pag hipak ng sigarilyo niya.


Wala pa ako sa mood na sabihin kay rochelle ang mga napapansin kong ikinikilos ng ate niya ng sandaling yun, kaya pinasya ko muna na hindi sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na yun.


"Ahh wala naman, medyo gipit lang kasi ako ngayon. Madami kasing gastusin sa bahay namin, kaya nag iisip ako kanina ng pwede kong maging sideline." pagsisinungaling ko kay rochelle.

"Ahh ok. Kayo ba ni ate ano ba ang plano niyo? Bubuntisin mo ba ng bubuntisin ang ate ko? Wlaa ba kayong planong magpakasal?" tanong ni rochelle.

"Hindi pa namin na papagusapan ng ate mo ang tungkol diyan, gusto kasi sana namin magkaroon muna ng sariling bahay." sabi ko bilang pag iwas sa mga bagay na magdadala sa topic namin ng pagbubukas ko ng kalokohan ng ate niya.

"Alam mo ba kaya ako inis sayo, kasi akala ko noon niloko mo lang si ate. Alam mo ba na kahit di pa kita kilala noon galit na galit na ako sayo. Pero mukang ok ka naman, naikwento naman ni mama sa akin ang nangyari kung bakit nawala ka nung
Panahon na ipinagbubuntis ni ate si Faith. Madalas kasi umiiyak si ate noon kaya nainis ako sayo. Buti na lang noon laging nandun si kuya brando para kay ate." sabi ni rochelle na muling nagpakabog sa dibdib ko.


"Matagal ba ang naging relasyong ng ate mo at si brando?" tanong ko.

"Oo kasi hanggang bumalik kami dito sa laguna sila pa ni ate, nung napunta ka na sa bahay pumupunta din naman si kuya brando. Nahinto lang yun nung ginulpi mo siya ee." sabi ni rochelle.


Parang bumalik ang mga araw na yun sa akin, nung panahon na galit na galit sa akin si roxane dahil sa ginawa ko sa kasintahan niya, nagkaayos man kami ni roxane at nabaligtad ang sitwasyon namin ni brando ay pakiramdam ko hanggang ngayon ay may relasyon pa rin silang dalawa.


"Mabait naman ba si brando nung sila pa ng ate mo?" tanong ko.

"Oo naman, kaso may pagka manyakis yun. Kung makatitig sa akin wagas, kaya pag nasa bahay siya dati hindi ako nagsusuot ng maiksing short." sabi ni rochelle.

"Ako manyakis rin ba ang tingin mo sa akin?" tanong ko.

"Hindi naman bakit?" sabi ni rochelle.

"Wala lang gusto ko lang malaman." sabi ko.

"Paano ka magiging manyakis sa tingin ko? Ee kahit minsan hindi kita nakitang nakatitig sa akin. Kapag nasa bahay ako lagi kang nakayuko, nung christmas sa bahay niyo maski sulyap ata hindi mo ginawa sa akin. Kaya sabi ko kay ate swerte na siya sayo. mabait ka tapos teacher ka pa. Magalang ka pa kila mama at papa. Kita ko rin na mahal na mahal mo si Faith" sabi ni rochelle na nagpalaki bigla ng ulo ko.


Sa totoo lang naman ugali ko na ang nakayuko palagi, kahit nung highschool pa lang ako. Subalit lingid sa kaalaman ng lahat ng tao sa paligid ko na hindj ko sila nakikita ay nagkakamali sila. Mas matalas pa sa itak na gamit ni andres ang mga mata ko lalo na kapag katawan ng babae ang usapan. Isang sulyap ko lang sa katwan ng babae nabubuo n agad ito sa imahinasyon ko. Hindi kk na kailangan titigan pa ang kabuuan ng isang babae, sapat na sakin ang sulyap at sa utak ko na lang kikilatisin ang katawan nila.


Dahil sa napasarap ang usapan namin ni rochelle ng sandaling yun ay nadagdagan pa ang iniinom namin. Namumula na siya ng sandaling paubos na ang pangatlong bote ng stallion size ng redhose, pero hindi naman siya lasing na lasing parang may kaunting tama lang.


"Ano kaya mo pa ba? Isa pa tayo?" tanong ko.

"Oo naman hindi pa naman ako lasing. Pero gusto ko maglakad sa tabi ng dagat. Hiramin natin yung bote sa ale. Sandli ako magsasabi." sabi ni rochelle bago tumayo at kinausap ang ale na may ari ng tindahan.


"Ohh tara na" sabi ni rochelle matapos niyang kausapin ang ale ay dala na niya ang bote ng redhorse.

"Teka babayaran ko muna." sabi ko sabay tayo.


Nag iwan na lang ako sa ale ng 500 pesos para sa nainom namin, sinabi ko na pagbalik ko na lang kukunin ang sukli, natuwa naman ako ng sabihin ng ale na 24hours ang tindahan niya, huwag daw ako mag alala siya daw ang bantay sa gabi at ang anak niyang dalaga naman ang bantay sa umaga. Pinahiram pa kami ng flash light ng ale ng malamn niya na pupunta kami sa tabing dagat, medyo madilim daw kasi ang lalakaran namin.


Medyo mahaba ang nilakaran namin ni rochelle ng sandaling yun bago kami nakarating sa tabing dagat, tahimik lang siyang nakatingin sa mga naglalakihang alon na humahalik sa dalampasigan ng sandaling yun, hinayaan ko muna siya dahil naisip ko na baka gusto lang niyang magpababa ng tama ng alak kaya nag eemo siya ng sandaling yun.


Subalit nagulat ako sa mga sumunod na sinabi ni rochelle na hindi ko akalain na halos pareho pala kami ng lupang hinakbangan.


"Alam mo Phantom, yang hayop na dagat na yan!! Kaaway ko yan. Mang aagaw yan!! letse KA!!!!!" Ppasigaw na sabi ni rochelle habang nakatingin sa dagat.

"Ok ka lang ba? Ano ba ang ibig mo sabihin na mang aagaw ang dagat na yan?" tanong ko.

"Kinuha niya ang boyfriend ko Phantom, pauwi ng probinsya ang boyfriend sakay ng barko ng maaksidenteng lumubog ang barkong sinasakyan niya, hanggang ngayon hindi la rin nakikita ang katawan ng boyfriend ko. punyeta kang dagat KA!!! mabuti PA yung ibang namatayan, may bangkay NA pinaglalamayan!! " pasigaw na sabi ni rochelle bago ito napaupo sa buhangin at tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata niya.


Hindi ko akalain na namatayan din pala ng kasintahan si rochelle, sa itsura at kilos kasi niya tuwing nasa bahay siya ay hindi mo aakalain na may mabigat din siyang problema dinadlaa. Wala din namang naikwento sa akin si Roxanne tungkol sa nangyari sa kapatid niya. Kaya labis akong nagulat sa nalaman ko.

Nang sandaling yun ay hindi ko mapigilan yakapin si rochelle habang umiiyak siya sa pangungulial sa pagkawala ng kanyang kasintahan. May luha din gumuhit sa mga mata ko ng maalala ko bigla ni psalm.


Damang dama ko ang hirap at sakit na nararamdaman ni rochelle ng sandaling yun, dahil minsan ko rin hinakbangan ang daan na tinatahak niya ngayon. Tanging tatag lang ng kalooban at tulong ng mga taong nagmamahal sa akin ang naging dahilan upang makabangon ako sa ganitong sitwasyon noon na nais kong gawin kay rochelle ngayon.


Ang yakap at paghimas ko sa likuran ni rochelle ay walang halong libog o ano pa man, minsan din kasi kailangan nating isangtabi ang makamundong pagnanasa sa babae. Dahil para sa akin mas kailangan ni rochelle ng balikat na maaari niyang sandalan ng sandaling yun.


Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak ng sandaling yun, mas makakabuti sa kanya ang ilabas ang nararamdaman niyang sakit kesa itago ito sa likod ng huwad na ngiti, magtago sa likod ng tama ng alak, magtago sa tama ng droga na dati kong ginawa.

Ayoko kasi noon na may makaalam ng problema ko, mas gusto ko lang na sinasarili lahat ng unos na dinadaanan ko, subalit isang malaking pagkakamaling ugali ko ang naitama ko na ng sandaling yun. Ang pagtatago ng problema ay isang malaking katangahan, dahil darating ang oras na sasabog ito at kusang malalaman ng lahat ng taong nakapaligid sayo.


Hindi ko na maalala kung gaano katagal nakayakap si rochelle sa akin ng sandaling yun, kumalas na lang siya ng halos kapwa kami nakaupo na sa basang buhangin.


"Pasensya ka na Phantom kung napaka drama ko." sabi ni rochelle habang pinupunasana ng luha sa mga mata niya.

"Wala yun, naiintindihan kita. Hindi naman kasi biro ang dinadaanan mo. Dinaanan ko rin ang nangyayari sayo ngayon." sabi ko.

"Namatayan ka rin ng girlfriend?" tanong ni rochelle dahil wala naman talaga siyang alam sa nakaraan ko.


Mahaba ang naging pag uusap namin ng sandaling yun tungkol sa nangyari kay psalm, ikinuwento ko sa kanya mula ng magkakilala kami ni psalm, ang masasayang araw namin sa korea, kung paano niya ako hinanap dito sa pilipinas at ang pinaka masaklap na kitilin niya ang buhay niya dahil sa paghadlang ng mga magulang niya sa pagmamahalan namin. Maski ang museleo ni psalm na ipinatayo ko mismo ay ikinuwento ko sa kanya. Nang sandaling yun ay parang gumaan ang pakiramdam ni rochelle matapos niyang marinig ang napaka lungkot na pangayayari ng buhay ko.


Yun lang kasi ang naisip kong paraan para malaman ni rochelle na may karamay siya, isang paraan na pagpaparamdam ko sa kanya kaya din niyang lampasan ang lahat ng dinadaanan niya.


"Totoo ba yang sinasabi mo? Baka sinasabi mo lang yan para pagaanin ang loob ko." sabi ni rochelle.

"Hintayin mo ako sa tindahan na pinag inuman natin may pupuntahan tayo." sabi ko sabay hawak sa kamay ni rochelle papunta sa tindahan ng ale.


Hinabilin ko muna si rochelle sa may ari ng tindahan bago ko mabilis na kinuha ang kotse ko sa garahe ng bahay na tinuluyan namin. Nakita pa ako ng ilang kamag anak ni roxane, sinabi ko lang na may pupuntahan langnako saglit.


Kahit may pagtataka si rochelle kung saan ko siya dadalhin ay sumama pa rin siya sa akin. Naisip ko na baka gusto lang talaga niya malibang.


Mahaba ang naging byahe namin mula sa baler hanggang sa bulacan, hindi naman nakakainip ang byahe dahil walang trapik ng mga ras na yun at medy ganado akng mah drive.


Ilang oras matapos namin bumyahe ay nakarating na kami sa pupuntahan namin, medyo natakot pa si rochelle ng ipasok ko ang kotse ko simenteryo. Pero bumaba din siya ng makita niyang binuksan ko ang pintuan ng museleo ni psalm. Hinanap ko din agad ang breaker, bago kusang nabuhay ang ilaw sa buong museleo.


"Siya ba yung tinutukoy mo Phantom?" tanong ni rochelle na may halong pagkagulat.

"Oo siya yan. Psalm si rochelle kapatid ng kinakasama ko ngayon. Rochelle si psalm." sabi ko habang nakatayo ako sa tabi ng wax na imahe ni psalm.


"Grabe ka Phantom. Ikaw nagpagawa nito?" tanong ni rochelle.

"Oo pero pera ni psalm ang ginamit ko, yung ibang nandito ngayon dinagdag na lang ng magulang niya." sabi ko.

"Wala akong masabi Phantom. Napaka swerte ni ate sayo. Akala ko noon napaka gago mo. Hindi pala." sabi ni rochelle habang patuloy ang mga mata niya sa paglibit ng kabuuan ng museleo.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon