Book 2 - Part 5

117 0 0
                                        

Nakangiti siya sa akin, ako naman ay titig na titig sa kanya, dahil kahit noon pa man hindi nakakasawang titigan ang muka ni psalm, humalik pa siya sa pisngi ko bago nagsalita si psalm.

"Phantom huwag mong kulungin ang sarili mo sa mga alaala ko, maging malaya ka na hanapin ang babaeng magpapasaya sayo, nahihirapan ako kapag nakikita kitang malungkot." sabi ng tinig ni psalm sa panaginip ko.

Hindi ako nakapagsalita pa ng sandaling yun dahil nagising na ako, naramdaman ko pa ng sandaling yun na basa ang magkabilang pisnge ko.

Tumayo ako sa higaan, naligo kumain nanood saglit ng tv bago muli akong natulog, umaasa ako na madugtungan ang panaginip ko na kasama si psalm subalit bigo ako, iba iba na ang naging panaginip ko ng sandaling yun.

Lunes ng umaga ay muli akong pumasok sa paaralan na dala ko pa rin ang panaginip na kasama si psalm, nasa malalim akong pag iisip habang binabagtas ko ang daan papunta sa classroom ko ng biglang may sumabay sa akin sa paglalakad.

"Good morning sir" bati sa akin ng isang daligita.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko na si mira pala ito, muli ko na naman nakita ang clone ni psalm sa paaralang ito.

Kahit papano napapagaan ni mira ang kalooban ko at napapawi niya kahit konti ang pangungulila ko kay psalm dahil talagang magkahawig sila.

Sa sobrang tuwa ko ng makta ko si mira ng sandaling yun ay niyaya ko siyang lumakad palabas sa paaralan, nilibre ko siya ng almusal sa gilid ng paaralan namin na may nagtitinda ng mga pang umagang kakanin.

"Sir may sakit po ba kayo?" tanong ni mira sa akin.

"Bakit kailangan ba may sakit ako para ilibre kita?" tanong ko
"Hindi naman sir, kaso napapansin ko kasi nakangiti ka ngayon at hindi ka masungit, kasi dapat kanina mo pa ako nasungitan nung ginulat kita nung naglalakad ka pero naka smile ka pa rin." sabi ni mira
"Sus kumain ka na ng kumain malalate na tayo" sabi ko
"Hind naman ako malalate sir, kasama kaya kita, walang magtuturo sa mga classmate ko pag wala ka" sagot ni mira.

"Oh siya bilisan mo dami mong sinasabi" sabi ko sabay ngiti.

"Alam mo sir mas bagay sayo yung nakangiti kesa nakasimangot ka." sabi ni mira
"Nilibre na kita, huwag mo na akong bolahin." sagot ko.

"Hindi kita binoboal sir, totoo yun." sabi ni mira.

Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong hahaba pa ang usapin namin kapag nakipagtalo pa ako, tinapos na namin ang pagkain at mabilis kaming bumalik sa classroom namin, muka pa kaming tanga na nagpapabilisin sa paglalakad.

Nagulat pa nga ang ilang mga classmate ni mira ng makarating kami sa pintuan ay nagtatawanan pa kami.

Pero ako ang mas nagulat ng makarating ako sa table ko dahil may sulat na naman ako sa taong hindi ko alam kung sino ang nagbibigay.

Sigurado akong hindi si mira yun, dahil kasama ko siya. Kaya malaking palaisipan sa akin kung kanino ito nanggaling..

Habang binabaybay namin ni niki ang daan pabalik sa resort na aming inarkila ay bigla nalang humawak sa hita ko si Niki habang ako ay nagmamaneho.

Hindi ko alam ang nais niyang ipahiwatig sa akin ng ssndaling yun, dahil hindi simpleng hawak lang sa hita ko ang ginagawa niya.

May kasama itong haplos habang nakatitig sa akin si Niki. Hindi ko magawang titigan ng matagal si Niki ng sandaling yun dahil ang atensyon ko ay nasa daan na binabagtas namin at ayokong maaksidente kami.
'Bawat himas ni niki sa hita ko ay nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam, isang kiliti na kahit sinong lalaki ay hindi maiiwasang tigasan.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon