Basta ang maliwanag lang sa aming dalawa ay masaya kami pag magkasama.
Dalawang araw namin inikot ang mga lugar na hindi pa namin napupuntahan ni psalm, hindi kami nakaramdam ng pagod o hirap sa paglalakbay namin, tanging ngiti at kagalakan lang ang meron kami. Ang pinaka huli naming pinuntahan ay ang lugar na kung saan magkakabit ng dalawang paka ang magkasintahan at itatapon ang susi, naniniwala daw ang mga koreano na kapag nagkabit ka ng magkadikit na paka doon ay hindi na magkakahiwalay pa ang dalawang taong nagkabit nito.
October 14, 2007 Sunday 8:00pm ang flight namin pabalik ng Pilipinas, nang umagang yun parang ayoko bumangon sa pagkakahiga ko sa kama, ayokong isipin na kailangan na namin umuwi sa Pilipinas at tuluyan ng maghiwalay ni psalm.
Subalit sadyang madaya ang mundo, dahil mabilis niyang tinatapos ang masasayang araw at pinapabagal niya ang malulungkot mong sandali.
Hinanap ko si psalm sa tabi ko subalit wala siya, tumayo ako at nagtungo sa banyo para hanapin siya ngunit hindi ko talaga siya makita.
Binuksan ko ang aparador at nagulat ako dahil wala na ang mga gamit ni psalm.
Mabilis akong nagtungo sa front desk at tinanong ko kung may nagcheck out na babae, binigay ko agad ang buong pangalan ni psalm at ang deskripsyon ng itsura niya.
Hinanap ng babaeng nasa front desk ang log book at nakumpirma nga na 6:38am ng lumabas si psalm, tumingin ako sa orasan ng hotel at nakita kong 9:33 am na malamang ay malayo na ang narating niya.
Hindi ko kayang ipaliwanag ang kalungkutan na nararamdaman ko ng mga oras na yun, lumakad ako pabalik sa elevetor na puno ng katanungan sa isip ko, bakit niya ako iniwan? May isang maghapon pa sana kami magkakasama, anong dahilan na naman kaya ang naiisip niya, isa na naman kaya itong laro para sa kanya o sadyang laro lang talaga lahat ang nabuo naming masasayang alaala.
Ako lang kaya ang nakaramdam ng pagmamahal sa amin dalawa at umasa na maging magkasintahan kami?
Narating ko ang kwarto ko at binuksan ko ang pinto nito, kakaibang katahikan ang nanaig sa silid na iyon, nawala ang nagbibigay sigla sa apat na sulok ng kwartong iyon, para akong nakatayo sa isang lugar na unti unting natutuyo't ang mga halaman at punong kahoy sa paligid.Matagal akong umupo sa kama ko at nag isip ng malalim.
Naisip ko na kahit pa lumuha ako ng dugo dito sa loob ng hotel ko ay hindi na babalik pa si psalm, mas mabuting hanapin ko nalang siya sa Pilipinas, naibigay naman niya sa akin ang lugar na pinapasukan niya, yun ang pumasok sa isip ko bago ako tumayo at naligo para makapag handa ng umalis.
Subalit hindi ko maintindihan kung bakit pati ang bumabagsak na tubig sa shower room ay nakikidalamhati sa kalungkutan, hindi ko alam kung imahinasyon ko lang yun, pero pakiramdam ko napaka lungkot ng tubig na bumabagsak sa katawan ko.
Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng banyo at nakita ko na naiwan ni psalm ang toothbrush niya, kinuha ko ito bago ako lumabas ng banyo, tinuyo ko ang katawan ko ng towel bago ko kinuha ang bag ko, nagulat ako ng makita ko kung ano ang laman sa loob nito.
May laman itong pera, picture at liham galing kay psalm, kinuha ko ang liham at nakita ko na may kwintas na nakapulupot dito, tinignan ko ang pendant at nakita kong pangalan ni psalm ang nakaukit, yari ito sa isang metal at sigurado akong pilak ang ginamit sa buong kwintas.
Tinignan ko rin ang larawan na iniwan niya, ang nasa unahan ay larawan ng dalawang kwintas ang isa ay yung kwintas na binigay niya sa akin at yung isa ay pangalan ko ang nakaukit.
Tinignan ko pa ang isang larawan at nakita kong picture ito sa snowman na ginawa namin, nakangiti kaming pareho na nasa gitna namin ang snowman.
Huli kong binuksan ang sulat na ginawa niya para sa akin...
BINABASA MO ANG
Teacher
Storie d'amore- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz