Book 3 - Part 9

13 0 0
                                    

Wala akong anisagot sa tanong na yun ni andrea, namalayan ko na lang na binubusinahan na ako ng mga sasakyan sa likuran ko dahil sa pag iisip ko ng malalim, pinagpapawisan na rin ako ng malamig sa sinabi ni andrea. Dahil hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya.

"Nadrea nagddrive ako, mamaya na tayo mag usap." sabi ko kay andrea bago ko pinatay ang tawag niya.

Isa itong paraan ko para makaiwas ako na sagutin ang tanong niya, ayoko siyang msaktan, ayoko siyang iwanan sa laban na ako ang inspirasyon niya, subalit pakiramdam ko ng sandaling yun ay hindi pa ako sawa sa buhay binata. Ngayon ko pa lang nasusulit ang mga bagay na dapat sana ay noon ko pa ginawa. Oo marami akong karansan sa pakikipagtalik nung highschool at college ako, pero iba yung ngayon ee. Iba yung makipaglaro ka sa mga babaeng hindi mo naman girlfriend at okey lang sa kanila na makasex ko sila kahit wala kaming relasyon. Ngayon ko lang nalalasap ang buhay ng pagiging babaero at higit sa lahat paano na ang mga kapatid ko na nag aaral pa, ang nanay ko na wala ng katuwang na haligi ng tahanan kung mag aasawa agad ako. Oo nga at may trabaho naman ang ate ko subalit hindi sapat ang binibigay niya sa bahay, dahil hati kami sa mga gastusin namin. Hindi ko kayang makita na huminto ang dalawang kapatid ko sa pag aaral dahil sa nag asawa ako, ayokong makta na tambay na sila sa bahay at nagugutom dahil walang mahanap na trabaho dahil hindi sila nakapagtapos.

Ayokong iwan ang buhay na meron ako para lang makasama si andrea, pero punyeta!!!! ayoko ring makitang nasasaktan at nahihirapan si andrea sa piling ng asawa niya.

Ganyan kagulo ang isip ko ng sandaling yun, puro tanong lang at wala akong maisagot sa mga tanong na gumugulo sa isip ko.

Ilang minuto pa ako nagtagal sa kalsada ay narating ko rin ang paaralan na pagtuturuan ko, lumulutang pa rin ang isip ko sa kung ano anong problema na dapat kong lutasin.

Nang makarating ako sa classroom ko ay nakita ko na nakapatong sa table ko ang isang folder may note ito na galing sa principal. Report ito sa sports na kailangan kong gawin.

Halos maghapon ay puro sitworks lang ang naipagawa ko sa mga estudyante ko, dahil kailangan kong tapusin ang report na pinapagawa ng principal namin.

Hindi ko na halos napansin si kat at mikay sa school. Maski si malou na alam kong galit sa akin ay binalewala ko rin.

Pasok sa school at uwi sa bahay lang ang ginawa ko ng isang buong linggong yun. Pinatay ko ang telepono ko ng isang buong linggo at hindi ko dinala sa pagtuturo. Dahil ayoko munang makipag landian ng sandaling yun, dahil sa dami ng iniisip ko. Kung mahina siguro ako sa problema baka nasiraan na ako ng ulo sa kakaisip ng tamang gagawin ko.

Sabado ng umaga ng magising ako, naalala ko yung sinabi sa akin ni andrea na kung maaari ay humanap ako ng bahay at lupa sa lugar na una namin napuntahan na magkasama.

Hindi ako maaaring magkamali sa tinutukoy niya, dahil sa echanted kingdom ang lugar na una naming date ni andrea nung highschool kami.

Field trip yun ng sumakay kami sa wheel of fate. Dalawa lang kami nung time na yun. Habang nakasakay kami sa wheel of fate ay kita namin ata ang buong laguna. Sa sobrang taas ng rides na yun.

Dun niya sinabi sa akin na kung magiging mag asawa kami gusto niyang makita palagi ang wheel of fate dahil yun ang rides na una naming sinakyan ng makapasok kami sa enchanted kingdom.

Napatawa na lang ako ng maisip ko na paano ako bibili ng lupa sa loob ng echanted kingdom? hindi kaya mapagkamalan akong sira ulo kung papasok ako sa echanted at magtatanong kung saan dun pwedeng bumili ng lupa at bahay.

Kumain lang muna ako ng almusal bago ako nagtungo sa bangko para kumuha ng panggastos ko dahil naubusan na ako ng pera.

Nagulat nalang ako ng ipakita sa akin ng classmate ko kung magkano ang nakalagay sa bank account ko.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon