Naramdaman ko ang selos sa kinikilos ni Ms Diaz, oo nga't maganda ang babaeng kaharap ko ngayon pero para sa akin mas maganda pa rin ang mahal ko.
Lumabas na ako ng faculty para umiwas sa kung ano man ang pwedeng mangyari.
Nagsimula na akong maturo sa klase ko.
Habang nagtuturo ako nag iisip pa rin ako kung sino ang babaeng yun.
Kahit ata pigain ko ang utak ko walang lalabas na sagot dahil hindi ko tlaga siya maalala.
Pero sa ikinilos niya kanina, mukang magkakilala kami at minsang naging close.
Nang magtanghalian na ay magkasabay kami kumain ni Ms Diaz, napansin kong tahimik siya at hindi man lang ako kinakausap.
May problema ba tayo? Tanong ko.
Ako wala, ikaw baka meron, subukan mong itanong sa malanding teacher na yun. Pagalit na sagot ni Ms Diaz.
Nagseselos ka ba? Tanong ko.
Ewan ko sayo!! Ang landi mo, sagot niya.
Sasagot palang ako ay biglang tumayo si Ms Diaz at tangkang aalis, mabilis ko siyang hinabol at kinausap.
Teka lang, hindi mo ba ako hahayaang magpaliwanag? Tanong ko.
Pero nanatiling tahimik si Ms Diaz at nakatingin sa malayo, kaya nagpaliwanag na ako.
Wala naman akong ginagawang masama diba, oo aaminin ko maganda siya, pero sa mga mata ko at sa puso ko ikaw lang ang mahal ko. Kagaya ng pangako ko sayo, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ipinagkatiwala mo sa akin ang buhay mo, magtiwala ka naman sa akin.
Sigurado ka ba na Hindi mo ex-gf yung haliparot na yun? Tanong ni Ms Diaz.
Sigurado ako, kilala ko lahat ng ex-gf ko. Sagot koSayo may tiwala ako, pero sa kinikilos ng malanding haliparot na yun, wala akong tiwala, kaya Phantom binabalaan kita layuan mo siya, banta ni Ms Diaz.
Opo, pwede na po ba tayong kumain? Tanong ko.
Sumama naman pabalik sa table namin si Ms Diaz, dahil sa mga dumapong langaw sa pagkain namin, umorder nalang uli kami ng bago.
Matapos kami kumain ay bumalik na kami sa pagtuturo, kahit pa sinabi ni Ms Diaz na layuan ko ang bagong teacher ay Hindi ko magawang Hindi maisip kung sino ba talaga siya.
Papunta na ako sa last class ko ng makasalubong ko sa hallway ang bagong teacher.
Malayo pa lang ay nakangiti na siya sa akin.
Kung literal na nagaganap ang makalaglag brief na alindog.
Malamang pati itlog ko nalaglag sa taglay niyang ganda at katawan niyang pang romansa.
Ngiti din ang sinukli ko sa ngiti niya ng magkasalubong kami.
Pero napahinto niya ang mga paa ko sa paglalakad ng banggitin niya ang salitang nakapag paalala sa akin ng katauhan niya..
"Wala yan sa lalim ng pagbagsak, nasa taas yan pagbangon"Ang salitang nakapag paalala sa akin kung sino talaga siya.
Nang marinig kong sabihin niya ang salitang iyon, pakiramdam ko tumakbo pabalik ang panahon.
Bumalik ang oras na kaharap ko ang isang kaibigan na lubos ang kalungkutan dahil sa pagkatalo sa volleyball, kaibigan na naging karamay ko sa saya at kalungkutan, kaibigan na hindi nagsawang magpahiram ng cellphone sa akin para maitxt ko ang schoolmate niya na girlfriend ko.
Kaibigan na huli kong nakita nung palarong pambansa.
Lumakad ng kusa ang mga paa ko papalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz