Book 2 - Part 1

30 0 0
                                    

Umaga ng magising ako at una kong binisita ang laman ng telepono ko, maraming message na kadalasan ay quotes at mga gm ng mga dati kong estudyante, binura ko lahat ng bagong message. Bago ko mabura lahat ay isamh hindi ko kilalang numero ang natanggap kong txt.

"Good moring, ingat sa pagpasok" nabasa ko ng binuksan ako ang txt.

Hindi ko naging ugali na sumagot at makipagtxt sa mga taong hindi ko kilala o hindi agad nagpakilala, kaya binura ko lang din ito at ginawa ko na ang morning rituals ko.

Maligo, kumain, magbihis at pumasok sa paaralan.

Subalit ng palabas na ako sa bahay namin ay agad akong tinawag ng kapatid ko.

"Kuya may pumunta dito kahapon, estudyante mo ata yun, babae sabi pumunta ka daw sa kanila sa sabado, debu daw niya 18 message ka daw" sabi ng kapatid ko.

Tumago lang ako bilang sagot, bago ako tuluyang maglakad, dahil hindi ako interesado kung sino yung tinutukoy ng kapatid ko na estudyante ko.

Nakarating ako sa paaralan na medyo late na ako dahil sa trapik, pero kahit nakakinit ng ulo ang trapik sa lugar papunta sa paaralan na pinapasukan ko ay naging maganda naman ang pakiramdam ko ng makarating ako sa classroom ko, dahil napaka tahimik ng mga estudyante ko, nakaupo lang silang lahat at matyagang naghihintay sa akin.

Subalit ng umupo ako sa table ko at ng binuksan ko ang drawer ko ay may panibagong sulat na naman akong natanggap.

Hindi ko na ito pinag aksayahan ng panahong basahin, pinunit ko ito at tinapon sa basurahan.

Normal na araw lang ang dumaan sa akin ng araw na yun, nagturo ako sa ibat ibang section, nagtraining ng volleyball at nang pauwi na ako, nakita ko na naman sa labas ng gate ang dalawang dalagita na uubos na naman sa laman ng wallt ko.

"Hello sir!!!" bati sa akin ni apple.

"Oh napadalaw kayo." sabi ko
"Sir galing kami kahapon sa inyo, kaso wala kayo ii" sabi Margarette
"Ahh kayo pala ang nagpunta, sabi nga ng kapatid ko, teka sino ba ang magdedebu?" tanong ko.

"Ako sir" sagot ni Margarette
"Huh? ee di ba 1sr year college ka lang? pano ka magdedebu?" tanong ko.

"Sir nagstop ako nung elementary kaya mas matanda ako sa mga kabatch ko." sagot ni Margarette.

"Ahh ee bakit kasi wala man lang invitation?" tanong ko.

"Meron sir eto ohh, pinuntahan ka lang namin kahapon kasi ikaw ang gusto kong unang imbitahan" sabi ni Margarette sabay abot sa akin ng invitation.

"Ahh ee may partner ka na ba?" tanong ko
"Ay sir huli ka na sa balita, may boyfriend na yan" banat ni apple.

Medyo nakaramdama ako ng konting selos ng marinig kong may boyfriend na pala si Margarette, selos na hindi dahil sa gusto ko siyang maging girlfriend, kundi selos na parang may kahati na ako sa atensyon niya at sa oras niya.

"Ahh mabuuti naman kung ganun." sagot ko na parang wala ako sa mood.

"Selos ka sir?" banat ni apple.

"Bakit naman ako magseselos, hindi ko naman girlfriend si Margarette." sagot ko
"Ee kapag ako nagka boyfriend? magseselos ka sir?" tanong ni apple.

"Hindi rin." sagot ko.

"Hmmp ewan!!" sagot ni apple.

"Sir punta ka huh, formal; attire po sir." singgit ni Margarette.

"Oo sige pupunta ako, tara kain muna tayo" yaya ko sa kanilang dalawa.

"Yes!! tara sir" banat ni apple sabay hawak sa braso.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon