Book 3 - Part 12

17 1 0
                                    

Pumasok na ako sa sa bahay nila at napansin ko sa sahig nila na napakaraming papel na ginupit.

"Ano namang kalokohan yang ginagawa mo? tanong ko kay may.

"Ahh invitation yan sa kasal, ako na gumagawa sayang kasi dagdag income and makakatulong na rin ako sa kaibigan natin." sabi ni may.

"Kasal? sinong ikakasal na kaibigan natin?" tanong ko.

Tumingin muna sa akin si may ng seryoso bago siya huminga ng malalim.

"Huwag kang masasaktan huh," sabi ni may.

"Huh? bakit naman?" sagot ko.

"Si Ms diaz ikakasal this coming january 12 2010." sabi ni may hindi naman ako nagulat sa sinabi niya, parang wala nga lang sa akin ee. Pero si may parang siya pa ang apektado sa ibinalita niya.

"Ok ka lang ba?" patuloy na sabi ni may.

"Oo naman, matagal na yung nangyari sa amin, wala na yun." sabi ko.

"Mabuti naman kung ganun, tulungan mo na lang ako, teka ano nga pala sadya mo at bigla ka nalang tumawag? bago pa yang number mo kaya pala hindi ka sumasagot sa mga txt ko sayo" sabi ni may.

"Ahh ee wala, tinatamad lang kasi akong magturo kaya hindi ako pumasok, yung phone ko, nagpalit ako ng sim kasi naexpired yung sim ko, matagal ko na kasing hindi napa loadan ayun naexpired." sabi ko sabay dampot ng isang invitation card ni ms diaz at binasa ko ang laman sa loob nito, hindi ko kilala yung lalaki na papakasalan niya. Pero batay sa kuha nilang picture sa invitation na ginagawa ni may halata namang masaya si ms diaz sa lalaking papakasalan niya, sa totoo lang dapat ako yung lalaki sa picture na yun, dahil ako yung nangako na papakasalan ko siya after two years pero hindi nangyari.

Kung hindi kami siguro nagkasira ni ms diaz, masaya kaya ako sa piling niya? masaya kaya kaming bubuo ng pamiya? pero nasagot ko sa isip ko na hindi. Dahil sa totoo lang yung panahon na yun, hindi pa ako pwedeng mag asawa dahil sa mga obligasyon ko sa bahay namin. Wala namang nagbabatas sa akin na huwag akong mag asawa, pero sa kunsenya ko hindi ko kaya na iwan ang pamilya ko para lang makipag asawa.

"Ohh akala ko ba hindi ka apektado? baka naman malusaw ang picture ni ms diaz." banat ni may ng makita niya akong titig na titig sa picture ni ms dia.

"Baliw, minumukaan ko lang yun lalaki, para kasing kilala ko." pagsisinungaling ko pero ang totoo hindi ko talaga kilala ang lalaking yun.

"Ahh yan ba? ilang beses ko ng nakasama yan, lagi kasi kami magkasama ni ms diaz. Mabait yan, teacher din siya sa bagong pinapasukang school ni Ms diaz ngayon." sabi ni may.

"Ahh familiar lang siguro sa akin yung muka niya." sabi ko.

"Nga pala Phantom saan ka magpapasko?" tanong ni may
"Pasko? tagal pa nun nagtatanong ka na agad?" biro ko kay may.

"Anong matagal ee october na. Ilang buwan na lang pasko na." banat ni may.

"Baka sa bahay lang, bakit?" sagot ko.

"Ahh yung mga kasamahan kasi natin sa school nagpplano na mag baguio sa pasko, may kasamahan kasi kaming bagong teacher na may trancient house sa baguio, gusto mo sumama?" sabi ni may.

"Naku bahala na, alam mo namang ayoko pa silang makita ee." sagot ko na ang tinutukoy ko ay mga kasamahan namin sa school na teacher.

"Ano ka ba, nakapalipas na yun, alam mo ba na yung mga matatandang teacher pa nga ang nagsasabi na sabihan ka para makasama ka uli namin. Aba Phantom kapag nakita mo si teacher Roxanne magbago isip." banat ni may.,
"Sinong roxanne naman yun?" tanong ko.

"Siya yung may trancient house sa baguio. Siya yung pumalit sa inyo ni ms diaz nung nawala kayo sa school, sabi niya dito rin daw siya sa laguna nag highschool at nagcollege. Kapareho mo nga ng school nung college, diba st loius anne ka." sabi ni maynang sandaling yun ay medyo kinutuban na ako, may kilala akong roxanne nung highschool ako pero sa ibang school siya napasok, naging classmate ko pa siya noong college ako. Dahil parehong education ang kinukuha namin at oo nagpunta siya ng baguio noon. Huwag naman sana iisa ang roxanne na tinutukoy ni may sa roxanne na kilala ko.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon