Book 1 - Part 2

86 0 0
                                    

Uiii Hindi pa nililigawan pinagbabawalan na agad, kantyaw Ni ate mely.

Ano Mr Phantom makkapunta ka ba dito sa Saturday? 7th birthday ng anak ko. Tanong ni kuya billy.

Sige po pipilitin ko may training po kasi kami nila Tintin. Sagot ko.

Ee di after ng training sumabay kana Kay Tintin, tanong ni kuya billy.

Sige po matipid ko tugon.

Aasahan ka namin huh. Ingatan mo ang bunso namin, ikaw pa lang ang lalaki dinala niyan dito. Banta ni kuya billy.

Kuya ano ba?? Dun na ngaa kkayo!! Tsupi tsupii pagbibiro Ni Ms Diaz.

Aaayyyiiiieee!! Si bunso gustong masolo si coach hahaha!!! Biro ni ate Celia.

Sige Mr Phantom Blade dun na kami baka toyoin pa si bunso paalam Ni kuya Nestor.

Sa sabado huh!! Pahabol Ni kuya billy.

Opo!! Sagot ko.

Pasensya kana sa mga kapatid ko huh! Wika Ni Ms Diaz.

Okey lang ano ka ba, ang cool Nga nila. Sagot ko.

Naging masaya ang pagbisita ko sa bahay ni Ms Diaz, nainggit ako sa samahan nilang magkakapatid, magkakasundo silang lahat at masayang namumuhay sa isang compound.

Kinabukasan nagputuloy ang pagtuturo ko sa school naging mas close na kami ni Ms Diaz matapos ko bumisita sa kanila, bumalik sa normal ang buhay ko sa paaralan. Mas naging masigla ako sa araw araw dahil Kay Ms Diaz .

Saturday morning bago ako magpunta sa school bumili muna ako ng pang regalo sa pamankin Ni Ms Diaz, iniwan ko muna ito at ipinabalot sa isang toys store malapit sa paaralan.

Matapos ko mabili ang regalo daretso ako sa paaralan at nagsimula nang mag training, naging maayos naman ang training namin, mas nagiging malakas na ang mga player ko kesa dati, mabilis nilang nakukuha ang mga naituturo ko, sa sobrang libang ko sa pagtuturo Hindi ko napansin ang oras, 1pm na pala at Hindi pa kami nagtatanghalian.

Wala ba kayong planong kumain ng tanghalian? Magiging magaling nga ang mga player mo mamatay naman sa gutom!!!!!Isang masungit na tinig ang narinig ko mula sa likod.

Nagulat ako ng makita ko kung kanino nang galing ang tinig na iyon.

Lumingon ako at nakitang si Ms Diaz pala ang may ari ng tinig na iyon, napakaganda niya tignan, kahit napaka simple lang ng suot niyang black jogging pants and green t-shirt. Sorry po ma'am nalibang ako sa pagttraning at nawala sa isip ko ang oras, pagbibiro ko.

Hmmp pinagdala ko ng pagkain si Tintin, sumabay kana para magkalakas ka sa pagtuturo. Dami mo palusot! Sagot ni Ms Diaz.

Nakakahiya naman at nag-abala ka pa, ngiti mo palang busog na ko. Biro ko ulit.

Aaayyyyiiiieeee!!!Kantyaw ng mga player ko.

Hayy naku Mr Phantom gutom lang yan, kumain na kayo ni Tintin. Sagot ni Ms Diaz .

Kumain kami habang nagbibiruan, sobrang sayaa anang naidudulot sa akin ni Ms Diaz, kaya plano kong suklian lahat ng ito.

Matapos kumain at magpahinga, tinipon ko lahat ng mga players ko, konting lecture at advise ang ibinigay ko sa kanila, pinauwi ko na din ng maaga ang mga player ko.

Girls paki ipon lahat ng bola at paki lagay ng maayos sa H,E room,Boys paki kalas ang net.

Matapos niyan pwede na kayong umuwi at babawi tayo ng training sa Monday. Sabi ko.

Ohh di ba 3pm pa dapat dissmisal niyo. Tanong ni Ms Diaz.

Oo kaso may lakad ako ngayon, kaya babawi nalang ako sa Monday.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon