Book 4 - Part 7

55 4 0
                                    

Umupo muna ako mula sa pagkakahiga sa sofa , bago ko siya tinitigan sa mata. Inihanda ko na dina ng sarili ko sa mga kataga na bibitawan niya.

"Phantom sorry sa lahat" sabi ni roxane bago gumuhit sa pisngi niya ang luha na hindi ko alam kung talent na ba talaga ng mga babae ang pag iyak.

Hinayaan ko langbsiyang umiyak, walang kahit anong reaksyon sa muka ko ang ipinapakita ko sa kanya ng sandaling yun, dahil gusto kong maging katanungan para sa kanya ang kung ano man ang nararamdaman ko.

"Phantom pasensya ka na, nagkamali ako. Sana mapatawad mo pa ako. Nahihiya na akong humarap sayo, pero para kay Faith aayusin ko ang lahat ng sinira ko." sabi ni roxane na patuloy pa rin siya sa pag iyak.

"Bakit ano ba yun nagawa mo" kalmadong tanong ko.

"Marami Phantom, sobrang sama ko dahil sa nagawa ko. Maayos naman ang samahan natin pero sinira ko lahat Phantom" sabi ni roxane.

Muli ay hindi ako sumagot, nakatitig lang ako sa kanya, normal pa rin ang itsura ko na parang walang kinakaharap na problema. Ilang saglit pa ng paghikbi at pag agos ng luha ni roxane ay ipinagtapat din niya sa akin ang lahat.

"Phantom mapatawad mo sana ako, nung malaman ko na nabuntis mo si malou, akala ko wala kang pagbabago, kaya palihim akong nakipag balikan kay brando. Palihim kami nagkikita kapag wala ka. At itong dinadala ko ngayon, hindi ako sigurado kung ikaw ang ama nito. Napakarumi kong babae Phantom. Napaka sama ko, sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko. Phantom patawarin mo ako. Ngayon ko lang nakita na malaki na ang pinagbago mo, pero ako naman ang nagloko. Phantom para kay Faith ayusin natin ang relasyon natin." sabi ni roxane na sa totoo lang. Mas masakit pala sa pakiramdam kapag nalaman mo sa mismong mahal mo ang bagay na ginawa niyang panloloko.

Oo masakit din naman nung malaman namin ni rochelle yun, pero parang mas masakit nung si roxane na mismo ang nagsabi sa muka ko na iniputan niya ako sa ulo, subalit ano ang karapatan kong magalit? Sino ba talaga ako? Malinis ba akong lalaki? Huwarang asawa ba ako? Dakilang ama ba ako o pareho lang kami ni roxane o sabihin nating mas malala pa ako sa kanya dahil hindi lang Naman si Andrea ang babae ko, idinagdag ko pa ang kapatid niya na si rochelle. Wala sa kamay ko ang dahilan para magalit sa kanya dahil ang mga palad ko at buong pagkatao ay marumi rin na kagaya ng ginawa ni roxane.

"Bigyan mo. Muna ako ng oras at panahon para pag isipan ang mga sinabi mo. Mananatili pa rin akong tatay ni Faith dahil wala naman makakapagbago nun. Pero huwag mo sanang asahan na magiging ama ako sa batang yan." sabi ko.

"Pero Phantom paano kung ikaw talaga ang ama nito." sabi ni roxane.

"Gaano ako kasigurado?" tanong ko na parang sapok na tumama sa muka ni roxane dahil mas lalong lumakas ang luha na dumadaloy sa mata niya.

Ikaw ang magdisisyon kung ipapaako mo yang batang yan sa lalaki mo, pero wala siyang aasahan sa akin dahil sigurado ako sa sarili ko na hindi ako ang ama niyan. Si Faith lang ang anak ko, si Faith lang ang pwedeng umuwi dito sa bahay namin at ituring na kamag anak ng pamilya ko." seryosong sabi ko.

"Paano kung magtanong ang pamilya natin ano sasabihin ko. Phantom please naman" sabi ni roxane.

"Hindi ako ang magsasabi ng ginawa ko kalokohan roxane. Ikaw ang bahalang magtapat sa pamilya mo at sa pamilya ko dahil ikaw ang gumawa ng gulong ito. Pinasok mo yan labasan mo" sabi ko na normal pa rin ang itsura ko kahit ang totoo ay durog na durog na ang pagkatao ko sa usapan naming yun.

"Mahal mo pa ba ako Phantom?" tanong ni roxane.

"Kung sasabihin ko ba sayo na may nangyayari na sa amin ng kapatid mo si rochelle, mahal mo pa rin ako?" sabi ko na para akong tanga dahil sa nasabi ko ay nabigla din ako.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon