Hanggang sa pag uwi ay hindi ako kinikibo ni Ms Diaz, dahil siguro sa pagoda ko maghapon, umimit na rin ang ulo ko at nilayuan ko na rin siya, Hindi rin ako sumakay sa school service na sumundo sa amin, nagpasya akong sumakay nalang ng jeep para makauwi.
Habang nakasakay ako sa jeep ay biglang tumunog ang cellphone ko, tinignan ko ito at hindi nakaregister ang numero na tumatawag, sinagot ko pa rin kahit hindi ko alam kung sino ang tumatawag.
Hello sir Phantom, si Apple po ito, nasan kana po?
Nakasakay sa jeep bakit? Tanong ko.Sir kain tayo, kasama ko si margarette ngayon, sa pancitan okey lang po? Tanong ni Apple.
Sige malapit na ako, magkita nalang tayo sa pancitan. Sabi ko at binaba ko na ang telepono.
Ilang minuto pa at narating ko na ang pancitan na kakainan namin ni Apple, pumasok ako at hinanap si Apple, subalit nagulat ako ng makita ko na Hindi lang pala si Margarette ang kasama ni Apple, kasama rin niya ang tita Shaina niya.
Sir umorder na kami, tyaka binayaran na tita ang order natin kasi madaya ka, babayaran mo uli lahat ng pagkain, sabi ni Apple.
Nakakahiya naman sa tita mo pinagbayad mo pa ng kakainin natin, sabi ko.
Okey lang yin sir, si tita Shaina kaya nagsabi na sama ka namin, sagot ni Apple.
Salamat Shaina, next time sagot ko naman. Sabi ko.
Okey lang yun, basta huwag mo na akong lalaitin. Sagot ni Shaina.
Sa ganda mong yan? Pano pa kita lalaitin niyan? Wala na nga yatang pwedeng ipintas sayo. Banat ko.
Naku sir magaling ka palang mambola huh!! Biro ni Margarette.
Totoo lang sinasabi ko, maganda naman talaga si Shaina ahh, depensa ko.
Sir ibig sabihin po ba niyan bati na kayo ni tita Shaina? Tanong ni Apple
Depende sa kanya kung di na siya galit? Sabi ko.Ee crush ka kaya ni tita, pambubuking ni Apple.
Napatingin ako Kay Shaina at nagsisimula na naman siyang mamula.
Oh kita niyo sir, namumula na naman si tita Shaina, crush ka talaga niya. Banat ni Apple.
Napatawa nalang ako sa kakulitan ni Apple, ilang minuto pa at dumating na ang order namin.
Nakita kong nilagay ni Shaina ang kalahati ng pancit niya sa plato ni Apple, ginaya ko sila at sa Plato naman ni Margarette ko nilagay ang kalahati ng sa akin.
Tuwang tuwa ang dalawa dahil marami na naman silang makakain, nag apir pa sila bago kami nagsimulang kumain.
Ilang minuto natahimik ang table namin dahil sunod sunod ang pagsubo ng pancit ni Apple at Margarette, Panay naman ang sulyap ko kay Shaina at ilang beses ko rin siyang nahuhuling tumitingin sa akin.
Ilang saglit pa ay natapos na kaming kumain, nakasandal sa upuan ang dalawang matakaw na kasama namin habang hinihimas ang tyan nila.
Ang sarap busog na busog ako, sabi ni Apple.
Ako rin, sabat naman ni Margarette.
Napangiti nalang kami ni Shaina sa itsura ng dalawang players ko.
Kamusta kana? Tanong ko.
Eto okey lang, sagot ni Shaina.
Saan ka nagttrabaho ngayon? Tanong ko.
Sa the fort, accountant sa isang call center company. Sagot niya.
Ahh sa lupain ka pala ng mga sosyal at mayayaman nagttrabaho. Biro ko.
BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz