Book 2 - Part 2

22 0 0
                                    

Ilang saglit pa bago ako nakapagsalita at nakapag tanong sa kanila ng ilang bagay.

"Paano ninyo nalaman na dito ako nagtuturo?" tanong ko sa kanila.

"Sus sir naman sinabi po kaya sa amin ni teacher may lahat ng nangyayari sa inyo, diba bestfriend o kayo, kaya sinabi niya po sa amin na dito kayo nagtuturo ngayon." paliwanag ni apple.

"Oo sir si teacher may ang nagsabi sa amin, gusto niya sanang sumama kanina nung sinabi namin na pupuntahan namin kayo. Kaso yung mayabang na boyfriend niya sinundo siya." sabi ni Margarette.

Napailing nalang ako sa narinig ko sa mga dati kong estudyante, kahit pala iniwan ko sila ay hindi pa rin nagbago ang tingin nila sa akin, itinuturing pa rin nila akong kaibigan.

"Sir bakit ka na naman natahimik dyan? magpapalusot ka para di mo kami mailibre, sorry ka naka 50 pesos na kami ni Margarette dun kay manong fish ball at manong mangga, ikaw magbabayad nun sir" sabi ni apple.

"Muka yatang humihina na kayo sa pagkain ngayon, bakit 50 pesos lang?" tanong ko.

"Paano sir natatakot si apple baka daw wala ka sa school na yan ee kulang pera namin pamasahe pauwi kaya konti lang binili namin." paliwanag ni Margarette.

"Ahh ganon ba? sige bayaran natin ang nakain niyo." sabiko at agad ko binayaran ang mga nagtitinda sa gilid ng paaralan na pinagtuturuan ko.

"Sir gutom pa ako, gusto ko nung mangga." sabi ni apple.

"Huwag ka muna magpakabusog, may pupuntahan tayong kainan na nadiskubre ko kailan lang sa SM napakasarap." sabimko kay apple at agad na parang nagliwanag ang mga mata niya sa narinig niyang sinabi ko.

"Talaga sir? anong kainan? anong pagkain ang sineserve nila?" sunod sunod na tanong ni apple sa akin.

"Mamaya malalaman mo rin" matipid kong sagot sa kanya.

Sabay sabay kaming nagtungo sa SM na hindi kalayuan sa pinapasukan ko, isang sakay lang ito ng jeep, subalit humaba ang byahe namin dahil sa medyo matrapik na ang oras na yun.

Hindi ko maiwasan na mapagmasdan ang itsura ng dalawa kong dating estudyante, malaki na ang pinagbago ng itsura nila, lalo na si Margarette na noon ay akala mong gangster, ngayon ay muka ng kagalang galang na kolehiyala sa unipormeng suot niya, maayos na ang buhok niya na parang kakagaling lang niya sa parlor at muka na siyang malinis tignan ngayon kesa noon.

Si apple naman kung hindi magsasalita ay talagang mabibighani ka sa itsura niya na parang dalaga na talaga, subalit kapag nagsimula ng mangulit ay maiisip mo na bata pa siyang talagang, kuminis pa lalo ang balat ni apple dahil na rin siguro sa kanyang tita shaina na alam yata lahat ng pampaganda sa katawan.

Habang nasa jeep kami ay hindi maiwasan ni Margarette na magtanong sa akin ng mga personal na bagay, dahil sa kanilang dalawa ni apple siya ang mas matured mag isip.

"Sir may itatanong lang ako sa inyo okey lang po ba?" tanong ni apple habang lulan kami ng jeep patungo sa SM
"Oo naman ano ba yun" sagot ko
"Sir ano nangyari sa inyo? bakit bigla nalang kayong nawala? bakit iniwan niyo kami ng ganun na lang? narinig ko na ang nangyari sa inyo kay teacher may, pero mas gusto kong sa inyo ko marinig ang buong detalye." seryosong tanong ni Margarette sa akin.

Nang sandaling yun ay biglang nablanko ang isip ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni Margarette, hindi ko malaman nun kung sasabihin ko ba sa kanila ang buong detalye o gagawa nalang ako ng alibi.

Hanggang sa makarating kami ng SM ay hindi ko nasagot si Margarette. Tuliro akong naglakad at umiisip ng paraan para malimuan niya ang tanong niya sa akin.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon