Book 3 - Part 6

18 0 0
                                    

Hanggang makarating kami sa tapsihan ay hindi nagsasalita si shaina. Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan ng bigla niyang pagtahimik ng sandaling yun.

Dahil siguro sa gutom ay mabilis na bumaba si apple at margarette sa sasakyan kami na lang ni shaina ang naiwan sa loob nito.

"May problema ba shaina? napapansin ko kasi kanina ka ppa walang kibo diyan." sabi ko.

"Wala naman medyo napagod lang siguro ako. Galing ako sa trabaho ee." sabi ni shaina. Nang tangka na niyang bubuksan ang pinto ng kotse ay hinawakan ko ang kamay niya.

"Sabihin mo na alam ko sa akin ka may problema. Kanina hindi ka ganyan." sabi ko kay shaina.

"Hgusto mo ba talagang malaman?" sabi ni shaina.

"Oo" sagot ko.

Umayos ng upo si shaina at tumingin sa akin ng masama bago siya nagsalita.

"Sinong kaibigan mo ang may ari nitong sasakyan? babae siya noh?" sabi ni shaina.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Amoy palang ng pabango na naiwan dito sa kotse mo. Halatang babae ang may ari nito." sabi ni shaina.

"Oo babae. Bakit ka naman nagkakaganyan?" tanong ko.

"Ano mo siya?" tanong ni shaina.

"Kaibigan." sagot ko
"Phantom huwag na tayong maglokohan, may kaibigan ba na magpapahiram sayo ng ng ganitong kamahal na sasakyan kung walang namamagitan sa inyo." sabi ni shaina.

Binaba ko ang salamin ng kotse, bago ko kinausap sila apple at margarette.

Order na kayo may iikutan lang kami ni shaina saglit lang." sabi ko sabay patakbo ng sasakyan at mabilis kong tinungo ang gawaan ng sasakyan na pinagdalhan ng kotseng binigay sa akin ni andrea.

Maswerte ako na may tao pa sa loob ng auto shop ng dumating kami ni shaina, mga mekaniko sila na nag iinuman. Kaya ng bumaba ako ay agad akong nakilala ng isa sa mga mekaniko na nag iinom.

Kahit nagtataka si shaina ay bumaba na rin siya ng sasakyan at sinundan ako sa paglalakad. Humawak pa siya sa braso ko bago ko tuluyan nalapitan ang mekaniko.

"Sir may kailangan po ba kayo? bukas pa po namin sisimulan yung kotse niyo." sabiu ng mekaniko.

"Ahh hindi wala naman ipapakita ko lang sa girlfriend ko yung kotse ko na nabasag ang wind shield." sabi ko.

Lumakad kami hanggang sa lugar na pinaradahan ng kotse na iubinigay sa akin ni andrea.

"Oh ayan ang totoong kotse ko. Nabasag ng asawa ni andrea ang wind shiel kaya yunhg sasakyan nila pinagamit sa akin. Mag asawa ang may ari ng sasakyan ng gamit natin ngayon." sabi ko kay shina.

"Ahh si sir anton po ba ang nakabasag niyang kotse mo sir?" tanong ng mekaniko.

"Oo ee" sagot ko.

"Ahh kaya pala sabi niya sa amin ayusin namin ang paggagawa at paki bilisan." sir 1 week tapos na yan." sabi ng mekaniko.

"Wind shield 1 week? ganun katagal?" tanong ko.

"Sir hindi ako pwedeng mag salaita si sir anton kasi may ari nitong auto shop ee " sabi ng mekaniko.

Marami pa dapat akong tatanungin sa mekaniko pero hinila na ako ni shaina, dahil lasing na ang ilan sa mga lalaking nandun. Kahit nakapantalon si shaina ee kung makatitig naman kasi yung mga lasing para na siyang hinuhubaram.

Magalang akong nagpaalam sa mekaniko, bago kami bumalik ni shaina sa tapsihan kung saan namin inwan si apple at margarette.

Nang makarating kami ni shaina sa tapsihan ay napansin ko na ok na sia, masaya na uli siya. Alam ko naman na selos lang yung naramdaman niya, pero kagaya ng iba, kailangan ko rin itago ang mga babae ko ng sandaling yun. Para maipagpatuloy ko ang buhay sekswal na meron ako.

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon