"Sir excuse me po, pwedeng magtanong?" sabi ni Mirriam
"Oo naman ano ba yun." sagot ko."Sir may girlfriend ka na?" daretsong tanong ni Miriam.
"Hooy ano ka ba Miriam, sir pasensya lasing na yan ee." singgit ni jizel
"Okey lang" sagot ko."Okey naman pala ee, hulaan ko sir wala ka gf ngayon noh?" sabat muli ni Miriam.
"Actually meron akong gf." nakangiting sagot ko.
Natahimik sila ng hindi ko alam ang dahilan, pero binasag ni leslie ang katahimikan na yun.
"Sabi mo jean, walang gf si sir.?" sabi ni leslie
"Ee wala naman akong nakikitang napunta sa school kundi yung mga kasama namin kanina, kaya akala ko wala siyang gf." sagot ni jean."Maganda ba yung gf mo sir? tanong muli ni Mirriam
"Oo naman, maganda siya" matipid kong sagot."Anong trabaho niya? taga saan siya?" tanong ni Mirriam
"Call center agent, taga bulacan siya" sagot ko."Ouch long distance relationship, pala si sir." sabi ni leslie.
"Matagal na kayo sir?" tanong ni jean.
"Almost 1 year na rin kami." sagot ko.
"May account ba kayo sa friendster sir?" tanong ni Miriam
"Oo meron." sagot ko."Yun naman pala ee, jean buksan mo pc dali view natin files ni sir" utos ni mirrian.
Kaya mabilis namang binuksan ni jean ang pc at sinimulang buhayin.
Ilang saglit lang ay naiopen na nila ang files ko sa friendster, una nilang kinalkal ang photo album ko at doon nila nakita ang mga larawan namin ni psalm.
Namangha silang lahat sa nakita nila na mga picture namin ni psalm sa South Korea at napatunayan ko rin sa kanila na maganda talaga si psalm.
"Sir kahawig ni mira yung gf mo" sabi ni jean.
Ngumiti lang ako at tumango.
Matapos ang pagkalkal nila ng photo album ko ay natapos din ang kanilang pagkamangha ng bisitahin nila files ni psalm.
Kung natatandaan niyo ang frienster may mga friend list na nasa kaliwang bahagi ng files, anim ang pwede mo ilagay dun na special friend mo, pero kapag kasintahan mo ay isa lang ang ilalagay dun at maaari mong alisin ang lima. Wala pa kasing in a relationship noon sa friendster.
Kaya madali nilang nakita ang files ni psalm, nang mabuksan nila ang files ni psalm at mabasa ang mga message sa wall nya ay halos walang nakapag salita sa kanilang lahat.
Kitang kita ko kung paano sila magulat sa bawat binabasa nila sa wall ng account ni psalm.
Kahit hindi ko pa tagay ay nilagyan ko na ng alak ang baso at ininom ko na ito, dahil alam ko na uulanin nila ako ng tanong.
Matapos nilang mabasa at pagsawaan makita ang mga larawan ni psalm ay isa isa na silang nagbalikan sa upuan nila, pinatay na ni jean ang pc at nakiupo na rin sa amin.
Walang nagsasalita ng sandaling yun, dahil siguro sa baguhan ako sa grupo nila kaya naiilang silang tanungin ako ng bagay na medyo personal.
"Sir sorry hindi naman kasi namin alam." sabi ni Miriam na ang tinutukoy ay ang nalaman nila.
"Okey lang yun," maigsi kong sagot pero unti unti na namang nilalamon ng kalungkutan ang buong pagkatao ko ng sandaling yun.
Naka ilang ikot na ng tagay ang baso sa amin bago muling maglakas loob na magtanong si Miriam sa akin.
BINABASA MO ANG
Teacher
Любовные романы- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz