Wala ng nagawa pa si roxane ng hawakan siya ng mama niya paupo sa sala nila, magkakatabi sila ng papa niya ng magsimula na kaming mag usap usap.
Ipinaliwanag ng papa niya ang nangyari kung bakit ko ginulpi si brando na halos mapatay ko pa ito, subalit hindi naniwala si roxane sa sinabi ng papa niya, kinampihan paniya si brando at ako pa ang pinaranptangan na nagsisinungaling. Wala na akong maisip na paraan para maniwala si roxane kaya tinawag ko na si faith mula sa terrece na abalang naglalaro.
"Bakit po daddy?" Sabi ni faith ng lumapit ito sa akin.
"Honey gusto ni daddy magsasabi ng totoo huh." Sabi ko kay faith.
"Opo daddy." Sagot ni faith.
"Honey ano ang tawag sayo ng mommy ni tito brandy mo?" Tanong ko sa anak ko.
"Ee daddy nandyan si mommy ee sabi ni tito brando huwag ko daw sabihin kay mommy ee." Sabi ng inosente ko anak.
"Okey lang honey ako bahala kay tito brando mo." Sabi ko
Tumingin muna si faith sa mommy niya bago siya sumagot.
"Bastarda daw po ako" sagot ni faith na labis ikinagulat ni roxane.
Hindi nspigilan ni roxane na yakapin si faith at kitang kita ko kung papano tumulo ang luha ni roxane sa awa sa anak namin.
"Tyaka mommy pinalo din po nila ako sa kamay kasi nabasag ko po yung baso nila." Dagdag pa ni faith kay roxane na lalong nakapagpa hagulgol kay roxane.
"Sorry anak hindi kita dapat iniwan sa kanila, patawarin mo si mommy anak." Sabi ni roxane habang naiyak.
"Ayos lang yun mommy, huwag ka ng mag cry." Sabi ni faith.
Ako man ay nahabag para sa anak ko, napaka bata pa niya para maranasan ang ganung bagay. Kaya nabuo sa plano ko na gumanti pa sa pamilya ng pesteng brando na yun.
"Andrea ayoko ng maghintay pa na kasuhan ako ni brando, magsasampa ako ng demanda sa ginawa nila sa anak ko. Paki tawagan mo naman ang abugado mo." Sabi ko kay andrea na agad naman niyang ginawa. Ilang minuto kinausap ni andrea ang abogado niya, bago ito bumalik sa umpukan namin.
"Phantom pwede daw kayong magsampa ng violence against women and children sa ginawa sa anak niyo, sakop daw yun R.A 7650 corruption of minor daw yun. Kailangan lang natin malaman ang ang buong pangalan ng kakasuhan ora mismo maisasampa ng abugado ko ang kaso sa hall of justice." Sabi ni andrea.
"Anak ano buong pangalan ni brando at ng mommy niya para makapag demanda na kayo."
Sinabi naman ni roxane ang buong pangalan nila, nalaman ko rin na kaklase niya si brando nung college siya sa baguio at dati rin teacher ang mommy nito.
"Phantom sorry kung naparatangan kita ng mali, hindi ko alam na pinagtatanggol mo lang ang anak natin." Sabi ni roxane.
"Huwag mo ng isipin yun, ang mahalaga ngayon naipagtanggol ko ang anak natin. Tungkulin ko na protektahan siya. Kaya sana ganun ka rin. Kilalalanin mo mabuti ang mga taong ididikit mo sa anak natin." Sabi ko.
"Sayo din sorry kung nasigawan kita." Sabi ni roxane kay andrea.
"Wala yun, naiintindihan ko. Andrea nga pala girlfriend ni Phantom." Sabi ni andrea sabay lahad ng kamay kay roxane.
Kitang kita ko sa muka ni roxane ang pagkabigla ng magpakilala si andrea na girlfriend ko, alam ko na malaking problema ito lalo na at kaharap pa namin ang magulang ni roxane.
Kinamayan naman din ni roxane si andrea subalit kasunod nito ang pagtatanong ni roxane.
"Matagal na kayo ni Phantom?" Tanong ni roxane.
"Hindi naman almost 5months pa lang." Sagot ni andrea. Hindi ko alam kung totoo na 5months na kami ni andrea dahil wala naman akong maalala na final na naging kami ee.
"Ahh 5months. Nice meeting you, magpapalit lang ako ng damit puro dugo kasi ako ng hayop na lalaking yun ee" sabi ni roxane. Subalit bago pa siya makatayo sa upuan ay nakita ko na gumihit ang luha sa mata niya.
Hindi ko alam kung oara saan ang luhang yun ni roxane, basta ang alam ko lang hindi nagustuhan ni roxane na marinig na kasintahan ko si andrea.
Ilang minuto pa ay nagpaalam na sila andrea at april sa pamilya ni roxane. Ako naman ay hindi na pumasok sa paaralan ng sandaling yun. Maghapon akong nakipag kulitan kay faith, nung gabi ay dumaan muna kami bahay namin bago kami kumain sa jollibee. Namiss din kasi ng nanay ko at mga kapatid ko si faith kaya kahit saglit ay idinaan ko si faith sa bahay
Matapos naming kumain ng anak ko ay inuwi ko na siya sa bahay nila. Tulog na si faith bago pa kami makarating sa kanila.
Bunhat ko na lang ang anak ko papasok sa bahay nila roxane, sinamahan naman ako ng mama ni roxane sa kwarto ng anak niya at duon ko nakita na tulala lang si roxane na nakatingin sa bintana. Nang mailapag ko si faith sa kama ay magpapaalam na sana ako sa kanila ng biglang magsalita si roxane.
"Phantom mag usap muna tayo." Sabi ni roxane na hindi ko alam kung ano pa ang dapat naming pag usapan ng sandaling yun.
Hindi ko alam kung ano ang pakay ni roxane sa akin ng sandaling yun, medyo may pagkabigla rin ako dahil mabago ang pakikitungo niya sa akin.
"Kung susumbatan mo lang ako, huwag na tayo mag usap. Si faith lang naman ang dahilan kung bakit ako napunta dito." Sabi ko kay roxane.
"Hindi kita susumbatan pero marami akong gustong sabihin at malaman sayo." Sabi ni roxane.
Tinitigan niya ako ng seryoso bago muling nagsalita si roxane.
"Anong plano mo kay malou?" Tanong ni roxane.
"Wala pa kaming plano, kagaya mg sabi ko sayo hiwalay na kami ng malaman ko na buntis siya." Sagot ko.
"So ganun na lang yun? Pababayaan mo na lang si malou na magpalaki ng anak niyo na mag isa?" Tanong uli ni roxane.
"Hindi. Tutulungan ko siya, pero hindi kami magsasama." Sagot ko.
"Kay andrea may anak ka rin ba?" Tanong niya uli.
"Wala" sagot ko.
"Ee sino si bea na kinukwento ni faith na ipapakilala daw sa kanya ni andrea?" Tanong uli ni roxane.
"Anak niya. May asawa si andrea ngayon pero nasa korte na ang annulment case nila." Sagot ko.
"Dahil sayo kaya makikipaghiwalay si andrea?" Tanong ni roxane.
"Hindi. May mga babae din na ibinabahay ang asawa niya may anak rin sa labas at ipinakasal lang naman sila dahil magkasosyo sa negosyo ang mga magulang nila ee." Sabi ko.
"After ng annulment case ni andrea ano plano niyo?" Tanong ni roxane.
"Magsasama daw kami at magpapakasal yun ang plano niya hindi ko plano." Sagot ko.
"Anong ibig mo sabihin na plano lang yun ni andrea?" Tanong ni roxane.
"Ang totoo kasi niyan simula pa lang ng relasyon namin ni andrea, wala akong nararamdaman pag mamahal sa kanya. Ayaw din daw niya akong tawagin kabit kaya ayos lang na hindi kami magkasintahan, kahit siya lang daw ang nagmamahal sa akin ay okey lang daw sa kanya, until now wala kami formal na usapan na kami ay magkasintahan. Sa kama oo nagsisiping kami, nagagawa ko yun para masuklian ang binibigay nilang pagmamahal. Sa totoo lang kagaya ng kay andrea, halos ganun din kami ni malou. Wala kaming relasyon, sa kama lang amg relasyon na meron kami. Hindi ko sila matanggihan dahil sa pagmamahal na pinaparamdam nila sa akin at isa pa lalaki lang ako na may pangangailangan din. Ipinagtapat ko na sa kanila lahat, ilang beses ko na rin sinabi na hindi ko pa kayang magmahal, dahil nasa puso ko pa rin si psalm. Pero hindi sila nakinig. Hanggang sa nagkita tayo uli, akala ko hindi ko na magagawa pa magmahal uli pero nagkamali ako, kasi nung araw na magkita tayo, tumibok yung puso ko na parang kagaya nung una tayong nagkita noong college pa tayo, pero hindi mo ako hinayaang mahalin kita uli ng malaman mo ang tungkol kay malou. Sa ngayon aaminin ko sayo na wala akong plano sa buhay ko kundi ang alagaan si faith, ipadama sa kanya na may daddy siya at maibigay ang ngiti sa labi niya araw-araw.
"Alam ko Phantom kung ayaw mo naman sa kanila pwede ka naman lumayo at umiwas, pero sa kwento mo, nakikita ko na sinamantala mo ang pagmamahal nila sayo." Paratang ni roxane sa akin.
"Sinamantala? Ganun ba talaga ang tawag sa ginawa ko? Yun ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin? Roxane kung alam mo lang ang ginawa kong pag iwas sa kanila, kung alam mo lang kung ilang beses ko pinaliwanag sa kanila ang nararamdaman ko pero hindi sila nakinig. Tapos ako pa yung paparatangan mo na sinamantala ko sila? Kung sinmantala ko sila dapat ginawa ko silang gf, dapat araw araw akong nakikipag siping sa kanila. Bakit hindi mo sila tanungin kung niyaya ko ba sila na makipagsiping kahit isang beses. Roxane huwag kang magbitaw ng salita sa akin na hindi ka sigurado. Pangalan ko at nakaraan ko lamg ang alam mo, pero hindi mo alam ang buong detalye ng pagkatao ko." Sabi ko kay roxane. Palabas na sa ako ng pintuan ng kwarto niya ng bigla siyang magsalita.
"Bakit ka apektado sa sinabi ko kung hindi mo naman pala ginagawa na samantalahin ang mga babae mo?" Tanong ni roxane.
"Sa way kasi ng pananalita mo parang napaka samang tao ko na ee." Sagot ko.
"Opinyon ko yung sinabi ko, masama na ba magbigay ng opinyon ang mommy ng anak mo sayo?" Tanong ni roxane,
Hindi konalam kung anong gimik ang ginagawa ni roxane ng gabing yun, pero sa totoo lang siya lang ata ang babaeng hindi ko mabasa ang ugali. Minsan magagalit sa akin minsan kakausapin ako ng maayos, minsan maglalambing.
"Para saan ba kasi ang pagtatanong mo?" Tanong ko
"Bago ko sagutin yan may itatanong ako sayo, gusto ko maging tapat ka. Kung papipiliin ka sa aming tatlo sino pipiliin mo? Tanong ni roxane.
"Si faith." Walang kagatol gatol kong sagot.
"Hindi kasali si faith. Peste ka Phantom lalo mo ako pinapakilig." Sabi ni roxane na hindi ko maintindihan.
"Bakit ka naman kikiligin? Ee totoo naman ee kung papipiliin ako si faith ang pipiliin ko. Bakit may hihigit pa ba kay faith sa inyong tatlo? Sa muka pa lang mukang angel na." Sabi ko.
"Ibig sabihin muka din akong angel?" Landi ni roxane.
"Ikaw ba si faith?" Pambabara ko.
"Bakit magkamuka naman kami faith ahh." Sabi ni roxane.
"Pero mas maganda pa rin si faith sayo." Sabi ko.
"Ahh ganun? Sige umalis ka na. Hmmp papayagan pa naman sana kitang matulog dito, tapos gaganyanin mo ako." Sabi ni roxan na hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdaman ko ng sandaling yun.
"Ahh papatulugin mo pala ako dito huh, bahala ka diyan wala ng bawian." Sabi ko sabay higa ko sa tabi ni faith.
"Hoy tumayo ka nga diyan, hindi pa nagpapalit ng damit mo, kakapalot ko lang ng kobre kama ee, maglinis ka muna ng katawan mo." Sabi roxane.
"Ee wala naman akong pamalit na damit ee." Sabi ko.
"Daddy mommy ang inagy niyo naman ee!!!" Sita sa amin ni faith ng magising ito dahil sa pag uusap namin ni roxane.
"Sorry honey sige na tulog na pikit na, sorry anak." Sabi ko. Pumikit naman agad si faith dahil na rin siguro sa antok at pagod ay nakatulog agad si faith.
"Maligo ka na muna ikukuha kita ng short at damit sa drawer ng kapatid ko." Sabi ni roxane ng pabulong dahil baka magising na naman si faith.
May sariling banyo ang kwarto ni roxane sa bahay nila kaya hindi ko na kailamgan pa bumaba sa 1st floor para maligo. Pumasok na ako sa banyo at hinubad ko na ang lahat ng saplot ko sa katawan bago ako tumapat sa shower.
Ilang minuto pa lamg akong nasa shower ng marinig ko ang mahinang katok sa pinto ng banyo, kaya binuksan ko ito. Nakita ko si roxane na dala ang pamalit ko damit at towel. Biglang may pumasok na kapilyuhan sa katawan ko ng sandaling yun, hinila ko ang kamay ni roxane papasok sa loob ng banyo niya.
(Oooopppssss its a private part of my life with roxane, pero sasabihin ko naman na may nangyari sa amin ng sandaling yun)
Matapos kaming maligo ni roxane ay magkayakap kami nahiga sa kama niya, nasa gilid ko si faith ng sandaling yun, medyo malaki naman ang kama ni roxane kaya kasya kaming tatlo.
"Paano kung mabuntis ako, gago ka talaga" sabi ni roxane habang yakap ko siya
"Ee di maganda magiging ate na si faith." Sagot ko.
"Gago ee dalawa pa yung babae mo na nag aabang sayo." Sabi ni roxane.
"Si malou alam mo na naman diba, anak lang namin ang mahal ko, si andrea madali na yun pwede naman akong makipagkalas sa kanya ee. Alam mo ikaw naman kasi talaga ang mahal ko." Sabi ko.
"Naku Phantom ako nga tigilan mo sa pambobola mo, kung mahal mo ako hindi ka mambabae." Sabi ni roxane.
"Ee bakit kasalanan ko ba na gwapo ako.?" Pagbibiro ko.
"Hoy Phantom gumising ka nga, hindi ka gwapo, mabait ka at malakas ang sex appeal mo pero hindi ka gwapo." Sabi ni roxane.
"Mommy naman ee ang ingay ee!!" Reklamo na naman ni faith dahil sa napalakas ang boses ni roxane.
"Sorry anak, dito ka sa gitna namin ni daddy dali, dito siya matutulog." Sabi ni roxane ng makita na gising si faith.
Tumayo naman si faith at lumipat sa gitna namin ni roxane, sa akin humarap si faith ay yumakap.
"Daddy sleep na tayo, huwag mo ng kausapin si mommy huh." Sabi ni faith.
"Oo sige honey sleep na tayo, madaldal kaso talaga yang mommy mo ee." Sabi ko sabay belat ko ksy roxane.
Nakatulog na kami matapos kaming pagbawalan ni faith na mag usap ni roxane, isa na siguro ang magdamag na yun sa pinakamasayang magdamag sa buhay ko. Ang makayakap ang anak mo sa buong magdamag ay parang isang pangarap na natupad na para sa akin.
Kinabuksan ay walang pasok, hindi ko maalala kung anong okasyon ng sandaling yun sa laguna. Basta alam ko walang pasok.
Nagising ako ng may marinig akong impot na tawanan sa paligid ko, nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko na nakaupo sa gilid ko ang mag ina ko.
"Good morning daddy." Masayang bati sa akin ni faith.
"Good morning honey." Sagot ko kay faith sabay tingin ko lay roxane na nakatitig din sa akin.
"Daddy baba na tayo, eat na tayo ng breakfast." Yaya sa akin ni faith.
Kinarga ko naman siya at kita ko na tuwang tuwz ang anak ko tuwing titignan niya ako. Kumapit naman sa braso ko si roxane na tuwang tuwa din kapag tinitignan ako, hindi ko alam kung nakadrugs ba sila o sadyang masaya lang sila.
Nang makababa kami sa hagdan ay nagulat ang mama ni roxane na makita ako.
"Jusmiyo Phantom bakit ganyan ang muka mo? Faith ikaw ba may gawa niyan sa daddy mo?" Tanong ng mama ni roxane.
"Opo mamu, sabi po ni mommy, cute naman po si daddy diba." Sabi ni faith sabay tawa.
Humarap ako sa salamin nila roxane sa may sala nila at nakita ko na may dalawang itim ang palibot ng mata ko, may guhit din ng balahibo ng pusa ang nguso ko, ang ilong ko may itim na kulay sa dulo, at ang labi ko punong puno ng lipstick na sabog sabog pa ang pagkukulay.
Tinitigan ko ng masama si faith habang tawa siya ng tawa. Kiniliti ko siya pa lalo sa tagiliran at lalo siyang nagwala ng kakatawa.
Ayoko na sana pa matapos ang masayang araw na yun sa buhay ko kasama si faith at si roxane, pero kagaya ng madalas kong sabihin. Ang orasan ay madaya bumibilis ito kapag masaya tayo at bumabagal naman kapag malungkot tayo.
Matapos naming kumain ng almusal ay nagyaya si roxane na lumabas daw kami tatlo ni faith, hindi ko naman siya tinagihan dahil minsan lang ito.
Umuwi muna ako sa bahay habang nagbibihis sila faith at roxane para makapag bihis na rin ako ng damit. Halos isang oras din ang inabot namin sa pag aayos ng sarili bago kami nakaalis sa bahay nila roxane.
"Honey saan mo gusto pumunta?" Tanong ko kay faith.
"Jollibee daddy." Sabi ni faith
"Mamasyal tayo anak, mamaya kakain tayo sa jollibee." Sabi ni roxane.
"May idea ka ba roxane kung san tayo pupunta?" Tanong ko kay roxane.
"Wala ee, ikaw na bahala" sabi ni roxane.
Wala na akong ibang naisip kundi ang isang lugar na gusto kong marating ni faith, medyo matagal nga lang ang byahe namin dahil medyo matrapik papunta sa manila zoo.
Nang makarating kami ay halos ayaw bumaba ni faith sa pagkakalong ko sa kanya.
"Honey huwag ka matakot, mababait sila, look mo yung elephant ohh' turo ko kay faith. Tinatakpan pa niya ang mata niya ng sandaling yun, dahil takot talaga siya sa mga hayop.
"Daddy hindi sila kumakain ng bata?" Inosenteng tanong ni faith.
"Hindi noh, sino ba nagsabi sayo na kumakain sila ng bata?" Tanong ko kay faith.
"Ee sa tv daddy kinakain nila mga bata ee." Sabi ni faith.
"Anak palabas lang yun" sabi ni roxane.
Nang mapanatag na si faith ay naaliw na siyang titigan ang mga hayop. Panay pa ang kaway ni faith sa mga ito na parang naiintindihan siya ng mga hayop.
Ilang oras din naming inikot ang manila zoo bago kami kumain sa jollibee after ng jollibee ay pumunta pa kami sa luneta, pinakilala ko kay faith si jose rizal, naglakad lakad kami habang hawak namin ni roxane ang magkabilang kamay ni faith. Larawan kami ng isang masayang pamilya ng sandaling yun.
Madilim na ng pinasya namin ni roxane na umuwi na dahil tulog na rin si faith sa balikat ko dahil sa pagod.
Habang pabalik kami sa laguna ni roxane ay hindi ko inaasahan ang susunod na sasabihin niya.
"Phantom kung sasabihin ko ba sayo na mahal kita, iiwan mo ba si andrea?" Tanong ni roxane.
"Oo pero bigyan mo ako ng panahon para makipag hiwalay sa kanya." Sabi ko kay roxane.
"Ayoko ng maghintay Phantom, marami ng panahon na nasayang sa atin dahil sa paghihitay. Makipag hiwalay ka na kay andrea at sa amin ka na tumira. Gusto ko nasa bahay ka na tuwing gigising ako at si faith sa umaga. Kahit hindi muna tayo magpakasal, kahit live in lang muna." Sabi ni roxane.
"Teka hindi pwede na sa inayo ako tumira, kung gusto mo may plano ako kung ok lang sayo." Sabi ko.
"Anong plano?" Tanong ni roxane.
"Nag aaral pa kasi ang mga kapatid ko kailangan ko pa rin kasi tumulong sa bahay namin, kung okey lang sayo ganito sana ang plano ko, sunday, mon, tues. Sa inyo tsyo matutulog, wed, thurs, fri, sat. Sa kwarto ko naman sa bahay namin.
Tapos walang mababago sa mga responsibilidad natin sa bahay, magbigay sa parents mo, magbibigay din ako sa nanay ko ng sweldo, tapos yun mga pansarili nating gastos yun na lang ang paghatian natin." Sabi ko kay roxane.
"Okey lang ba sa mga kapatid mo na tumira kami ni faith sa bahay niyo?" Tanong ni roxane.
"Oo naman ako bahala sa kania, kita mo naman na mahal na mahal nila si faith diba." Sabi ko.
"Paano naman ang pagpasok ni faith sa school tyaka sino susundo sa kanya kapag sa inyo tayo natutulog." Tanong ni roxane.
"Sa umaga hahatid ko si faith, pag uwi kahit si daddy mo muna ang sumundo daanan na lang natin pag pauwi na tayo." Sabi ko.
Hindi na kumontra pa si roxane sa plano ko. Hindi pa kasi talaga kami handa na bumukod ng sandaling yun dahil may kapatid din siyang nag aaral pa.
Pag uwi namin sa bahay nila roxane ay agad naman naming kinausap ang magulang niya, wala namang pagtutol sa kanila sa plano namin. Alagaan at mahalin ko lang daw ang anak at apo nila at huwag na huwag ko daw sasaktan ang mga ito.
Nag iwan ako ng pangako sa tatay ni roxane na hinding hindi ko na iiwan pa uli si roxane at si faith, itataya ko ang buhay ko para lang maprotektahan sila.
After ng maayosnna pag uusap namin ay umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng ilang damit na magagamit ko sa pagtira ko kila roxane, sinabi ko na rin sa mga kapatid ko at sa nanay ko ang plano namin ni roxane. Masaya sila sa ibinalita ko ng araw na yun, dahil makakasama na nila ng madalas si faith.
Nagawa namin ng maayos ang napag usapan namin ni roxane halos dalawang linggo kaming namuhay na magkasama, kapag nasa bahay namin si faith ay halos walang tigio ang tawanan at kulitan namin. Lagi din may pasalubong ang mga kapatid ko kay faith kapag uuwi ang mga ito, tinutulungan din ng ate ko si faith sa mga homework niya.
Pero ang ipnangako ko kay roxane na hihiwalayan ko na si andrea ay hindi ko nagawa. Palihim pa rin kasi akong nakikipagkita kay andrea, palihim ko pa rin pinupuntahan ang bahay namin na sinisumulan ng gawain. Hindi komkayang iwanan si andrea dahil sa kanya ako kumukuha ng panggastos ko, hindinako nagigipit dahil sa laki ng perang hawak ko na ipinatago ni andrea. Kaya ko bilhin lahat ng gusto ni faith sa tulong ni andrea. Kaya hindi ko ito magawang bitawan.
Nagsinungaling na lang ako kay roxane na hiwalay na kami ni andrea, yun lang kasi ang naiisip kong paraan para maging maayos ang lahat.
Bumili na rin ako ng back up phone ko na tinitago ko sa ilalim ng upuan ng kotse ko, sinabi ko na lang kay andrea na nawala ang telepono ko.
Subalit ang masayang buhay na tinatamasa ko ng sandalin yun ay biglang nagkaroon ng kalungkutan ng may isang balita na dumating sa akin....
Ako na ata ang pianaka masayang tao ng sandaling pumayg si roxane na mamuhay kami na magkasama, maski si faith ay dama niya ang saya na matulog at gumising na kumpleto kami sa ibabaw ng kama.
Ganito pala ang pakiramdam ng isang pamilyadong tao, kahit na medyo mahirap ay mapapawi ang hirap mo sa bawat ngiti at halakhak ng anak mo, mga yakap at halik ng babaeng mahal mo. Walang imposible sa buhay basta kasama mo sila. Para sa akin si faith at roxane ang buhay ko, sila ang dahilan ko kung bakit ako bumabangon sa umaga.
Subalit kaakibat ng saya ay isang masamang balita ang sa akin ay dumating.
Isang gabi habang naghahapunan kami ng pamilya ko ay bigla na lang dumating si apple sa bahay namin. Hindi ko alam ang dala niyang balita. Siya lang kasi mag isa ang dumating sa bahay na ang muka ay hindi maipinta sa pagkabahala.
Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni apple sa akin ng makita niya akong palapit sa kanya. Kasunod nito ay isang hagulgol ng iyak na halos umagaw ng pansin ng pamilya ko kaya naglapitan sila upang alamin ang nagaganap sa pintuan ng bahay namin.
"Anong nangyari apple? may problema ba?" tanong ko kay apple habang nakayakap siya sa akin, si roxane naman ay nilapitan na kami dahil kilala din niya si apple.
"Sir buntis po ako, hindi ko po alam kung papano sasabihin sa bahay. Sir tulungan mo po ako." sabi ni apple habang umiiyak.
Pinaupo muna namin ni roxane si apple sa sofa namin para kausapin ng maayos.
"Nasaan ang boyfriend mo? alam na ba niya?" tanong ko.
"Opo sir alam na niya, ang sabi po niya magtanan daw po kami. Hindi po ako umuwi sa bahay namin ngayon ng maghiwalay kami, napag usapan namin na kumuha ng mga damit at lumayo dito. Magkita daw kami sa harapan ng school." sabi ni apple
"Tama ang desisyon iha na dito ka pumunta." sabi ni roxane.
Tumayo ako para tawagan si shaina at ipaalam na nandito sa bahay namin si apple, pinapunta ko siya kasama ang magulang niya, sunod ay lumabas ako ng bahay para punatahan ang lalaking nakabuntis kay apple, kilala ko siya at ang magulang niya, dahil bukod sa dati ko siyang estudyante ee naging player ko rin siya noong nagtuturo pa ako sa paaralan nila.
Mabilis kong narating ang bahay nila joward, saktong dating ko ay palabas na siya ng bahay dala ang isang bag na malaki.
"Sir naligaw po ata kayo, kamusta na po?" tanong ni joward sa akin.
"Mabuti naman ako, joward, pwede ba tayong mag usap?" sabi ko
"Oo naman sir, tungkol po ba saan?" tanong niya.
"Pwedeng sa loob muna tayo ng bahay niyo?" sabi ko sabay akbay ko sa balikat niya.
Wala ng nagawa si joward ng pumasok na kami sa loob ng bahay nila, nakita ko pa na abalang nanonood ng tv ang pamilya niya na walang kamalay malay sa problemang kinakaharap ng anak nila.
"Magandang gabi po." sabi ko sa magulang ni joward ng makita ko sila.
"Ohh sir long time no see, ano po ang aitn?" sabi ng tatay ni joward.
"Ahh ee may pag uusapan lang po sana tayo tungkol kay joward." sabi ko.
"Upo kayo sir" sabi ng nanay ni joward.
"Ahh ee hindi po dito kung ok lang po sana sa bahay namin, aanyayahan ko po sana kayo ngayon." sabi ko sa magulang ni joward na labis nilang ipinagtataka.
Kahit may pagtataka ay sumama sila sa akin sa bahay namin kasama ang anak nilang si joward, panay ang tanong ng magulang ni joward sa akin kung may ginawa ba kalokohan ang anak nila. Nginitian ko na lang sila at sinabi ko na sa abahay nalang namin pag usapan ang lahat.
Nang makarating kami sa bahay ay nakita ko na naka park ang kotse ni shaina sa labas ng bahay namin.
Mabilis kami pumasok sa bahay namin at dito nagkita kita ang magulang ni joward, mommy ni apple at si shaina.
"Phantom bakit naiyak si apple anong problema?" tanoong ni shaina.
Pinaupo ko muna nag magulang ni joward at kitang kita ko sa muka ni joward ang pamumutla sa takot na makita ang mommy ni apple.
"Ohh ganito, kaya ko kayo pinapunta dito, para mapag usapan ang lumalaking problema ng mga bata. Ako ang pinuntahan ni apple ngayon lang dahil may nangyari sa kanya. Buntis si apple at si joward ang ama, plano nilang magtanan ngayon, hindi ako pumayag dahil lalo lang malaking problema ang haharapin nila. " sabi ko.
Halos sabay sabay ng nagreact at pinagalitan ang dalawang bata sa magkabilang panig, parang naging palengke ang bahay namin sa ginagawa nilang pagsesermon kila apple at joward. Nakita ko pa nga na binatukan ng nanay niya si joward.
"Sandali lang po, kahit paulanan natin sila ng sermon, kahit saktan natin ang dalawang yan, wala na po tayong magagawa. May nilalang na po na nabuo sa sinapupunan ni apple, mas maganda po siguro ee pag usapan ng bawat panig sa inyo ang nararapat na sa tingin natin ay makakabuti sa dalawang bata." sabi ko.
Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakielam sa pag uusap nila, nakinig na lang ako sa kung ano ang maging pasya nila.
Medyo mahaba ang naging usapin sa pagitan ng bawat pamilya. Pero mas nanaig pa rin ang mas makakabuti sa dalawang bata.
Nagkasundo ang mga magulang nila apple at joward, na pagtapusin muna ang mga ito ng pag aaral, bago ipakasal sila pag tungtong ng tamang edad. Susuportahan din ng magulang ni joward ang pagbubuntis ni apple. Maaari silang makita, pero hindi pwedeng magsama baka daw mabuntis na naman si apple.
Patapos na ang pag uusap nila ng lapitan ako ni faith, may dala siyang baso ng tubig na malamig.
"Daddy ohh hindi ka pa nainom ng water umalis ka na." sabi ni faith.
"Anak mo siya sir?" tanong ng mommy ni apple.
"Ahh opo." sagot ko.
"Napaka cute naman." sabi ng mommy ni apple.
"Ahh ito po asawa ko, teacher po sa school nila joward at apple." pakilala ko kay roxane sa mga magulang na kasama namin.
Matapos ang ilang saglit na kwentuhan ay nagpaalam na sila at walang katapusang pamamaalam. Bago umuwi si apple ay yumakap muli sa akin at nagpasalamat sa tulong na ginawa ko. Biniro ko na lang siya na ninong ako ng anak niya, pero pilya pa rin si apple dahil biinulungan niya ako na dapat daw next na pagbubuntis niya ako daw ang ama. Buti nakasakay na ang mommy niya at si shaina ng kotse ng sabihin niya yun, dahil kung narinig nila ang sinabi ni apple tiyak na malilintikan ako.
Nang makaalis na ang mga bisita sa bahay namin ay sinalubong ako ni roxane. Isang mahigpit na yakap at halik sa labi ang natanggap ko sa kanya.
"Para saan naman yang yakap na yan at halik huh?" tanong ko kay roxane.
"Wala bakit masama ba yakapin ka at halikan huh.!!?"' tanong ni roxane.
"Hindi naman" sagot ko.
"Alam mo naisip ko kanina nung kinakausap mo yung magulang nung dalawang bata. Bakit kaya wala akong kaibigan na sir Phantom na dapat tinakbuhan ko noon ng kagaya ng ginawa ni apple, siguro kagaya kanina, ganun din ang nangyari sa atin." sabi ni roxane.
"Ee paano ka naman magkakaroon ng kaibigan noon ee napaka sungit mo. Ako nga lang ata ang nagtyaga sayo noon ee." biro ko kay roxane.
"Nagtyaga talaga? gusto mo sa sala matulog?" pananakot ni roxane.
"Hindi joke lang hehe love kaya kita." sabi ko kay roxane.
"Mommy!!!!! daddy!!!!! gabi na sleep na tayo" sigaw ni faith mula sa pintuan ng bahay namin.
Pumasok na kami ni roxane sa bahay namin at natulog na.
Ilang araw ang lumipas ng sunduin ko si roxane sa school nila. Nang sandaling yun ay kasabay niya si may.
"Phantom paki daan naman kila ms diaz, may iaabot lang ako sa kanya, please." sabi ni may na hindi ko na natanggihan kahit ayokong pumuntasa lugar na yun.
Nagmaneho na lang ako papunta kiila Ms diaz habang kausap nito si may sa telepono.
"Phantom saglit nasa pacita daw si Ms diaz ok lang naman siguro kung daanan natin siya at ihatid sa kanila." sabi ni may.
"May ano ba!!" reklamo ko.
"Phantom, dont worry past is pas, sige na puntahan na natin." sabi ni roxane sabay hawak ng kamay ko.
Hindi na ako nakasagot pa kahit ayoko ee wala naman akong nagawa, dahil dalawa silang kalaban ko.
Nang makarating kami sa pacita ay nakita ko na agad si ms diaz, pinarada ko na ang kotse ko sa mismong harapan niya. Si may naman ay bumaba para tulungan si ms diaz na isakay ang mga gamit niya.
Medyo marami ang dala ni ms diaz ng sandaling yun, kaya binuksan ko na lang ang lock ng compartment ng kotse ko habang nakaupo pa rin ako sa driver seat.
"Phantom hindi mo man lang ba tutulungan yun dalawa?" tanong ni roxane.
"Kaya na nila yan." sagot ko.
Ilang minuto pa ay narinig ko ng sinara ang compartment ng kotse ko, punasok si may sa kaliwang bahagi ng kotse ko at si ms diaz naman ay sa kanan. Nakangiti pa siya habang pumapasok, marahil hindi niya alam na ako ang may ari ng sasakyan na sinasakyan niya.
Nang makasakay si ms diaz at may ay pinaandar ko na ang kotse ko.
"Ms diaz si roxane nga pala, kilala mo na siya diba ilang beses na kayong nagkita." sabi ni may
"Hello." sabi ni roxane na halos ganun din ang sagot ni ms diaz.
"Ahh ms diaz asawa nga pala ni roxane magkakilala na rin kayo diba, Phantom si ms diaz batiin mo naman." pang aasar ni roxane.
Hindi ko nakita ang reaksyon ni ms diaz sa pang aasar ni may dahil naka focus lang ako sa pagddrive.
Si may at roxane lang ang nag uusap ng sandaling yun, nang biglang tumunog ang telepono ni roxane.
May kausap si roxane na naririnig ko tungkol kay faith, nang matapos ang tawag niya ay sinabi sa akin ni roxane kung ano ang sabi ng kausap niya.
"Tumawag ate mo Phantom, kasama daw niya si faith sa jollibee kung susnduin mo daw ako, daanan natin si faith may lakad pa daw kasi siya. Siguro kinulit na naman ng anak mo ang ate mo kaya hindi nakatanggi" sabi ni roxane.
"Hayy naku ee kanino pa ba magmamana si kulet? ee yung daddy ubod din ng kulit." singgit ni may.
"May anak na kayo?" tanong ni ms diaz buhat sa likod ng kotse.
"Yap 5 years old na pero baby pa rin kung kumilos, paano naspoiled sa daddy." sagot ni roxane.
Ako naman ay hindi na makasagot sa usapan nila dahil hindi ko alam ng sandaling yun kung paano ko pakikitunguhan si ms diaz.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa jollibee kung nasaan ang ate ko at si faith.
"Daddy!!! kumain kami ni tita ganda." pagmamalaki ng anak ko.
"Hello honey, naubos mo ba ang food mo?" tanong ko kay faith.
"Opo daddy!." sagot ni faith.
"Phantom una na muna ako, may aasikasuhin pa ako, babye biggirl." paalam ng ate ko sa amin bago siya humalik kay faith at lumakad na palayo sa amin.
"Daddy nasaan si mommy?" tanong ni faith.
"Nasa kotse siya honey." sabi ko kay faith sabay bukas ng kotse ko.
"Hello anak." bati ni roxane.
"Hello mommy, hello tita may. Hello po." bati ni faith sa mga kasama namin.
"Anak magddrive si daddy, lipat ka dito" sabi ni roxane.
"Mommy gusto ko kalong kay daddy." sabi ni faith.
Wala ng nagawa pa si roxane kaya ng umupo ako sa driver seat ay agad na kumalong si akin si faith.
"Mommy ohh nagddrive ako." pagyayabang ng anak ko sa mommy niya.
"Hayy naku faith huwag malikot baka mabangga tayo." sabi ni roxane.
Natawa na lang ako kay faith dahil enjoy na enjoy siya habang hawak niya ang manibela ng kotse ko.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay nila Ms diaz. Pinarada ko na mismo sa harapan ng gate nila para hindi na siya mahirapang magbaba ng mga gamit nila.
"Ahh roxane, Phantom baba muna kayo saglit para makainom man lang kayo ng softdrinks." sabi ni Ms diaz na dapat ay tatangihan ko subalit si roxane na ang sumagot.
"Sure, maaga pa naman, tara Phantom karagahin mo muna si faith." sabi ni roxane.
Tinitigan ko ng masama si roxane para ipaalam sa kanya na ayoko ng bumaba at magtagal sa lugar na yun. Pero binelatan niya ako bago siya bumaba ng kotse.
Wala na akong nagawa kaya kinarga ko na si faith papasok sa loob compound nila Ms diaz.
"Ex bayaw!!!! kamusta? shoot ka muna." sabi ni kuya billy sa akin nang makita ko na nag iinuman sila sa tapat ng bahay nila kuya nestor.
"Bawal po kay daddy yan, diba daddy bawal yan sayo." sabi ni faith kay kuya billy.
"Anak mo Phantom?" tanong ni kuya billy.
"Oo si faith nga pala." pakilala ko kay kuya billy
"Hala sige na at baka mapagalitan ka pa ng baby mo." biro ni kuya billy.
"Hindi na po ako baby big girl na po ako." sabi nifaith.
"Ay sorry big girl pala." sabii ni kuya billypumasok na kami sa loob ng bahay nila ms diaz, nanibago ako sa ayos ng bahay nila ng sandaling yun, medyo matagal na rin kasi ng huli akong nakapunta sa kanila, pero yung mga medal sa dingding ng bahay nila ay hindi pa rin nawawala.
"Pasensya na kayo kung medyo magulo ang bahay, ako na lang kasi ang nakatira dito, pero after nmg kasal ko, baka may kasama na ako." sabi ni ms diaz habang hinahanda ang mga absong gagamitin namin.
Ilang saglit pa ay pumasok ang pamankin niyang si tintin sa bahay nila na may dalang dalawang litrong sortdrinks at tinapay.
"Sir Phantom?" sabi ni tintin ng makita niya ako.
"Kamusta?" sabi ko.
"Aatend ka ng kasal ni tita?" tanong ni tintin.
Nginitian ko na lang siya sa tanong niya dahil ayokong mapahiya si ms diaz sa isasagot ko.
Makalipas ang halos dalawang oras ng pakikipagkwentuhan namin kay may ms diaz ay nagyaya ng umuwi si faith. Kahit ayaw pa sanang umuwi ni roxane at may ay wala kami nagawa dahil nagsisimula ng mangulit si faith, kapag ganun kasi ang kilos ni faith alam na namin na inaantok na siya.
Subalit bago pa man ako makalabas ng bahay nila Ms diaz ay muli itong nagsalita.
"Ay saglit Phantom pwede makisuyo? pwede pakipalitan ang ilaw sa kwarto ko, napundi kasi." sabi ni ms diaz.
"Phantom una na kami sa kotse pahiram ng susi at inaantok na ang anak mo." sabi ni roxane kaya iniabot ko na ang susi sa kanya bago ko nilapitan si ms diaz para kunin ang ilaw na ipapalit sa kwarto niya.
Pagpasok ko sakwarto ni ms diaz ay tumuntong lang ako sa headboard ng kama niya bago ko pinihit ang nakakabit na ilaw at ipinalit ko ang hawak kong ilaw.
"Paki testing naman sa switch bago ako bumaba dito." sabi ko kay ms diaz na naghihintay lang sa may gilid ng pintuan ng kwarto niya.
Pinidot niya ang switch at nag ilaw naman ang ikinabit ko bago ako bumaba sa kama niya.
Subalit nagulat ako ng pagbaba ko ay biglang yumakap sa akin si ms diaz at mabilis na naglapit ang labi namin, hindi ko alam kung bakit nagawa kong lumaban ng halik sa kanya ng sandaling yun, hinmas ko pa ang likod niya haggang sa pwet niya, subalit biglang nagrehistro sa isip ko ang muka ni faith na nakangiti sa akin. Dahan dahan kong kinalas ang pagkakalapat ng mga labi namin ni ms diaz ng sandaling yun.
"Sorry ms diaz may asawa at anak na ako." sabi ko habang nakayuko ako.
"Phantom sabihin mo lang na huwag akong magpakasal gagawin ko, kahit maging kabit mo lang ako okey lang, basta sabihin mo lang na mahal mo pa ako." sabi ni ms diaz na ikinagulat ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" tanong ko kay ms diaz.
"Phantom mahal pa kita, wala akong pakielam kung may anak na kayo ng babaeng yun. Da---
"Tama na please hinihintay na ako ng anak ko sa labas." sabi ko kay ms diaz bago ko kinalas ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Lumabas na ako sa bahay nila at mabilis akong nagtungo sa kotse ko. Pinaandar ko na ito para ihatid si may sa bahay nila.
Pag uwi namin ni roxane sa bahay namin ay nilapag ko lang si faith sa kama ko, kasalukuyan namang naghuhubad ng uniform si roxane ng yakapin ko siya mula likod niya.
"Phantom ano ba, ang lagkit lagkit ko pa ohh." sabi ni roxane.
"Hayaan mo lang muna ako. May gusto lang kasi akong sabihin sayo. Pero promise mo muna na hindi ka magagalit." sabi ko kay roxane.
"Namababae ka na naman ba?" galit na tanong ni roxane.
"Hindi!! pero parang ganun din ee." sabi ko.
"Ano yun?" pagalit na tanong ni roxane sa akin.
Ayoko ng lokohin si roxane ng sandaling yun kaya ipinagtapat ko na sa kanya ang sinabi ni ms diaz sa akin pati ang paghalik sa akin ni ms diaz ay sinabi ko sa kanya.
Sapat na sa akin na si andrea na lang ang ilihim ko sa kanya, ayoko ng dagdagan pa ito.
Isang buwan ang nakalipas matapos ang kasal ni ms diaz ay wala na akong ginawang kalokohan, iniwasan ko na sila rica, mikay at kat. Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko ng sandaling yun. Kasama ko na ang babaeng kasangga ko sa buhay, kasama ko na rin ang anak ko na walang kasing cute at walang kasing kulit.
Birthday ko ng araw na makatanggap ako muli ng regalo kay roxane, nakabalot lang ang rehalo niya sa isang maliit na kahon na pahaba na parang chocolate.
"Ano naman ang laman nito, baka naman mahal ito? kiss mo lang at yakap ok na ako." sabi ko kay roxane ng iabot niya sa akin ang regalo niya habang kumakain kami ng pamilya ko at pamilya niya sa isang restaurant dito sa laguna.
"Buksan mo na lang dami pa sinasabi ee." sabi ni roxane.
Halos lahat ay nasa akin ang atensyon ng buksan ko ang regalo ni roxane.
Nang makita ko ito ay gusto kong magwala at magtatalon sa tuwa.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang lalaking binigyan ng pregnancy test na possitive.
Sobrang tuwa ko ng malaman ko na magkakaanak uli kami ni roxane.
Subalit ang bawat tuwa at ngiti sa buhay ay kaakibat ng bawat luha at kalungkutan. Minsan ko ng naranasan ang maging masaya at ibaon sa problema.
Hindi ito ang katapusan ng kwento ng buhay ko, bagkos ito pa lang ang simula ng tunay na laban ko sa buhay. Hindi ko alam kung minahal ako ng mga problema sa buihay dahil kahit anong tibay ko ay hindi sumuko ang problema na dumarating sa akin.
BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz