"Hindi namin kayang ubusin yan. Kaya kami nagluluto ng marami kalag gabi. Para hanggang bukas may pagkain na kami. Hindi naman tayo makakapag luto bukas diba." sabi ng isa sa kasama ni Ms de leon.
"Ahh akala ko kasi kaya niyo ubusin lahat ng niluto niyo." sabi ko.
"Hindi ahh. Mahina lang kami kumain." sagot ni ms de leon.
Nang simulang ihanda nila ang pagkain sa mesa ay lumabas muna ako para bumili ng softdrinks, nakakahiya naman kasi kung makikikain lang ako sa kanila na wala man lang akong naiambag.
Pagbalik ko ay nakahanda na ang lahat sa mesang nasa loob ng classroom na yun. Isa pa sa ikinatuwa ko kay Ms de leon ay ng awatin niya ang mga kasamahan niyang kumain dahil ang kinalakihan pala niyang pamumuhay ay magdasal muna bago kumain.
Isa sa katangian ng babae na labis kong hinahangaan. Dahil bilang na lang sa daliri ngayon ang ganung uri ng babae. Yung magpasalamat muna sa panginoon bago kumain.
Nang magsimula kami kumain ay napuno ng kwentuhan at tanungan ang mesa namin. Ako ang tinadtad nila ng tanong na sinaaagot ko rin naman ng ilang mga bagay na tungkol sa pagkatao ko.
"May girlfriend ka na ba?" tanong ng isa sa kasama namin
"Wala na." sagot ko. Dahil yun naman ang totoo. Wala na si roxane at si rochelle hindo ko naman sigurado kung saan kami patungo.
"Ohh bakit naman? Ano ba nangyari pwede ba namin malaman." sabi ng isa pa sa kasama namin.
"Wala lang. Nabuntis lang naman siya na hindi ako ang ama ng bata." sagot ko na nakapagpa tahimik sa kanila.
"Ohh bakit kayo natahimik.? Ok lang ano ba kayo. Nakalipas na yun" sabi ko.
"Pasensya na Phantom hindj naman kasi namin alam na ganun kasakit yun nangyari." sabi nung nagtanong kung may girlfriend na ako.
"Ok lang. Ee kayo ba baka naman magalit sa akin dito ako lang ang lalaki taz kayo puro babae." tanong ko sa kanila.
Isa lang sa kanilang apat ang may dalawang anak na. Ewan ko ba kung ano meron sa lugar nila kung paano niya nagagawang imaintain ang katawan niya ganung kaganda kahit may anak na siya. Dahil kagaya ni Andrea ay hindj mo talaga mapapansin na may anak na yung isang babae kasama ni Ms de leon.
( hindi ko sila mabigyan ng pangalan dahil hindi ko na maalala ang mga pangalan nila. Baka kasi manghula ako ng pangalan ee tumama ako sa totoong pangalan nila. Magkaproblema pa ako kapag nabasa nila itong story ko.)
Matapos namin kumain ay kanya kanya silang apat ng gawain sa paglilinis ng kinainan namin,tinulungan ko na rin si Ms de leon sa ginagawa niya pagbabalot sa tupperware ng pagkain nila para bukas.
Matapos malinis lahat ng ginamit nila ay naghanda na sila ng hihigaan nila. Kami naman ni Ms de leon ay lumabas sa classroom para makapag kwentuhan na muna.
"Phantom gusto mo punta ka sa amin sa fiesta. Masaya dun." sabi niya.
"Ahh kailan ba ang fiesta sa inyo?" tanong ko.
( hindi ko na maalala yung date, dahil sa totoo lang hindi naman ako nagpunta nun hehehe)
"Ahh sige try ko." sabi ko.
Mahaba ang kwentuhan namin ni ms de leon ng sandaling yun, hanggang sa siya na ang kusang nagpaalam na matutulog na siya. Magkita na lang daw uli kami bukas sa seminar. Nagpasalamat naman ako sa pag imbita nila sa akin bago ako tuluyang bumalik sa bahay na tinutuluyan namin.
Sa totoo lang may kaunting kapilyuhan na pumapasok sa utak ko ng sandaling yun, parang may demonyo na naman na bumubulong sa akin na.
Sige nga testing nga kung kaya MO makantot ang mahinhin NA yun.
Paulit ulit kong naiisip ang bagay na yun hanggang sa makatulog ako, paggising ko ay tigas na tigas ang byrat ko, hinding hindi ko malilimutan ang panaginip ko ng gabing yun, kinakantot ko daw si Ms de leon sa harapan ng mga kasamahan niya habang nag cheer pa ang mga ito sa bawat bayo ko.
Napatawa na lang ako sa isip ko ng sandaling yun, paano ko naman magagawang makantot ang isang mahinhin at probinsyanang babae na yun na guro pa. Hindi naman siya kagaya ng mga babae sa lugar namin na mas malibog pa ata sa rabbit.
Subalit hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko ng sandaling maalala ko na labing isa silang magkakapatid. Ibig sabihin malibog ang nanay at tatay niya. Malamang sa alamang ay gabi gabi kung magkantutan ang magulang niya na maaring naipasa sa kanya ang kalibugan ng mga ito dahil pamilya sila. Diba kadalasan minamana ng anak kung ano meron sa magulang.
Muli tila may dimonyong ngumiti sa kaisipan ko na habang nag nakikinig kami sa lecture ng huling araw na yun ay napatingin ako kay Ms de leon na hindi naman kalayuan ang upuan sa akin. Tatlong upuan sa unahan sa kaliwa lang ang layo niya. Na kapag tumingin ako sa kanya ay tiyak ko makikita niya akong nakatingin sa kanya.
Tuluyan na akpng nilamon ng libog ng sandaling yun at ang dimonyo sa kalooban ko ay naghari ng walang humpay ko titigan si Ms de leon at nang makuha ko ang atensyon niya ay isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko sa kanya na sinuklian din naman niya ng ngiti.
Makailang beses ko pang inulit ang bagay na yun na alam kong naweweirduhan na sa akin si Ms de leon. Subalit hindi ko alam kung saan ako humugot ng kapal ng muka at lakas ng loob na hamunin ang tibay ng isang babaeng mahinhin na probinsiyana pa.
Tanghaalian ng magpasya ako sa labas ng paaralan kumain kung saan may mga carenderia na nagtitinda, wala naman kasi akong baon pagkain. Palabas na ako ng gate ng paaralang yun ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag ng isang babae. Nang linguni ko ito ay si Ms de leon pala ang tumataqag sa akin.
"Ohh bakit?" tanong ko ng lumapit siya sa kinatatayuan ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Kakain. Ikaw kumain ka na ba?" tanong ko.
"Hindi pa pero may baon ako yung niluto namin kagabi." sabi niya.
"Tara sabay na tayo." sabi ko.
Sumama naman si Ms de leon sa akin isang malapit na carenderia sa paaralang yun.
Umorder na ako ng pagkain ko, siya naman ay sapat na daw sa kanya yung dala niya. Kaya softdrinks na lang ang binili ko para sa kanya. Nanghiram na din ako ng pinggan para sa kanya.
Nang sandaling yun ay pinapagana ko na ang utak ko sa kung paano ko ba siya matitikman, dahil sa totoo lang sobrang tigas na ng titi ko ng sandaling yun habang kumakain kami.
"May sasakyan ba kayo pauwi mamaya?" tanong ko.
"Wala mag comute lang kami. Kayo?" sabi niya.
"Kami meron iarkila na namin, susunduin kami nun mamayang hapon. Pero ayoko pa sana umuwi" sabi ko.
"Bakit naman? May pupuntahan ka pa ba? Inosenteng tanong niya.
"Wala naman. Gusto ko lang na gumala pa. Wala din naman kasi ako gagawin sa bahay pag uwi." sabi ko.
Natahimik siya ng sandaling sabihin ko yun, medyo nakaramdam ako ng rejection. Kasi kung may tama siya sa akin siya na mismo ang magyaya na gumala kami pero wala siyang response sa sinabi ko yun hanggang sa matapos kaming kumain ay nanatili siyang tahimik.
Umiisip pa ako ng pwede kong sabihin sa kanya subalit tila nablanko ang utak ko sa pambobola sa babae, hanggang sa makarating kami sa paaralan ay hindi na kami nakapag usap. Subalit ang tatlong kasama niya ay tila hulog ng langit sa akin ng sandaling yun.
"Saan kayo galing kanina ka pa namin hinahanap. Yung isang kasamahan ko sa seminar na lalaki nagyayaya birthday daw niya ngayon at naghanda sa kanila Sama ka ba?" tanong kay ms de leon ng kasamahan niya.
"Naku ako uuwi magagalit ang asawa ko. Kayo tatlo lang diyan kung sakali." sabi nung kasama nila na may anak na.
"Sama ka Phantom?" tanong ni ms de leon sa akin na nagmistulang musika sa pandinig ko dahil ang kahibangan ko na magalaw siya ay parang malaki na ang pagkakataon ko kung sakali.
"Ahh ee oo kung ok lang naman" sabi ko.
"Oo ok lang. Lahat nga kami niyaya sabi ko nga apat bale ang isasama ko ok lang daw." sabi ng kasamahan ni ms de leon.
Napag usapan namin na magkita na lang mamayang hapon pagkatapos ng seminar namin. Nagpunta na rin kasi kami sa kanya kanya classroom para maipagpatuloy na ang huling araw ng seminar namin.
Nang matapos na ang seminar namin ay kinuha ni Ms de leon ang cellphone number ko dahil nagpaalam ako na uuwi muna sa bahay na tinutuluyan namin para makapag paalam sa mga kasamahan ko, aayusin ko na din ang gamit ko.
Pagdating ko sa bahay na tinutuluyan namin ay nakahanda na ang mga kasmahan ko sa pagbalik sa lugar namin. Nagpaalam ako sa kanila na hindi na ako sasabay sa kanila dahil naimbitahan ako sa isang birthday party. Pumayag naman sila kaya nauna na silang umuwi.
Yung kasamahan ko guro na kamag anak ang may ari ng bahay na yun ay nagpaiwan na din dahil gusto daw niya makasama ang mga kamag anak niya. Dahil sa mabait din ang may ari ng bahay na yun ay pinayagan niya akong iwan muna ang gamit ko sa baahy na yun at kung sakali man daw na malasing ako sa pupuntahan ko party ay pwede daw ako umuwi uli sa bahay na yun dahil wala pa namang nakatira sa bahay. Nalimutan ko sabihin. Paupahan ang bahay na ipinahiram sa amin. Maswerte lang kami na walang umuupa kaya pinayagan kami na mamalagi muna dun.
Naligo na muna ako matapos ang usapan namin ng kasamahan ko guro, bago ako nakipag kita kay Ms de leon. Bale apat kami nagtungo dun sa birthday party na sinasabi nung kasamahan niya. Yung isa sa kasamahan nila na may pamilya na ay nauna ng umuwi sa batangas.
Hindi naman kalayuan sa paaralan yun bahay na pinuntahan namin, sumakay lang kami ng tricycle na ang lugar nila doon ay para din sa amin. Ang pinagkaiba lang ay may malalawak pa palayan sa sta cruz laguna na wala sa lugar namin.
Mainit naman kami sinalubong ng birthday celebrant. Lalaki siya na sa tanya ko ay nasa 30 hanggang 35 ang edad. Marami na din tao sa lugar na yun ng makarating kami. May ilang mga guro na rin, pero mas marami ang mga nag iinuman at nagkakantahan sa videoke.
Pinakain na muna kami ng kami ay dumating, sa isang pahabang mesa na may kasama kaming guro din na nagtuturo silang lahat sa sta cruz. Hindi ko na maalala ang mga pangalan ng mga taong yun kaya hindi ko na papangalanan. Dahil ang main character lang naman dito sa seryeng ito ay si ms de leon.
Isa sa mapupuri mo talaga sa probinsya ay ang pamamaraan nila ng pagluluto ng kahit anong klaseng ulam, talo pa nila ang mga nakapagtapos sa kursong culinary kung sa lasa ang pag uusapan.
Hindi ko dinamihan ang kain ko dahil alam ko mapapalaban kami ng inuman sa lugar na yun, nakikita ko kasi sa ibang table na may mga malalaking bote na kulay ihi ang laman tapos may mga nakababad pa sa loob nito na kung anu anong bagay na sa pagkakaalam ko ay lambanog yun.
Matapos namin kumain ay kasunod na hinanda sa amin ang alak, medyo natuwa ako dahil emperador ang inilapag sa mesa namin. Nung sandaling yun wala pa empi lights.
May kasunod na dala ng jug ang isa ata sa kabarkada nung teacher na may kaarawan na napag alaman ko na juice ang laman nito.
"Nainom ka ba?" tanong ko kay ms de leon.
"Oo. Pero hindi madalas. Sa amin kasi normal na kapag may okasyon na mag inom." sagot niya.
Medyo napanatag ako iniisip ko kasi na baka hindi pa nasasayaran ng alak ang katawan ni ms de leon, pero nagkamali ako ng akala.
Dahil ang mahinhin na gurong kasama ko, ee mistulang may imbakan ng alak sa katwan niya. Hindi ko na halos nabilang kung ilang bote na ng alak ang naiinom namin ng sandaling yun. Dahil nakakaramdam na ako ng hilo. Malakas ako mag inom, ilang beses ko ng napatunayan yun. Sa katunayan sa mga tropa ko sa lugar namin isa ako sa laging naiiwan sa mesa na matino pa kapag natatapos ang session namin ng inuman, pero si ms de leon at ang dalawa pa niya kasama. Parang tubig lang ang iniinom.
"Ano ok ka pa ba?" tanong sa akin ni ms de leon.
"Naku mahina pa lang yan manok mo." singit ng kasama niya na halos katabi lang namin sa upuan.
"Kaya ko pa medyo pagod lang talaga ako kanina." sabi ko.
"Sus palusot ka pa. Weak ka lang sir hehehe" singit pa ng isang kasama ni ms de leon.
Nang sandaling yun ay medyo nachallenge ako sa sinasabi nila at kantyaw nila sa akin. Kaya nakipag sabayan ako ng inuman sa kanila.
May isa pa akong sikreto kapag nakkaramdam na ako ng tama ng alak ay hindi na ako nainom ng chaser, puro ko ng iniinom ang alak lalo na kapag brandy. May nakapagtip kasi sa akin na kapag sinabayan mo. Ng chazer ang brandy mas lalo ka malalasing dahil mas magiging marami ang alak na papasok sa tiyan mo. Totoo naman yun dahil ilang beses ko ng nasubukan na hindi mag chazer lalo na kapag brandy, matahal bago ako malasing.
Ala una na ng madalingbaraw ng sandaling halos anim na lang kami sa mesang yun. Kami apat ng kasama ni ms de leon, yung lalaki may birthday at isa pang lalaki na kasamahan nung may birtday sa pagtuturo sa paaralan nila.
Halata ko na sa pananalita at kilos ng dalawang lalaki na kainuman namin na kapwa naman namin guro na may tama sila sa dalawang babaeng kasama ni ms de leon. Sa totoo lang may itsura naman yung dalawa kasama niya, may pagka mataba lang yung isa at yung isa ay pango pero sexy naman ang katawan.
Panay na ang bitaw ng matatamis na salita at pambobola ng lalaki kainuman ko amga babaeng kasama namin, hindi lang nila mapaandaran si ms de leon dahil katabi ko siya at kami lagi ang nag uusap.
Huling bote na ng alak ang naubos namin ng magpaalam na kami ni ms de leon na uuwi na muna kami sa birthday celebrant. Nag alok pa siya na dun lang daw kami matulog sa bahay nila kung wala kami tutuluyan dahil malayo naman talaga ang batangas sa lugar nila kung uuwi pa kami at isa pa baka wala na daw silang masakyan.
Subalit maagap ang inyong lingkod, dahil bago pa lamang mag paalam ang mga kasama ni ms de leon na uuwi na ay naalok ko na sila na dun na muna matulog sa bahay na tinutuluyan namin ng mga kasamahan kong guro. Nasabi ko na din sa kanila na ako lang ang tao doon at pumayag ang may ari ng bahay na manatili pa akp ng hanggang bukas sa bahay na yun.
Sumang ayon ang mga babaeng guro na kasama ko na sa akin na lang sila sumama, dahil sa totoo lang nung sandaling yun, kung sa muka lang naman ang pagbabasehan kung sino ang pagkakatiwalaan ng babae sa pagitan naming tatlo ng lalaking kainuman namin.
Ehem. Mas muka pa akong santo sa kanila, ayoko ng laitin ang itsura nila sapat na sa akin na yung tatlong babae na kainuman namin ay maiuuwi ko sa bahay na ako lang ang tao.
Medyo may kabaitan din naman ang dalawang lalaking guro na kainuman namin dahil pinahatid pa nila kami sa kakilala nilang tricycle sa lugar na yun, sinabihan pa nila ng driver na ingatan kami.
Nagpasalamat din kami sa kanila sa pag imbita bago kami tuluyang lumisan. Subalit habang nasa byahe kami patungo sa tinitirhan ko bahay ay nagyaya pa ang isa sa kasama ni ms de leon na kumain na mun adaw kami ng goto. Isinama ko na din ang driver ng tricyle sa pagkain ng goto dahil mas palagay ang loob ko sa driver na yun kesa kukuha pa kami ng ibang masasakyan.
Medyo may kamalasan lang kami dahil pasarado na ang kainan ng goto sa lugar na yun ng dumating kami, nakiusap na lang si ms de leon sa magalang na paraan na kung maaari ay balutin na lang ang bibilhin namin. Pumayag naman ang may ari at ibinili ko na din si manong driver ng para sa kanya. Bago kami nagpahatid sa destinasyon namin.
Nang makarating kami sa bahay ay binigyan ko ng 150 si manong driver, hindi ko malilimutan yun presyo dahil labis ang pasasalamat sa aking ng tricycle driver sa laki ng ibinayad ko sa kanya. Sa totoo lang maliit na halaga yun kung ikukumpara sa paghahatid niya sa amin ng ligtas sa tinutuluyan kong bahay.
Pagdating sa bahay ay itinuro ko kila ms de leon ang lagayan ng mga gamit na ipinagamit sa amin ng kamag anak ng kasamahan ko guro sa pagluluto at pagkain.
Sila na ang nag ayos ng kakainan namin, dahil ako ay naghilamos na muna dahil talagang nahihilo na ako sa dami ng nainom namin. Paglabas ko ng banyo ay nakahanda na ang mangkok na may lamang lugaw, nasa isang pinggan na rin ang tokwat baboy at itlog na nilaga.
Bago uli kami kumain ay nagsimula uli magdasal si ms de leon na nakaugalian na niya siguro sa bahay nila.
Matapos ang dasal ay nag simula na kami kumain subalit ang isa sa kulang namin ng sandaling yun ay tubig na maaaring mainom, may kalayuan ang nag iisang 7eleven sa lugar na tinutuluyan ko, imposible na kung pupunta pa ako dun para bumili dahil delikado sa lugar na yun ng sta cruz. May nababalitaan kasi ako gumagala daw na taong labas o npa sa gabi.
"Ok lang yan kahit walang tubig, may poso dun sa labas pwede na yun." sabi ng isang guro kasama ni ms de leon.
"Oo nga kami nga nung elementary ako sa balon kami nakuha ng pang inom." singit pa ng isa.
"Kami nga sa bukal lang." sabi ni ms de leon.
"Ee ikaw ba Phantom sensitive ba ang sikmura mo?" tanong ng guro kasama namin.
"Ahh ano hindi. Kasi tubig kanal iniinom ko." pagbibiro ko na bumenta naman sa kanila dahil napatawa sila.
Matapos namin kumain ay kumuha ako ng tubig sa poso na kahit hindi ko namannnakaugalian uminom sa poso ay nakiinom na rin ako para hindi nila masabing maarte ako, hinugasan din nila ang kinainan namin sa poso bago sila isa isang nag ayos ng tutulugan nila.
Sa kwarto na sila nahiga ng sandaling yun ako naman ay sa sala na lang uli, subalit hindi ako makatulog ng sandaling yun kaya nagpasya akong lumabas muna sa bahay para magpahangin. Hindi ko alam kung anong oras na ng sandaling yun, likas lang siguro sa mga probinsya na maagang magising ang mga tao. Dahil yung tindahan ng sari sari store na halos ilang hakbang lang ang layo sa bahay na tinutuluyan namin ay kasalukuyang nagbubukas na ng lumabas ako sa bahay.
Nagtungo ako sa tindahan para bumili ng yosi at nagbabakasakali na rin na makabili ng kape.
"Naku iho hindi naman kami nagtitinda ng kape, pero sige ipagtitimpla kita. Yung nasa sachet na lang ang bayaran mo." sabi sa akin ng matandang lalaki na natitinda.
Ilang saglit pa ay iniabot sa ain ng matanda ang baso na may lamang mainit na kape. Bago ko siya binyaran
"Iho huwag mo naman mamasamain, bago ka lang ba dito sa lugar namin? Ngayon ko lang kasi kita nakita dito." tanong ng matanda.
"Ahh opo bago lang po ako dito. Teacher po ako na nag seminar dito, diyan po kami tumigil sa bahay na yan." sabi ko sabay turo sa bahay na tinitigilan namin.
"Ahh kayo pala ang mga guro na bisita ni iska, taga saan ka ba iho?" tanong njya uli.
"Taga san pedro po." sagot ko.
Magtatanong pa sana yung matanda sa akin ng marinig ko bigla ang isang tinig sa likuran ko.
"May kape pa Phantom? Hindi kasi ako makatulog." sabi ng tinig sa likod ko ng lingunin ko ay si ms de leon ang babae
"Tay pwede pa po isa kape pa?" paki usap ko sa matanda.
"Naku oo iho pwede. Karangalan ko na ipagtimpla ang mga guro kagaya niyo. Hindi niyo naitatanong ee ang nasira kong asawa ee dati rin maestra sa bayan. Sandali at ipagtitimpla ko kayo." sabi ng matanda.
Pag alis ng matanda ay halos hindi ako makapag salita dahil sa suot ni ms de leon ay makatindig balahibo talaga. Dahil sa unang pagkakataon ay nakita ko nakasuot lang siya ng sando kulay puti, short na kulay itim na hindi naman maiksi, nakalabas lang ang tuhod niya sa short niya pero grabe ang kinis ng braso niya, ang dibdib niya tayong tayo na parang hindi na niya kailangan ng push up na bra. Ang hita niya na parang hita ni jopai ng sex bomb, bilugan ito na medyo malaki na bumagay sa itsura niya.
Oo isang sulyap lang ang ginawa ko sa kanya pero nakarehistro na sa utak ko lahat ng detalyeng yan. Isang talento kl na hindi ko alam kung sana ko nakuha, nagagamit ko lamang ang talentong ito sa pagsulyap lang sa katawan ng babae pero sa ibang bagay ay hindi ko magawa. Ganun naman ata siguro lahat ng lalaki o ako lang.
"Tay ok lang po ba kung ibabalik na lang namin yun tasa niyo?" sabi ko sa matandang lalaki matpos niya ipagtimpla ng kape si ms de leon.
"Sige lang iho. Walang problema. Kung gusto niyo ng pandesal mamaya pag may dumaan sabihin ko na puntahan kayo." sabi pa niya.
"Naku hindi na po sapat na po ang kami sa sa amin. Salamat po tay." sabi ko. Bago ko yayain si ms de elon na bumalik na muna sa bahay dahil sa totoo lang may taglay akong kadamutan, ayoko may makakitang iba ng magandang katawan ni ms de elon ng sandaling yun.
Nilabas ko lang ang tatlong upuang plastik bago ipinatong ni ms de leon ang hawak niya kape sa isang bangko at ang dalawang bangko ay inupuan na namin.
"Bakit hindi nalang tayo dun uninom ng kape bakit dito pa? Mapapagod ka lang na ibalik yung tasa kay manong." sabi ni ms de leon.
"Ahh ee mas ok kasi dito. Tyaka marami ng tao mamaya dun" sabi ko.
"Ohh ee ano naman kung marami ng tao?" inosenteng tanong ni ms de leon na hindi ko alam kung paano ko sasabihin na inilalayo ko lamang siya sa mata ng manyakis sa lugar na yun.
"Wag mo ng tanungin. Hayaan mo na lang" sabi ko bago ako umisip ng ibang topic namin dahil sa totoo lang tigas na tigas na ang burat ko ng sandaling yun sa itsura ni ms de leon. Gustong gusto ko na siyang kantutin subalit wlaa ako maisip na paraan.
Hindi naman pwede sabihin ko sa kanya na. Ms de leon kantutan tayo trip lang. Napakatanga ng gagawa nun, wala din kasi akong alam sa panliligaw at pagdiskarte sa babaeng probinsyana. Oo probinsya din ang bayan kung saan ako lumaki, subalit ang galawan na ng tao sa amin ay kagaya na sa maynila. Hindi na uso sa amin ang harana at pag iigib ng tubig. Dahil puke na ang sinisibak ng kalalakihan sa amin bago pa ikasal ang babae at lalaki.
"Phantom ilan na ang naging girlfriend mo?" tanong ni ms de leon.
"Ahh ee lima pa lang." sabi ko dahil ang totoo ay hindi ko naman talaga mabilang kung ilan na ba sila. Dahil may mga babae na dumaan sa akin na hindi naman naging kami sa salita ay naging kami naman sa kama.
"Ang dami na pala. Bakit hindi ka pa nag aasawa?" tanong niya uli.
"Naku wala pa sa isip ko yun. Tinutulungan ko pa kasi ang nanay ko sa pagpapaaral sa mga kapatid ko. Tyaka alam mo naman na maliit lang ang sahod nating mga guro. Hindi sapat para bumuhay ng pamilya." sabi ko.
"Huh? Hindi pa ba sapat sayo yun sweldo mo? Baka naman marangya buhay ang gusto mo. Kasi kung ako tatanungin. Kung kapwa teacher ko din ang magigingbasawa ko. Sapat na yung sweldo namin para mabuhay ng normal." sabi ni ms de leon na napaisip ako bigla.
Bakit kami ni roxane teacher kami pareho, bakit oarang kulang pa rin yun kinikita namin para sa amin at sa gastos kay Faith at sa pagbibigay namin sa bahay namin. Bakit si ms de leon parang sobra pa sa kanya ang sweldo namin ee halos pareho lang naman kami ng sweldo. Dahil pareho pa lang kaming teacher1 ng sandaling yun.
"Siguro sa inyo. Mura ang bilihin. Sa amin kasi lahat ng bagay mahal." sabi ko.
"Huh? Diba san pedro ka lang nakatira, ako sa batangas. Diba nasa pilipinas pa rin tayo. Ano pinagkaiba nun?" tanong niya na parang napahiya ako dahil my point naman siya pero mapilit ako at hindi ako nagpatalo.
"Pareho nga tayong nasa pilipinas. Pero sa amin kasi walang lugar na kagaya sa inyo na may taniman, pwede ka makabili ng murang gulay, prutas at kung anu ano pa. Kagaya niyo may alaga kayong hayop, may pagkakataon sa inyo na hindi niyo kailangan bumili dahil kayo ang magbebenta. Ee sa amin lahat binibili sa tamang presyo, kadalasan over price pa." sabi ko na taas noo pa dahil pakiramdam ko panalo na ako sa usapan namin.
"Hindi naman yun sa ganun nasusukat ee. Bumibili din naman kami ng mga sinasabi mo pangangailangan sa araw araw. Alam mo Phantom kung mabubuhay ka lang ng simple, yung walang luho at karangyaan. Sobra pa yan sweldo mo para mabuhay ng isang buwan. Alam mo ba ako may ipon ako, kahit tumutulong din ako sa pag Papaaral ng mga kapatid ko, nagbibjgay din ako ng pera sa nanang ko para sa gastusin sa bahay. Yun sa sarili ko medyo tinitipid ko para makaipon ako" sabi ni ms de leon na parang sinapak na naman ako.
Sa totoo lang medyo maluho din talaga ako, mas gusto ko lang bumili ng bumili ng pagkain kesa magluto at magbaon ng tanghalian, naka kotse ako na kung tutuusin ay mas malaking mura sana kung namamasahe na lang ako. Dalawa ang telepono kk para sa kahayupan ko sa mga babae. Ipon ba kamo? Wala ako niyan. Dahil yung laman ng atm ko kaya ko mabili ang lahat ng gustuhin ko dahil kayAndrea.
Si Andrea na nagpalasap sa akin ng masarap na buhay, si Andrea na tanging dahilan kung bakit kaya kong tapatan sa gastusan ang kahit na sinong barkada ko, subalit hindi ko napansin noon na dahil kay Andrea nalimutan kong magtipid at pahalagahan ang bawat sentimos na kinikita ko. Subalit ano nga ba si Andrea sa buhay ko, siya ba ang sumira ng buhay na meron ako o ako ang sumira ng buhay na meron siya. Yan ang bigla na lamang tumakbo sa isip ko ng sandaling magkausap kami ni ms de leon.
"Ok ka lang ba?" sabi ni ms de leon.
"Ahh oo. Ok lang ako. Bakit?" sabi ko.
"Kanina pa aksi ako nagsasalita hindi ka man lang nasagot. Inaantok ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa naman." sabi ko.
"Baka kasi inaantok ka na, baka nakakaistorbo na ako sayo." sabi ni ms de leon.
Nang sandaling yun ay napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob ng bigla ko ilapat ang labi ko sa labi niya.
Kitang kita ko ng biglang manlaki ang mata niya sa ginawa ko, subalit hindi naman niya ako inawat, pero wala din siyang tugon sa halik na ibinibigay ko kahit pilit kong ginagalaw ang labi ko sa ibaba at itaas na labi niya.
Ilang saglit pa na magkadikit ang labi namin ng matauhan na siguro si ms de leon ay bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya bago siya patakbong pumasok sa loob ng bahay.
Ako naman ay napapikit na lang dahil nakaramdam ako ng labis na kahihiyan sa ginawa ko. Alam ko mali pero kinakain kasi ako ng libog sa katawan ko at sa hindi ko maintindihan na parang sa isang sulok ng utak ko may humahamon sa akin kung makakantot ko ba ang babaeng yun o hindi.
Napasindi ako ng sigarilyo ng sandaling yun, dahil hindi kontalaga alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkita kami uli pagka gising niya, nahihiya din ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko.
Dito ko unang nalaman na hindi lahat ng gustuhin ko ay nakukuha ko, nakakatanggap din ako ng rejection.
Ibinalik ko na muna sa tindahan ang mug na hiniram ko bago ako pumasok sa bahay na tinutuluyan namin. Nahiga ako sa sala na ang mga mata ko ay nakatingin lamang sa kisame. Dahil gusto ko talagang humingi ng pasensya kay ms de leon sa nagawa ko. Kaya ng makapa ko ang telepono ko sa bulsa konay agad ko siyang tinext.
"Sorry hindi ko sinasadya. Nabigla lang talaga ako." text ko na halos limang ulit ko sinend sa kanya. Narinig ko pa nga ang tunog ng telepono ni ms de leon ng sandaling yun, subalit hanggang sa makatulog ako ay wala siyang sagot sa text ko.
Hindi ako palaging nagtatagumpay sa lahat ng gusto ko babae, maaaring isa lamang ito sa pangyayari ng rejection sa buhay ko. Ayoko naman isulat lahat ng rejection ko dahil inaalala ko din kayo na masugid na taga basa ko baka sumakit ang ulo niyo sa kakaisip kung paano ko nagagawang maka survive sa mga pinagdadaanan ko.
Tanghali na ng magising ako ng maramdaman ko na may nag uusap na sa paligid ko, hindi ko masyado marinig ang pag uusap nila dahil sa malabo pa ang pandinig ko kapag bagong gising ako.
Kaya pinilit ko na lamang na tumayo mula sa pagkakahiga kahit medyo pakiramdam ko ay kulang pa ang tulog ko. Medyo masakit din ang ulo ko at may kaunting hang over akong nararamdaman.
Isang nakakapanibagong tanghali ng sandaling bumangon ako, dahil ramdam na ramdam ko kung paano ako iwasan ni ms de leon sa loob ng bahay na yun. Nag sisimula na kasi silang mag ayos para sa pag uwi nila. Ako naman ay lumabas na muna sa bahay para bumili ng sigarilyo.
Hindi ko pa halos nauubos ang isang stick ng lapitan ako ng isa sa kasamahan ni ms de leon.
"Phantom una na muna kami, kailangan pa kasi namin dumaan sa school nandun pa kasi yung mga gamit namin. Salamat nga pala. Sana magkita kita uli tayo." sabi ng guro kasama ni ms de leon.
"Ahh sige salamat din." sabi ko.
Sa totoo lang gusto ko pa sana silang samahan hanggang sa maihatid ko sila sa sakayan patungo sa lugar nila, subalit hindi ko magawa dahil alam kong naiilang sa akin si ms de leon sa kagaguhan na ginawa ko sa kanya.
Nang makita ko na malayo na sila ay bumalik na ako sa bahay para nisitahin ang telepono ko, yun nga lang nakapatay ito kaya isinaksak ko muna sa plug, bago ako naligo.
Pagkatapos ko naligo ay nagtungo ako sa may ari ng bahay na maswerte ako nandun din ang kasamahan ko guro.
"Ohh Phantom. Nandyan ka pa pala akala namin nakauwi ka na." sabi ng kasamahan ko.
"Tinanghali lang ako ng gising. Dun sa bahay ko na rin kasi pinatulog yun mga teacher na taga batangas na kasama ko kagabi pero nakauwi na sila. Nandito ako para sana magpaalam na. Babalik na ako sa atin. Maraming salamat sa pagpapatigil sa bahay niyo.
"Naku iho wala yun, anytime bukas ng tahanan ko para sa inyo." sabi ngtita ng kasamahan ko.
Wala pa sakalahati ang charge ng telepono ko ng hugutin ko na ito, dahil kailangan ko na talagang bumalik sa lugar namin. Hindi ko na muna ito binuhay. Nilagay ko na lang ito sa bulsa ko bago ako sumakay sa tricycle at nagpahatid sa terminal na sakayan ng van pabalik sa lugar namin.
Medyo may katagalan din akong naghintay ng ibang pasahero bago umalis ang van. Kaya nagpasya ako kumain na muna sa terminal, dun ko din binuhay ang telepono ko at nagulat ako sa dami ng text na natanggap ko. Ang ilan ay galing sa magkapatid na roxane at rochelle. Sibalit ang iba ay galing sa numero ni ms de leon.
Natatakot akong basahin ang laman ng txt ni ms de leon, naiisip ko kasi baka puro masasakit na salita ang laman ng text niya kaya mas una ko muna binasa ang mga text ni rochelle.
Rochelle text.
1 " Phantom kailan ka uuwi? Miss na kita"
2 " kita tayo pag uwi mo huh"
3 " may balita ako sayo, si ate at brando nag away kahapon. Hindi ko marinig yung pinagtatalunan nila. Ang narinig ko lang pinalayas ni ate si brando. Sa labas lang kasi sila nag uusap."
4 " ui magreply ka naman. Wala ka ba load?"
5 " Phantom tinatawagan kita gusto ka daw makausap ni Faith"
6 " ganun deadma lang?"
Roxane text.
1 " kailan ka uuwi?"
2 " mag usap tayo, pagkatapos ng seminar mo, dito ka sa bahay namin dumiretso"
3 " sumagot ka naman.
Medyo naguguluhan ako sa kung ano ba ang nangyayari sa bahay nila roxane, basta ang alam ko lang ng sandaling yun ay hindi ako kasama sa gulong binubuo ni roxane. Huminga muna ako ng malalim bago ko isa isang binasa ang text ni ms de leon.
Text ni ms de leon.
1 " sorry wala ako load kagabi kaya ngayon lang ako nakasagot. Ok lang yun. Nabigla lang naman ako sa ginawa mo kaya napatakbo ako. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon ko."
2 " bakit parang iniiwasan mo na ako? Hindi mo. Man lang kami hinatid."
3 " ui Phantom galit ka ba? Pinaparing ko ang telepono mo bakit nakapatay.
4 " Phantom nakasakay na kami pauwi sa amin. Sana magkita pa uli tayo."
5 " ok lang kung galit ka. Pero gusto ko lang malaman mo. Ikaw ang unang nakahalik sa akin. Hindjng hindi ko malilimutan ang halik na yun. Sana magkita pa uli tayo."
Sa totoo lang gusto ko ng tawagan si ms de leon ng sandaling yun, subalit sadyang kulang ang charge mg telepono ko, kaya ng subukan ko idial ang number niya ay kusa na itong namatay.
Sobrang naghihinayang ako ng sandaling yun, subalit para saan pa ang manghinayang kung wala na naman ang taong iniisip mo, tyaka isa pa gumana na uli ang kunsensya ko ng sandaling yun. Naisip ko na bakit ako nagkakaganito kay ms de leon. Gayung wala naman akong ibang hangad sa kanya kundi ang matikman siya sa kama, isang kapwa ko guro na pinagtatangkaan ko sirain ang puri. Hindi ako masamang tao, yan ang paulit ulit na itinanim ko sa utak ko ng sandaling yun
Hindi ko na maalala kung gaano ako katagal na bumyahe pabalik sa lugar namin dahil nakatulog na ako sa van, dahil sa lamig ng aircon. Ginising na lang ako ng driver na nasa terminal na kami sa pacita.
Umarkila na lang ako ng tricycle mula sa pacita hanggang sa bahay namin dahil kung sasakay pa ako ng jeep ay medyo mahihirapan ako dahil may dala akong mga bag na ginamit ko sa seminar.
Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa bahay, binayaran ko na ang tricycle bago ako pumasok sa bahay namin.
"Ohh buti at nakauwi ka na anak. Ang mag ina mo naka ilang balik na dito. May importante daw kayong pag uusapan ni roxane." salubong ng nanay ko sa akin na hindi ko na sinagot pa dahil hindi nila alam ang tunay na dahilan ng pag uusapan namin.
Nilagay ko muna ang marumi ko damit sa washing machine para sana labhan, subalit inawat na ako ng nanay ko siya na daw ang mag lalaba. Kaya nanood na lang ako ng tv sa sala. Medyo mahaba din naman ang naitulog ko sa van kaya hindi ako nakakaramdam ng pagod o antok.
Medyo nalibang ako sa palabas sa tv ng sandaling yun kaya indi ko na napansin ang oras ng biglang may batang tumakbo sa akin at yumakap.
"Daddy!!! Saan ka po galing? Bakit ang tagal mo po wala?" sabi ni Faith na habang nakayakap sa akin.
"Ahh ee may seminar kasi si daddy." sabi ko bago ko kalungin at paupuin si Faith sa tiyan ko.
"Namiss ka na namin ni mommy, wala kami katabi matulog kapag gabi daddy. Uwi kana sa bahay natin daddy." sabi ko.
"Ahh ee oo. Pero sino ba kasama mo pumunta dito?" tanong ko kay Faith.
"Ayan si mommy ohh look mo siya." sabi ni Faith bago ituro si Roxanne na nakatayo lang sa may pintuan ng bahay namin.
Ang ayos kasi ng sofa at tv namin sa bahay ay nakaharap sa pintuan namin. Kaya kapag nahaiga ka ay nakatalikod ka sa pintuan. Kaya hindi ko agad nakita si roxane.
"Pwede ba umupo?" tanong ni roxane na parang malat ang boses.
"Aba ano ka ba iha. Hala umupo ka at parang bahay mo na din ito. Bakit ka pa nagpapaalam" singgit ng nanay ko dahil narinig niya ang sabi ni roxane.
"Hello po lola!" bati ni Faith sa nanay ko.
"Hello apo. Kamusta ka naman. Kumain ka na ba?" sabi ng nanay ko bago lapitan si Faith.
"Opo lola kumain na po ako." sagot ni Faith.
"Sama ka muna kay lola, bibili tayo sa tindahan." sabi ng nanay ko dahil alam ko na alam ng nanay ko na may problema kami dapat pag usapan ni roxane.
Masyaa naman sumama si Faith sa nanay ko at alam kong binibigyan lang kami ng pagkakataon ni nanay na makapag usap ni roxane. Subalit hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko kung sakaling ipagtapat na sa akin ni roxane ang lahat. Ang tungkol sa batang ipinagbubuntis niya, ang pakikipag relasyon niya uli kay brando, at ang pag aaway nila na alam ko lahat dahil kay rochelle.
"Phantom pwede ba tayong mag usap?" tanong ni roxane ng sandaling dalawa na lang kami sa sala ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz