Doc, ano po ang percent na makakarecover ang pamankin ko. Tanong ng tita ni Margarette.
70% po ang chance ng pasyente na makarecover, may tinamaan po kasing internal organ kaya po sana magpray din tayong lahat sa mabilis na paggaling niya. Sabi ng doktor at lumakad na ito paalis.Lumulutang ang pakiramdam ko sa narinig kong pahayag ng doktor, naisip ko na sana ako nalang yung nakahiga sa higaan ni Margarette. Naitanong ko rin kung bakit kailangan si Margarette pa ang lumasap ng paghihirap na kinakaharap niya, gayong maraming tao sa mundo ang masasama, bakit hindi nalang ang mga corrupt politician ang maghirap at mamatay sa sakit, bakit si Margarette pa? Bakit kailangan niyang pagdaan lahat ng ito.
Niyakap ako bigla ni Ms Diaz dahil di ko namalayan na lumuluha na pala ako sa lalim ng pag iisip ko.
Kinalas ko ang pagkakayakap ni Ms Diaz at hinawakan ko ang kamay niya, sinama ko siya papunta sa cashier office para makakuha ng kwarto ni Margarette.
Nang makarating kami sa cashier ay kinuha ko ang private room, may kamahalan ito, pero sapat naman ang pera namin ni Ms Diaz para sa dalawang linggong pagpapagaling ni Margarette.
Nasa kalagitnaan kami ng pagbibilang ng pera ng pumasok sa cashier office ang tita ni Margarette.
Mr Phantom ako na magbabayad sa lahat ng gastos sa pamankin ko, sobra na ang pagtulong na ginagawa mo para sa kanya. Sabi ng tita ni Margarette.
Hindi po, kulang pa itong kabayaran, kung hindi po dahil kay Margarette baka patay na po ako, sagot ko.
Please Mr Phantom kahit ngayon lang gusto kong tumayo bilang tita kay margarette.
Wala na akong nagawa pa kaya pinaubaya ko na sa tita ni Margarette ang pagkuha ng kwarto.
Ibinalik rin niya kay Ms Diaz ang perang binayad ko para maoperahan si Margarette.
Huwag ka ng tumanggi Mr Phantom kunin mo na yan,, pero may utang ka sa akin, kapag gumaling si Margarette samahan mo siya sa cebu magbaksyon, isama mo na rin ang girlfriend mo, kapag nagawa mo maitapak ang mga paa ng pamankin ko sa bahay ko, bayad ka na sa utang mo. Sabi ng tita ni Margarette.
Napaka simple ng kahilingan niya, pero hindi ko alam kung magagawa ko ba ang gusto niya.
Lumipas ang ilang araw kami nalang ng lolo ni Margarette ang nagpapalitan sa pagbabantay sa kanya.
Dumalaw rin ang team mates niya sa hospital subalit Hindi pa rin nagigising si Margarette.
Patuloy rin ang mga check up ng nurse sa kanya, madalang lang siyang punatahan ng doktor, pero maganda naman daw ang recovery sa katawan ni Margarette..
Pang apat na gabi na ni Margarette pero hindi pa rin siya nagigising.
Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ng kama niya, pinagmamasdan ko ang inosenteng muka ni Margarette, isang bata na maagang humarap sa miserableng buhay, muntik nang maligaw ang landas dahil sa mga pangyayaring hindi niya lubos na maunawaan, isang malambing na bata na naging lion dahil sa mga pagsubok sa buhay, kung kailan naman niya piniling magbago saka naman dumating ang trahedyang ito.
Nakatulog ako sa tabi ng kama ni Margarette ng Hindi ko namamalayan, dahil na rin siguro sa pagod na pabalik balik ako sa pagbili ng mga gamot niya, medyo nasa itaas na palapag kasi ang kwarto ni Margarette kahit pa sabihin may elevator nakakapagod pa rin.
Nagising nalang ako ng maramdaman kong may humahagod sa buhok ko, minulat ko ang mga mata ko habang nakayuko ako sa tabi ni Margarette, nakita kong naka mulat na ang mga mata niya at nakangite siya sa akin.
Sir!! Bakit diyan ka natutulog? Ayun ang sofa ohh, sasakit lang leeg mo diyan. Sabi ni Margarette.
Mabilis akong napabangon ng marinig ko siyang magsalita, halong pagkagulat at kasiyahan ang nadarama ko ng muli ko masilayan ang mga ngiti ng batang nagligtas sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
Teacher
Romance- WARNING MERONG PART NA SPG ANG KWENTO NA TO AT PARA LAMANG TO SA 18+ AT OPEN MINDED READERS - TAKE NOTE HINDI PO SAAKIN ANG KWENTO NA TO =) AUTHOR - PHANTOMBLADE LINK: bit.ly/3RTavoz