Prologue

11 2 0
                                    

Habang naglalakad ako papasok ng school ay nagtataka ako sa mga estudyante na nagtitipon sa kilid ng isang building, yung iba ay may hawak pa na guitara. Anong meron? bagong event na naman ba ng school?

Dahil ayaw ko na mag aksaya ng oras ay naglakad nako papunta ng building namin dahil malapit na rin na mag start yung first sub ko. Habang nag lalakad ako ay nakasabayan ko si Kiana at Jillian, mga kaibigan ko.

"Anong meron sa kabilang building?" tanong ko dahil baka may alam sila na hindi ko alam.

"Audition para sa band presentation ng bawat strand, gusto mong maging singer?" Singer? tsk panira ng time management ko yan eh daming echos pa ng event na yan baka hindi nako makapag aral ng maayos.

"Ayoko Kiana baka si jillian maganda naman boses niyan" 100000% na maganda boses ni jillian kaso nga lang mahiyain

"Ayaw ko rin dami ko pang hindi natapos sa Basic cal eh pero nuod tayo ng audition mamayang lunch."

Pagkatapos ng usapan na yun pumunta na rin kami sa mga classrooms namin dahil ako at si jillian ay magkaklase at si kiana naman nasa kabila lang. Habang nag tuturo ang mga teacher namin ay naisisingit talaga nila ang mga magaganap sa parating na event at isa na nga dun yung band presentation. Ramdam ko yung titig ni jillian kapag nasasabi ng teacher namin yung band presentation, she really knows how i love music kaso sobrang nakaka stress ng sched ko eh.

Maraming ganap sa first and second sub namin pero buti nalang di nag bigay ng assignments yung teachers namin kaya tuloy yung panunuod namin ng audition. Tinapos lang namin na kainin yung baon naming lunch bago pumunta sa building kung saan magaganap yung audition para sa band presentation.
Pagkarating pa lang namin dun ay ang dami ng tao sa labas at lahat sila may kanya- kanyang hawak na guitara dahil sa pagkakaalam ko yung ibang instruments na gagamitin ay galing sa music room maliban sa guitara.

"STEM strand pls be ready" sabi nung teacher kaya lumapit na rin kami sa harap para makita namin yung mag audition para sa strand namin

Bawat strand dalawang band yung kailangan mag audtion para may pagpipilian yung mga teachers.

"Owemjiii sana magaling yung mapipili satin!" ang tinis ng boses ni jillian masakit sa ears, buti nalang di sinabayan ng tawa.

"Girl for sure magaling yan, oh ano Ciara may gwapong lead guitarist ka na bang nakita?" hayuf na kiana bakit ako talaga? aba di porket single ako, ako na palagi yung target dito.

Di na lang ako umimik at nanuod nalang sa unang nag audition para sa strand namin. Okay naman yung performance kaso walang energy yung lead guitarist at yung drummer sana hindi rin ganyan yung second na mag aaudition.

Habang nag iintay sa susunod na mag audition ay nakuha ng isang lalaki ang atensyon ko. May hawak siyang electric guitar na kulay cerulean. Halata na guitarista talaga dahil sa ayos palang dinaig niya na yung iba.

"oh ano Ciara titig na titig ah!"

"Ingay mo kia." gsgo ba't nahalata?

"Sus yung may hawak ba ng electric guitar na parang may shade ng blue green?" tanong niya kaya tumango nalang kasi wala namang kwenta kapag mag sinungaling eh.

"Akong bahala sa name niyan later Cia!" shyttt eto na, walang makakapigil sa babaeng to eh.

"Jill wag na, di naman ako masyadong interesado eh."
di naman talaga busy ako sa acads eh

"Di jill kunin mo later ha para kay ciara pero kung di mo makuha ako na ang bahala" yan na naman tayo, ako na naman yung nakita

Nang mag simula na yung mag aaudition ay tsaka lang tumahimik yung dalawa at ako naman nanunuod lang pero di ko inasahan na yung kinanta nila ay yung Pasilyo, fav ko yun eh.

"Mayyy isang babaeng tulalaaaaa ahhhhh" kanta ni kiana pero di ko parin siya pinansin.

Nakatuon parin yung atensyon ko sa lalaking yun dahil siya yung kumanta habang nag giguitara, ang galing niya at nakakamangha yung boses niya.

Makikita mo rin sakanya na sobrang saya niya sa ginagawa niya kaya di nako mag tataka kung siya ang mag rerepresent sa strand namin na Stem.

Aaminin ko boses palang yata hulog nako....

May makakasira na yata sa acads first ko ehhh.

Nang matapos sila ay nag aya narin akong bumalik ng room dahil baka di ko matiis at ako na mismo yung mag tanong ng pangalan.

"ahh Ciara mauna kana may pupuntahan pa kami." sabi ni jillian for sure may agenda na naman tong dalawa

"Balik kayo kaagad ha." ayoko ng sumama sakanila eh.

Pagkabalik ko ng room ay umupo lang ako sa seat ko at naisip ko na naman yung lalaking yun.

Bakit ba kasi ang ganda ng boses mo!!

Bakit ba kasi ang gwapo mo!!!

Hays.

"Dyn Marc Sanchez pangalan ng iniisip mo."  nagulat ako, akala ko kung sinong bumulong sakin nun si kiana lang pala kasama si jillian na nagpapacute!

Hayuf eto pala yung pupuntahan nila kanina?

pero ang ganda ng pangalan....

Dyn Marc Sanchez?

Rock of LoveWhere stories live. Discover now