Chapter 33

2 2 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas simula nung nag propose si Dyn at sinagot ko. Sa ilang buwan na lumipas ay never niyang pinaramdam saakin na hindi kamahal mahal. Parang bumalik lang kami sa dati, palagi niya akong pinapasaya, inaalagaan kahit ang totoo ay pagod na rin naman siya minsan kung umuwi. Palagi niyang inaalagan ang anak namin, naglalaan siya ng oras para sa pamilya namin. Kung hindi lang hadlang ang kasikatan niya siguro ay nakalabas na kami ng buo. Nakagala na siguro kami kahit saan namin gustong pumunta. Lalo na ngayon at nag aaya silang dalawa ni Dyniara na mag beach daw.

Ayaw ko sana silang pag bigyan kaso minsan lang to at nangako naman si Dyn na hindi masyadong matao ang resort na pupuntahan namin.

" Pupunta daw sila Zywren at Kiana dito." Sabi ni Dyn, Nag aayos kasi ako ng gamit sa kwarto ng hotel na kinuha namin dahil kakarating lang namin.

"Di sasama si Jillian?" busy yata ang babaeng yun.

"Di mo alam love? Nakipag kita daw kay Jeremiah." ha? jeremiaha? Sino y--- gsgo yung president namin noon?

"Yung president ng room namin noon?" Gsgi crush na crush yun ni Jillian eh.

"Yup, kaya daw baka kinabukasan nalang siya." Buti naman at sa wakas nag kita na sila, sobrang crush ni Jillian yun eh kung pwede nga lang ay baka sinundan niya na yun sa U.P

Pagkatapos kong mag ayos ay nag bihis na kaagad ako, payag naman si Dyn na mag two piece pero pinatungan ko naman ng white dress. Pagkalabas ko ng Cr ay nakita ko yung mag ama ko na naka upo sa kama at nagpapalagay ng sunblock si Dyniara, ang arte arte ng anak namin buti nalang kinaya niya.

"Ikaw din love?" alok ni dyn kaso tinanggihan ko dahil nakalagay na ako.

"Tapos nako eh."

"Nasa kabilang room si Kiana at Zywren ayaw daw nila na makihati dito, bababa narin tayo para sa lunch."

Kagaya ng sabi niya ay bumaba narin kami kaagad para sa lunch at nakita namin na nag aantay na pala yung dalawa sa loob ng restaurant.

"Ba't di pa kayo pumasok?" Ang iniy init kasi sa labas.

"Hinihintay namin libre ni Dyn." Napatawa nalang si Dyn sa sinabi ni Kiana.

"Sige na pasok na kayo." Pagkasabi nun ni Dyn ay nauna kaagad pumasok si kiana. Si Dyniara naman ay buhat ng ama kaya di nakatakbo.

Pagka upo namin ay kinuha na kaagad yung order namin, puro seafoods na may konting kanin. Ilang minutes lang naman ang hinintay namin at dumating na rin kaagad.  Susubuan ko na sana si Dyniara ng inunahan ako ni Dyn.

"Ako na love, kumain ka lang diyan" di na ako nakipag talo dahil masarap yung sauce nila.

Siguro manghihingi na rin ako kay Dyn ng pangalawang anak. Napapansin ko kasi na ayaw na sakin ni Dyniara kahit sa pag tulog gusto niya katabi si Dyn eh pano naman ako? Napaka unfair na neto ah.

"Wala kayong planong sundan si Dyniara?" tanong ni Zywren sa kalagitnaan ng pag kain namin. Isa ka talagang hulog ng langit at nababasa mo ang isip ko Zy!

"Dipende kay Ciara, siya naman kasi yung mag bubuntis eh..." alanganing sagot ni Dyn

"Meron." sagot ko habang kumakain, pansin ko kaagad ang pag lingon ni Dyn.

"Ha?" di pa naman siguro binge to.

"Nawawalan nako ng kakampi, ayaw ng sumama sakin ng anak ko. Kailangan ko na nga talagang sudan." Akala niya yata ay nag bibiro ako.

Seryuso ko siyang tinignan para iparating na rin sakanya na hindi ako nag bibiro, kahit mamaya pa eh kung gusto niya. Pero syempre yun ang joke baka di na tayo makapag swimming kinabukasan.

"Love, wag ka namang mag joke." Kanina pa kami nakatapos kumain at panay ang sunod ng sunod niya saakin dahil baka daw nag jojoke lang ako.

"Di nga ako nagbibiro pero syempre pagkatapos ng kasal." Advance ako mag isip eh kahit di pa to nag pro-propose ay kasal na kaagad ang iniisip ko, Aba di na kami bumabata pa!

"Di mo talaga babawiin yung sinabi mo?" tanong niya pa habang nakayakap sakin.

"Anong babawiin ko eh gusto ko nga." kulit neto sa iba nalang kaya ako mag paanak?

"Sabi mo eh." Nakangiti pa yung loko, may binabalak eh.

Nasa pool kami ngayon at ayaw maligo sa dagat ng anak namin, Naka upo lang ako habang naka babad sa tubig ang paa ko habang si Dyn naman ay tinuturuang lumangoy ang anak. Kailan pa kaya sila mapapagod kakalangoy? Ako na nakatingin lang sakanila ay napapagod na nga eh.

"Ayaw mo pang maligo love?"

"No daddy wag mong ayain si mommy." Kita mo! sila nalang kaya ng daddy niya ang ipapakasal ko. Nagkaroon nga ako ng kaagaw anak ko naman.

Natawa naman si Dyn sa anak, di niya yata nakitang naiinis ako. Hanggang sa pagbalik namin sa kwarto ay ng aasar pa siya eh. Kung di ko lang talaga anak si Dyniara ay pinatapon ko na to.

Di ko alam na nakatulog na pala ako, pag gising ko wala pa yung mag ama ko sa tabi ko at si Kiana ang nakita ko.

"Buti naman at gising kana mahal na reyna." ginagawa ng babaeng to dito?

"Ba't ka nandito?"

"Mag ayos tayo, suotin mo tong white na dress kasi dapat maganda ka. Mag pipicture tayo para naman sulit behh!" Pinakita niya pa saakin ang dress na hawak at ang bag na puno ng make up.

Magrereklamo pa sana ako ng pinatayo niya ako at tinulak papuntang Cr kaya ginawa ko nalang kung ano yung gusto niyang gawin ko. Pagkalabas ay pinaupo niya kaagad ako at sinimulang ayusin ang buhok ko at sinunod yung make up.

"Pls wag dark kiana alam mong ayaw ko nun." Baka isipin ng mga tao na naligaw ako.

"Oo na, manahimik ka nalang diyan at malapit ng matapos." Napaka seryuso niya eh kahit sa pag lagad ng lipstick ko ay naka kunot yung noo niya.

"Yan tapos na suotin mo nalang yun white sandals tapos gora na tayo." Inayos ayos niya pa ang camerang gagamitin niya daw.

Pagkalabas namin ng hotel ay todo hatak naman tong si kiana at di na ako nag reklamo kasi naman di ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Yan dyan, umawra ka." Sinunod ko naman yung sinabi niya kahit nag mumukha na akong baliw.

"Kunwari inaakit mo si Dyn dali!!" sunod ng sunod lang ako sa lahat ng utos niya kahit di ko naman talaga alam kung anong trip niya sa buhay.

"Umayos ka ng tayo at tumingin ka kunwari sa ulap." ginawa ko naman at pagkatingin ko ay may dumaan na helicopter at may nakasabit na. WILL YOU MARRY ME.... teka? naguguluhan naman akong tumingin kay kiana pero di si kiana ang nakita ko. Si Dyn na nakaluhod kasama nag anak namin na may dalang bulaklak na nakangiti.

"Wag kang umiyak masyado papangit ka sa picture!" sigaw ni kiana pero di ako nakinig dahil mas sunod sunod ang pagpatak ng luha ko sa sobrang saya

" Ciara.... I prepared this proposal for almost a month. Hindi ako nag propropose sayo para masundan natin si Dyniara. Ginagawa ko to kasi mahal kita at gusto kong tuparin ang pangako ko. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama pang habang buhay. Please marry me Ciara..." kahit siya ay naiiyak narin eh.

"Please marry my daddy, mommy. We love you po." Sabi pa ng anak ko habang inaabot saakin ang bulaklak kaya tinanggap ko na.

"I will marry you Dyn.... " di na ako makapag salita, ang dami kong gustong sabihin pero ni isa walang lumabas sa bibig ko.

Nilagay niya ang singsing sa kamay ko at hinalikan ako sa labi, kita ko kung paano takpan ng anak ko ang mga mata niya. Sa wakas di niya ako binigo sa pangako niyang papakasalan ako.

Rock of LoveWhere stories live. Discover now