"Sigurado ka ba diyan?"
"Di ka na magdadalawang isip?"
"Baka gusto mo pang umatras mag sabi ka lang."
Yan kaagad ang mga naririnig ko sa mga kaibigan ko ng sabihin ko sakanila ang plano kong umuwi na ng Pinas.
"Oo sigurado na ako at hindi ako aatras." Sabi ko sakanila kasi ilang taon na rin naman ang nakalipas.
Nang mag file ako ng resignation letter ay kaagad din silang nag pasa nun kasi iisang hospital lang naman ang pinagtrabahuhan namin.
Habang busy ang lahat sa pag aayos ay nilibot ko na ang buong bahay para wala kaming maiwan na mahalagang gamit dito sa bahay dahil mamayang gabi na ang flight namin. Si Kiana yung nag book kaya gabi pero kapag si Jillian ang nag book ay sure akong umaga, marami kasing pinagkaiba yung dalawa eh.
"Did you already pack your things anak?" Tanong ko kay Dyniara ng makita ko itong naglalaro sa sala.
"Should i pack my toys mom?" Nagdadalawang isip pa yata to kung isasama niya yung mga laruan niya pero kasi di naman niya kailangan ang mga yan kapag uuwi ng pilipinas dahil makakabili pa naman kami niyan.
"Just one anak yung favorite mo nalang. Bibilhan nalang kita dun okay?"
"Okay mom!" Pinili niya kaagad yung parang unan na si belle, regalo ko sakanya nung nag birthday siya nung nakaraan.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagpahatid na kami sa tita ko sa airport dahil di namin pwedeng dalhin yung sasakyan. Nagpasalamat kaagad ako sakanya sa pagpapatira niya saamin sa bahay niya at sa pinahiram niyang sasakyan. Lahat ng yun pinasasalamatan ko sakanya kasi ni isang kapalit ay wala siyang hiningi saamin.
"Sige na iha mag ingat kayo ng anak mo at kung babalik kapa dito ay bukas ang tahanan ko para sainyo ng mga kaibigan mo."
"Maraming salamat ho tita!" Pagpapasalamat ng tatlo sakanya.
Hinalikan ko siya sa pisnge bago kami pumasok sa loob ng airport para pumila na. Pagkalipas ng ilang oras ay sa wakas makakasakay na kami ng eroplano. Business seat kaming lahat kasi baka mahirapan ako dahil may dala pa akong bata.
"Do you want to sleep baby?" tanong ko sa anak ko dahil mukhang inaantok na ito.
"No mommy, i want to watch the night sky po" Eh ano namang i wawatch niya diyan? eh puro dilim lang naman ang makikita niya diyan.
Di na ako kumontra pa sa anak ko dahil baka mag pasaway na naman eh atsaka first time niya to kaya hayaan na mag enjoy. Pero pagkalipas lang ng ilang minuto ay nakatulog na ito sa seat niya, di na nga siya naka kain eh dahil ayokong maistorbo yung mahimbing niyang tulog.
Yung tatlo naman ay feel na feel nila yung pagkain at wine nila, may pa selfie pa silang nalalaman at sure akong kinabukasan ay pakalat kalat na ang tatlo sa social media. Meron naman akong facebook at instagram pero mukha lang ni Dyniara ang makikita dun, meron din naman akong picture pero kaunti lang mas lamang parin yung mga picture ng anak ko lalo na kapag nag bibirthday.
Panay hikab na rin ako kaya di ko na napigilan ang matulog, napahimbing yata ang tulog ko at nagising na lang sa tawa ng anak ko. Tawang tawa siya sa pinapanood niya habang kumakain. Siguro binigyan ng isa sa tatlo ng pagkain.
"Oh mommy you're awake!" hinalikan niya kaagad ako sa labi pero kaagad din namang bumalik ang atensyon niya sa pinapanood.
"Napahimbing yata tulog mo Cia, malapit na tayo sa pilipinas." Sabi ni kiana, siya lang yung gising dahil si Zywren at Jillian ay tulog din.
"Ikay yung nag pakain dito?" tinuro ko kaagad ang anak ko. Tumango naman siya bago sumagot.
"hmm nagugutom na daw eh." Panong di magugutom eh hindi naka kain kanina.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagising na rin yung dalawa dahil papalapag na yung eroplanong sinasakyan namin.
"Oh my god mommy where here na!" excited na excited yung anak ko habang ako naman ay kinakabahan.
Pagkalipas ng ilang taon ay nakabalik na nga ako sa tunay kong tahanan. Pagkababa namin ng eroplano ay langhap ko kaagad ang sariwang hangin at nanumbalik saakin ang lahat at masasabi ko nga na nakauwi na ako.
Pagkatapos naming kuhanin yung mga gamit namin ay hinanap na kaagad namin ang mga magulang namin. Actually yung tatlo lang kasi balak kong surpresahin yung mga magulang ko na walang ka alam- alam.
Nang makita na ng tatlo yung sundo nila ay kaagad naman silang nag paalam. Ayaw pa nga sana nilang umalis dahil maiiwan kaming dalawa ng anak ko pero ang sabi ko ay kanina pa ako tumawag ng taxi.
Habang nasa taxi kami ay panay turo ng turo ang anak ko. Marami kasing pinagkaiba dito keysa doon sa kinalakihan niya.
"Mommy look at that, he's so handsome!" Sigaw niya kaya agad naman akong napatingin sa tinuro niya.
Si Dyn, siya yung tinuro ng anak ko. Naka billboard at pinapaligiran siya ng mga kasamahan niyang singer. Napatitig ako sa mukha niya, maraming nag iba.
"Mom, i wanna meet him someday!" mukhang idol na idol na kaagad siya ng anak niya. Sad to say di niya alam na may anak siya.
"Someday anak.." baka sa susunod ay magtagpo na ang landas niyo.
Malayo na nga ang naabot niya dati kasi pinangarap niya lang na maging singer at hangaan ng mga tao pero ngayon halos ilang milyong tao na ang sumusuporta sakanya at hinahangaan siya, dati kasi ako lang mag isa yung sumusuporta sakanya ngayon marami na. Sayang nga lang at napagod ako samantalang siya di na masaya.
Pagkarating namin sa bahay ay kaagad kong binayaran yung taxi. Ang anak ko na sobrang excited ay lumabas na kaagad samantalang ako hirap na hirap pang kuhanin ang lahat na gamit namin buti nalang tinulungan ako ni manong.
"Knock na anak." utos ko sakanya dahil sabi niya kasi kanina ay siya daw ang kakatok.
"What should i say mom? Trick or treat?" may balak pa yatang mang prank ang anak ko.
"Whatever you like anak."
Agad naman siyang pumunta sa pinto at kumatok ng tatlong beses bago sabihin ang trick or treat.
"Wala pang november!" sigaw naman ni mommy na ikinatawa naming dalawa.
"Should i do it again mom?"
"Yes anak" hanggang sa lumabas yung lola mo gawin mo HAHAHAHHA
"Trick or treat!!" malakas na sigaw ng anak ko
"Sabing wala pa ngang november aba nagmamadali yata kay---" dami niyang sinasabi pero napatahimik kaagad ng makita niya kami.
"Hi mom!"
"Hi mommyla!" gaya ng anak ko
"O-oh my!! Ciara anak! sa wakas umuwi kana!" Niyakap niya ako kaagad at kita ko si daddy na binuhat yung anak ko na tawa lang din ng tawa.
"It's nice to see you here anak." sabi ni daddy saakin.
"Yeahh it's nice to be here dad."
YOU ARE READING
Rock of Love
Teen FictionThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...