Kakatapos lang ng duty ko, nakakapagod ang araw na to para sakin napaka daming patient ang iba ay walk in pa kaya buong araw ko ay nakaharap nalang ako sakanila. Paalis na ako ng hospital ng makita kong may ambulance na paparating, out ko na kaya di na ako bumalik pa ,siguradong may doctor narin na naka abang sa loob.
Habang nag mamaneho ako ay ilang tawag na ang nareceive ko at di ko masagot dahil nga sa nag mamaneho pa ako. Akala ko nga mag sstop na yung tawag pero hindi parin ng tinignan ko ang caller ay yung tatlo lang pala. Nagpaparamihan sila ng missed call kaya sinagot ko na ang tawag ni Zywren dahil tamang tama na siya yung tumawag ng tignan ko yung phone ko.
"Hello Zy? sabi ko kaagad pagkasagot ko nang tawag.
"Nasan ka?" parang may iba sa boses niya. Parang kinakabahan na may halong pagaalala
"Nagmamaneho pauwi, bakit?"
"Bumalik ka muna sa hospital." yun lang naman yung sinabi niya at binaba kaagad yung tawag.
Dahil masunurin ako ay bumalik na rin kaagad ako dahil baka may emergency at kulang sila dun. Pagkabalik ko ay nakita ko sila sa Emergency room at puro mga kabado ang mukha.
"Anong ginagawa niyo rito?" Napalingon naman sila kaagad saakin, si jillian di na yata napigilan at umiyak na kaya bigla nalang akong kinabahan.
"Yung anak mo...." Ha? Anong nangyari sa anak ko?
Kumalma ka Ciara nasa school ang anak mo at walang kahit anong galos.
"Nasa school si Dyniara bakit?" pinapatibay ko ang sarili kahit hindi na maganda ang kutob ko.
"Uwian na nila kanina pa at.....nabangga siya." Pano nangyari yun? impossibleng mabangga ang anak ko!
Bigla akong nawalan ng balanse at napahawak na lang sa upuan na nasa tabi ko. Panong nabangga? At bakit anak ko pa?!
"Nasan ang anak ko?" Hindi ako pwedeng panic dahil hindi yun nakakatulong. Kahit mag wala o mag panic pa ako dito ay di nun magagamot ang anak ko.
"Nasa loob ng emergency room. Si Doctora Santos ang gumagamot sakanya." Buti nalang at may tiwala ako sa doctor na yun.
"Ano ba kasi talaga ang nangyari?" naiiyak na tanong ko.
"Uwian na daw kasi nila at biglang tumawid yung bata dahil gusto daw bumili ng cotton candy, di na niya nakita ang papalapit na sasakyan" Bakas sa boses ni Zywren ang pag aalala. Simula nung dumating ako ay siya lang ang nakakausap ko dahil sumabay na rin sa pag iyak si kiana.
Di ko inaasahan na dahil lang sa cotton candy ay nabangga yung anak ko. Hindi ko naman mapapagalitan yung bata dahil palagi talaga siyang na eexcite kapag may nakikitang mga gamit na makukulay. Ang akin lang sana di malala yung epekto ng pagkabangga sakanya dahil di ko talaga kakayanin.
Iyak lang ako ng iyak sa tabi hanggang sa lumabas na si doctora sa emergency room.
"Doctora Santos kamusta ang anak ko?
"Dra. Millado ililipat ang anak mo sa ICU at kailangan niya rin ng blood dahil nauubos na yung dugo niya sa katawan, sad to say nagkakaubusan na ang stocks natin ng AB negative. Maiwan na muna kita."
Kung kanina ay hindi pa ako nag papanic ngayon naman ay parang gusto ko nang sumigaw sa pag aalala sa anak ko. Wala masyadong AB negative dito sa hospital, san ako kukuha nun? eh A positive ako. Namomroblena na ako!
"Cia O positive ako..." sabi ni jillian
"Ako rin Cia." Pagkasabi nun ni kiana ay napatingin ako kay Zywren siya nalang ang nag iisa kong pag asa.
"Hindi kami magka blood type pero may kilala ako." Pagkasabi nun ni Zywren ay agad akong tumayo at inayos yung mukha kong kagagaling sa pag iyak.
"Sino? sabihin mo kahit ilan o magkano pa yan ay mag babayad ako." kahit ilang milyon pa yan kung buhay naman ng anak ko ang maliligtas.
"Wala kang babayaran Cia, lakas lang talaga ng loob ang kailangan mo."
"Kahit ano pa yan Zywren basta ibigay mo lang sakin ang pangalan at address handa akong puntahan kahit ngayon na kaagad." Desidido na ako basta may makuha lang ako na dugo para sa anak ko.
"Si Dyn... magka blood type sila ng anak mo. Nasa taping siya ngayon malapit lang dito. Pupuntahan mo parin kahit ang kapalit nun ay malalaman niyang anak niya si Dyniara?" Kung yan lang ang tanging paraan para mailigtas ko ang anak ko ngayon palang hinaharap ko na si kamatayan.
"Pupuntahan ko."
Wala na akong sinayang na oras at agad akong tumakbo papunta sa kotse ko. Habang nag mamaneho ay pinapractice ko na kung anong sasabihin ko. Kinakabahan ako pero para sa anak ko gagawin ko. Bahala na kung magalit siya o ano basta ang akin lang yung dugo niya kung di niya kayang ibigay bahala na sapilitan kong kukunin para lang sa anak ko.
Pagkarating ko sa place kung saan ginaganap ang taping nila ay di na ako nag ayos bahala na kung kumalat ang make up ko kakaiyak kanina. Yung mga pinapractice ko na lines kanina ay nakalimutan ko na dahil bahala na kung ano man ang lumabas sa mga bibig ko, wala akong pagsisisihan basta mapapayag ko lang siya.
"Nasan si Mr. Dyn Marc Sanchez?" tanong ko sa mga staff na kanina pa ikot ng ikot
"Bawal po kaming mag papasok ng fans ma'am" Nagmamadali na ako!
"Hindi ako fans please nakikiusap ako gusto ko lang siyang kausapin." Nagmamakaawa na ako kaya sana naman papasukin niyo na ako
"Ay ma'am wag po kayong manggulo dito. Umalis na po kayo busy na rin po kasi si sir Dyn." Kahit ilang minuto lang bawal ba talaga? tsngna naman siya lang ang natitirang pag asa ko eh. Aalis na sana ako ng biglang may nag salita.
"Anong nangyayari dito." Agad akong napalingon sa nag salita at ganon nalang ang saya ko ng makita si Dyn. Para narin akong tanga dahil ang mga luha ko unti unti na namang nag bagsakan.
"Kasi po sir si---" di na pinatapos ni Dyn ang babae at pinaalis na ito.
"Sige na umalis kana ako ng bahala sakanya." Di pa sana papayag yung babae kaso wala nang magawa.
"what's happening to you Ciara" Nagaalalang tanong niya saakin kaya mas lalong lumakas ang iyak ko.Kahit ngayon lang bigyan niyo naman ako ng lakas!
"Dyn... nakikiusap ako.." mas lamang pa yata ang bawat hikbi ko keysa sa mga salita na gusto kong ilabas.
"Huminga ka muna. Ano ba talaga kasi ang pinunta mo dito?"
"D-doctor ako Dyn... pero di ko kayang sagipin ang anak ko." Hindi niya inaasahan ang bigla kong pag luhod sa harapan niya. "Nakikiusap ako sagipin mo ang anak natin!" Kahit ngayon lang pag bigyan moko. Di ko na kaya! di ko kakayanin na makitang nahihirapan ang anak ko!
"Tumayo ka diyan. Nasan ang sasakyan mo?" agad naman akong tumayo at tinuro sakanya ang sasakyan ko. Akala ko papaalisin niya ako pero sumakay siya dun kaya sumunod na ako.
"Kailangan niya ng dugo....maibibigay mo ba sakanya?" Kita ko kung paano humigpit ang paghawak niya sa manibela ng sasakyan.
"Kahit puso ko pa ay kaya kong ibigay sakanya Ciara." Napatahimik na lang ako ng dahil sa sinabi niya.
Ang ipinagtataka ko lang kung bakit di siya nag taka na may anak kami. I mean di naman nagkakalayo ang mukha nilang dalawa ni Dyniara pero bakit di man lang siya nag tanong?
YOU ARE READING
Rock of Love
Fiksi RemajaThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...