"Mom... when can i meet my dad?" Tanong ng anak ko habang inaayusan siya ni Dyn, kahit si Dyn ay natigilan na rin sa tanong ng anak niya. Di ko pa kasi pinakalala si Dyn sa anak niya bilang Ama. Buong akala ng anak ko ay nandito si Dyn dahil pinatawag ko kasi idol niya.
Ilang araw ng gising si Dyniara at ilang araw na ring nandito si Dyn. Pinacancel niya daw yung movie dahil kakasimula pa lang naman daw yun at gaya nga ng sabi niya ay babawi siya sa anak niya kaya di daw muna siya tatanggap ng kahit anong projects.
"Why do you want to meet your dad anak?" Napaupo sa gilid si Dyn habang hinihintay ang sagot ng anak.
"I saw my classmates mommy, their daddy fetch them after school. I hope my dad can do that too." Malungkot na sabi ng anak ko. Minsan kasi ay hindi ako yung sumusundo sakanya dahil sa trabaho ko di ko na alam na ganto na pala yung nasa isip niya, mukhang tama nga ako ng desisyon sa buhay.
"What if your daddy picks you up after school too? but of course when you are out of the hospital na. What will be your reaction?" Agad namang napaisip ang bata siguro eto na talaga ang time na makikilala na niya ang ama.
"Of Course i will be happy mom!"
"How about you meet your daddy today?" sabi ko anak ko at sinulyapan ko kaagad si Dyn na kinakabahan sa kilid. Di naman siya kakainin ng anak pero kung kabahan akala mo naman lulunukin ng buo eh.
"Really mommy?" di ko pa nga sinasabi kung sinong ama sobrang saya na pano pa kaya kapag sinabi ko na yung idol niya yung ama niya.
"Did you hear that Mr.handsome guy? I will meet my Daddy!" pagmamayabang niya pa di niya alam daddy na niya kausap niya.
"Anak i have one question." Napatingin naman kaagad siya saakin at nag hihintay ng susunod kong sasabihin kaya tumayo ako at pumunta sa pwesto ni Dyn.
"What if this man.... is your dad?" akala ko sasabihan niyang nag jojoke ako pero nagulat ako sa biglang pag iyak ng anak ko kaya pati si Dyn ay nataranta narin.
"Hey love? You okay?" tanong ko sa anak ko dahil baka nabigla siya sa mga sinabi ko. Kita rin sa mukha ni Dyn yung lungkot at kaba baka iniisip niya na ayaw siya ng anak niya.
"I-im so happy mommy!" umiiyak kasi masaya, akala ko kung ano ng nangyari sakanya.
"Then face your daddy na." She wiped her tears bago humarap sa ama.
"Daddy?" tawag niya sa ama at kitang kita ko kung paano magsihulog ang mga luha ni Dyn sa mukha niya.
"Hey love.... i-i'm sorry" at ayun nag iyakan na ang mag ama. Pero pinatahan na rin niya kaagad ang bata dahil baka makakasama pa ito.
"Daddy's here...I will not leave you anymore... i love you my princess." Karga na ni Dyn ang anak at paulit-ulit na pag hingi ng tawad sa anak ang naririnig ko kahit ang totoo ay kasalanan ko naman kung di niya alam na may anak siya.
Iniwan ko sila sa kwarto at lumabas muna para magpahangin. Naiiyak ako eh, di niya man lang ako sinisi kung bakit biglang nawalan ng ama ang anak niya dahil para sakanya kasalanan niya. Di man lang niya ako tinanong kung paanong naging anak niya si Dyniara kung sa pagkakaalam niya ay walang nangyari saamin. Pero mag tataka pa ba siya? Pangalan at mukha pa lang ng anak niya meron na siya partida pa na magkapareho yung dugo nila.
Yung tatlo ay kinausap na rin si Dyn. Nagulat pa nga siya na kahit si Zywren ay kasama ko pala ng ilang taon at syempre di mawawala ang galit ni Kiana. Lahat naman yun ay sinalo ni Dyn at humingi rin siya ng tawad sa tatlo. Eh sakin kailan ba siya hihingi ng tawad?
Punong puno ang utak, di ko na alam kung saan ko pa ba to ilalabas. Sabi ko di na ako mag sstay sa past pero bakit gusto kong makarinig ng kahit isang sorry galing sakanya? Iyak lang ako ng jyak hanggang sa may napansin akong umupo sa tabi ko kaya inalis ko kaagad ang mga luha sa pisnge ko.
"Nakatulog siya kaya iniwan ko muna para puntahan ka." Di ako nag salita, nakatitig lang ako sa buwan habang ang lalim parin ng iniisip.
"Ciara mapapatawad mo pa ba ako sa kabila ng nagawa ko?" Kanina lang ay puno ang isip ko tungkol sa pag hingi niya ng patawad, ngayon na sinisimulan na niya mag tanong wala na akong maisagot.
"Wala ka namang kasalanan, di ka lang talaga sumaya." yun naman ang totoo eh.
"Di yun totoo." agad akong napalingon sakanya, nag hihintay ng susunod na sasabihin.
"Maniwala ka man o hindi ay ni minsan hindi totoong di ako sumaya sayo. Nung pumunta ako nang baguio palagi akong nag sesend ng message sayo at pinaglalaanan ko ng oras ang pagbabasa ng update mo. Unang beses na nahuli ako warning lang ang natanggap ko yun yung pagkuha nila ng phone ko. Pangalawang beses ay binasag na nila yung phone ko dahil di na ako makapag focus kasi ikaw palagi ang laman ng isip ko nun eh." Ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko at nakikinig lang ako sakanya.
"Bago umuwi nun ay sinabihan ako nila na iwan ka, hiwalayan ka dahil kung hindi ay ipagkakalat nilang malandi ka at sisiraan ka nila. Akala ko wala lang yun kaya nga nung umuwi ako ay bumili kaagad ako ng bagong phone na kaparehas ng luma eh para wala kang paghihinalaan. Hanggang sa nalaman nila na sa iisang apartment tayo nakatira. Kapag daw hindi ako sasama kay Zeilda palagi ay ipagkakalat nila ang pictures mo at sasabihan ka nilang kabit. Dun na ako kinabahan para sayo. Di ako umuwi ng ilang gabi kakaisip kung ano yung gagawin ko hanggang sa napadalas na yung utos nila na mag date kami ni Zeilda kahit ang totoo ay naiinis narin sakanila si Zeilda kasi may non showbiz boyfriend din ito sadyang hawak lang talaga kami sa leeg." Hindi ko alam... hindi ko alam na ganito na pala yung pinagdadaanan niya, akala ko ako lang ang nasaktan. Patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko habang nakikinig sakanya. Gusto kong malaman lahat, Lahat- lahat ng pinagdaanan niya.
"Nung umuwi ako nun dun kana nag simulang magtanong, kahit ayaw kitang sigawan ay ginawa ko kasi baka yun ang dahilan para iwan moko, Nung tinanong moko kung mahal pa ba kita? Gusto kong isigaw sayo nun na kahit anong mangyari ay mahal na mahal na mahal kita pero mapapahamak ka. Ayoko na papasok ka ng school na may nagaabang sayo sa kanto kasi malandi ka at kabit. Ayoko na may naninira sayo. Ayoko na ikaw ang laman ng balita kahit ang totoo wala namang katotohanan ang ipagkakalat nila. Nung umalis ka hinanap rin kaagad kita kaso di na kita na hanap pa kaya sabi ko sa sarili ko na dapat pag balik mo ay mas natupad ko na ang pangarap ko dahil yun ang ikasasaya mo."
"Pwede ka namang umalis sakanila, ba't di mo ginawa?" sobra sobra na pala ang paghihirap niya at mas hindi ko inaasahan na lahat pala ng ginawa niya ay para sakin. Nadudurog na yung puso ang sakit sakit ng mga nalaman ko.
"Baguhan pa lang ako nun, Naka perma ako sa kontrata at maari nila akong sampahan ng kaso kapag umalis ako. Pero nung umalis ka at di kita nahanap, umalis ako sa kumpanya nila. Ilang araw lang akong nakulong nun dahil agad ko rin namang nabayaran ang mga nasira ko sa kompanya nila."
Nakulong siya? nakakulong habang ako ay nasasaktan dahil akala ko totoo lahat ng yun! Bakit? Nagmahal lang naman kami ah. Mga hayup! mga walang kwenta! Ipinagkait ko pa sakanya ang anak ko dahil akala ko..... akala ko di na niya ako mahal.
Sobra- sobra akong nasaktan di ko alam kung ano ang gagawin ko! naguguluhan na ako! Iyak lang ako ng iyak sa tabi niya. Mas nag hirap pa pala siya keysa sakin tas ni isang kaibigan namin ay walang naiwan para sakanya dahil lahat iniwan siya!
"Wag ka nang umiyak. Okay na ako, maganda na rin yung bagong company na tumanggap saakin. Kaya humihingi ako ng tawad sayo Ciara, napakaduwag ko sorry kung di kita kayang protektahan noon. Sana mabigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, pangakong dalawa na kayo ang proprotektahan ko." Akala ko madadaliin niya ako, akala ko hihingi kaagad siya ng sagot pero hinalikan niya lang ako sa noo at bumalik na sa loob. Kung kanina ay mabigat ang pakiramdam ko ngayon naman ay nakaginhawa na sa lahat ng nalaman ko.
YOU ARE READING
Rock of Love
Подростковая литератураThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...