Chapter 24

1 2 0
                                    

"Hoyyy Anong ginagawa niyo sa anak ko?" Kagagaling ko lang sa trabaho ng madatnan ko ang tatlo na may ginagawa na naman sa anak ko.

It's been a year at nandito parin ako sa U.S at ganap ng doctor. Maraming taon na ang nag daan at kahit mahirap ay kinaya kong mag aral habang sinusuportahan ang pangangailangan ng anak ko. Twice a year kung bumisita dito sila mommy kaya kilalang kilala na siya ng apo niya.

"Mommy look, they dress me up like a princess" umikot- ikot pa ito habang pinapakita saakin ang suot niyang gown at muntikan ng mahulog ang suot niyang crown.

"Nandito kana pala, mag bihis ka muna at kumain habang di pa inaantok ang anak mo." Sabi ni Zywren na agad ko namang sinunod.

Sabi ko nga sakanila ay umuwi na sila ng pinas total ay doctor naman na sila pero ang sabi nila ay hihintayin daw nila ako para daw hindi ako mahirapan sa anak ko. Sabay- sabay na raw kaming umuwi kaya napaisip ako kung kailan na nga ba ako uuwi.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para kumain. Nasa sala silang apat kaya habang kumakain ako ay kitang-kita ko ang pinang gagawa nila sa anak ko. Si jillian na panay ang kurot sa anak ko dahil nang gigigil na daw ito sa ka cutan ng bata. Habang si kiana naman na panay ang pang uuto sa anak ko. Si Zywren lang yata ang matino sakanilang tatlo dahil inaalalayan niya ang bata sa bawat galaw neto.

6 yrs old na si Dyniara at di maipagkakaila na unti- unti ng lumalabas ang pagkahawig niya sa ama. Kahit di sabihin ng tatlo ay alam kong nakikita na nila si Dyn sa mukha ng anak ko, malamang ama niya yun eh.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko yung pinagkainan ko dahil nakakahiya naman kung iaasa ko pa sa mga kaibigan ko.

"Princess can we go to sleep na?" Agad naman napatingin saakin ang anak ko at pagkatapos nun ay tumingin siya sa tatlo, nagmamakaawa na tulungan siya.

Agad namang napalingon saakin yung tatlo kaya sinamaan ko kaagad ng tingin. Kapag pinapagalitan ko yung bata ay sinasalo nila kaagad yung galit ko kapag naman may gustong bilhin ay todo bili naman sila kaya kapag lumaking spoiled talaga yung anak ko sila yung malalagot.

"Baby do you want to grow taller?" pagkakausap ni kiana sa anak ko.

" Yes po ninang kia, i want to grow taller so i can meet my Dad." Nagulat naman kaagad ako sa sinabi ng anak ko. Bakit gusto niyang makilala ang ama niya? di pa ba ako sapat?

Naibibigay ko naman lahat ng gusto niya, pinaparamdam ko naman sakanya na kaya ko maging ama at ina sakanya. At hindi naman siya nag sabi o tanong ng kahit ano tungkol sa ama niya, ngayon lang talaga kaya grabi yung gulat ko. Ramdam ko kaagad yung pagtingin ng tatlo kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ako naapektuhan kung tungkol sa lalaking yun ang akin lang baka may pamilya na siya at umaasa yung anak ko na makikilala niya pa ang ama. 7 years na kasi simula nung umalis ako kaya impossible kung wala pa siyang asawa o anak hanggang ngayon.

"Don't you know that when you sleep you will grow taller immediately" Pang uuto rin ni Zywren sakanya para mabawasam ang tensyon sa paligid.

"Really Ninong Zy?"

"Yes baby, so tulog kana with mommy ha"

Napatayo naman kaagad ang anak ko at hinila na ako para umalis.

"Tulog na kami, Ingat kayo sa trabaho mamaya." Night shift kasi sila kaya tamang tama na sila yung naiwan kaninang umaga sa anak ko habang nag tratrabaho ako.

"When are we going home mom?" Tanong ng anak ko habang binibihisan ko siya ng pang tulog.

"We are in our home love." Sagot ko naman sakanya, tapos ko na siyang bihisan kaya agad naman itong pumwesto sa kanyang higaan, sa tabi ko.

"No mommy, i want to go where mommyla and daddylo live." Kailan niya pa gustong pumunta dun? I mean handa naman na ako kaso nga lang paano kapag mag tagpo yung landas nilang mag ama? Wala naman sigurong problema dun dahil wala namang ka alam alam si Dyn na may nangyari saamin.

"Why do you want to go there anak?"

"Because i miss them na po already." Ganito ang anak ko mag salita minsan ay straight na english minsan naman ay english na may pinaghalong tagalog.

Sa bahay kasi minsan ay nag tatagalog yung tatlo o di kaya ay ako rin minsan kaya pati siya ay natuto narin mag tagalog.

"Maybe soon anak, we will live there." Di naman kasi pwede na pang habang buhay na lang kaming nandito.

"When mommy? I really want to go there already." Pagpupumilit niya pa.

"Anak mommy has  a work pa eh."

"I really want to meet my daddy there." biglang sabi niya kaya agad naman akong napatingin sakanya

"Huh? who told you that daddy lives there?" malakas ang loob ko na wala ni isa sa tatlo ang nag open ng topic tungkol sa lalaki, kaya sino?

"Mommyla po, she also said that daddy is a singer and an actor po. Is it true mommy?" Si mommy? nako naman pangalan nga ng anak ko pinakealaman na niya buhay pa ba netong batang to?

Bakit naman niya sinabi yun? Napatanong tuloy ang bata ng wala sa oras. Anong isasagot ko dito? Malamang magsisinungaling na naman ako.

"No anak, yes daddy lives in the Philippines but he works in the company not as a singer or actor."

"But when can i meet him po?" Ramdam ko na nangungulila na ang anak ko sa kaniyang ama at kahit umuwi man kami dun ay wala pa rin akong magagawa.

"Maybe next month anak just wait mommy to file a resignation letter ha."

"Yes po mommy."

Mukhang kailangan ko na tong ipaalam sa tatlo, hindi pwede na hanggang sa pagtanda ng anak ko ay mananatili nalang kami rito at isa pa nangako na rin ako kila mommy na kapag naka graduate na ako ay saka lang ako uuwi.

Nang tignan ko ang anak ko ay mahimbing na itong natutulog. Siguro nga sign na talaga ang pangungulit ng anak ko na makauwi na ako sa philippines. Magpa pass na kaagad ako ng letter para matupad ang gusto ng anak ko.

Rock of LoveWhere stories live. Discover now