"Ang ganda ganda naman ng baby Dyniara namin na yan."
"Asus ngumiti ngiti ka pa ha, mommy mo tulog pa baby. Ang ganda na nga ng pangalan, maganda pa yung pinag manahan yieee ngiti na yan ulit baby dyniara."
Nagising na lang ako ng dahil sa ingay na narinig ko at di nga ako nag kakamali dahil si mommy na nga yun at hawak hawak niya yung anak ko.
Si Daddy naman ay naka upo lang sa sofa habang naka ngiti na tumitingin kila mommy." Ma..." agad naman siyang napatingin sa pwesto ko. Gusto ko nang makita yung anak ko.
" Oh gising na pala mommy mo eh." Agad niyang nilagay sa braso ko ang anak ko at agad ko naman itong inayos.
Napaluha na lang ako nang makita ko kung gaano kaganda ang anak ko, nag mana nga saakin maliban nalang sa mga mata niya pero okay na yun at least mata lang yung sakanya.
"Ang ganda ni baby Dyniara diba anak?" Ha? Dyniara? Kaninong anak yun?
"Sino si Dyniara ma?" naguguluhan kong tanong sakanya.
"Ah e-eh.... pangalan yun ng anak mo" Gulat naman akong napatingin sakanya. Nawalan lang ako ng malay pagkagising ko may pangalan na anak ko!.
" Bakit Dyniara ma? Sana hinintay niyo akong magising" ang pangit ng Dyniara parang pinaghalong pangalan namin ni ahhhhh!!! pinaghalo nga! si Mommy talaga!
"Dyniara kasi alam mo, bigyan mo naman kahit pangalan lang atsaka nagmamadali na kasi yung doctor eh tanghali na oh kaninang umaga pa niya kailangan yung pangalan ni baby." okay na sana kahit naging princess na lang yung pangalan ng anak ko eh wag lang yun. Kaso may magagawa pa ba ako?
" Ano yung buong pangalan niya?" Anak ko lang to eh tapos sa pangalan hinatian pa ako. Hindi talaga makaramdam si mommy
" Ano ahmm Dyniara Marie Millado." Maganda sana yung pangalan kaso ayoko talaga eh baka kapag nalaman niyang may anak kami tas malaman yung pangalan baka isipin niya na habang nanganganak ako eh siya parin ang iniisip ko.
Buti naman at kahit last name ay hindi na pinakealaman ng nanay ko. Dahil kapag yun pinakealaman pa aba magwawala ako.
" Yung mga kaibigan ko po ma?" Pagkagising ko kasi silang dalawa lang ni daddy kaya pinagtataka ko kung nasan na yung mga kaibigan ko.
"Ahh yung mga yun ay may pasok pa daw kaya sabi namin ng Daddy mo ay kami na lang ang magbabantay sayo dahil lalabas ka narin naman mamaya." Ha? lalabas na kaagad? Bakit ang bilis naman? i mean ayaw ko naman na mag tagal sa hospital pero kasi ang bilis ng 2 days.
"Lalabas na kaagad ma? Ang bilis naman."
"Pagkalabas kasi ng anak mo ay ginawa na lahat ng new born test sakanya at isa pa healthy naman daw si baby kaya pwedeng- pwede ng lumabas. Aasikasuhin na nga lang namin ng daddy mo yung bill mo, buti nalang at nagising kana." Ahh kaya pala akala ko nag mamadali lang talaga yung hospital na paalisin kami dito.
" Ngayon na po kayo mag aasikaso ng bill ma?"
"Oo kaya maiwan na muna namin kayo ng daddy mo ha." Sabi ni mama kaya tumayo kaagad si daddy
"Yung mata anak, ang ganda AHHAHAHA" si daddy talaga aalis na nga lang mang aasar pa!
Tinignan ko ulit ang munting prinsesa ko at mata niya nga lang yung iba sa lahat. Kuhang kuha niya ang ilong at labi ko ganon din ang hugis ng mukha ko pero bakit naiba talaga yung mata? Ako na sana yung kamukha eh umipal lang talaga yung mata.
"Hello my little princess, How are you my love?" inayos- ayos ko pa yung damit na suot niya, ang cute niya talaga. Di ako mag sasawang tignan to palagi.
Akala ko di niya ako papansinin pero mas lalo akong na inlove sa anak ko ng ngumiti ito, ang ganda ganda niya. Ngayon pa lang masasabi ko nang ganap na nga akong ina.
" Mommy will give everything to you my love, Pero ngayon pa lang patawarin mo na si mommy kung ang isang buong pamilya ay ipagkakait ko na sayo. Pero wag kang mag alaala meron ka namang tito Zy atsaka tita Jill at tita kiana, nandyan pa si Mommyla at Daddylo mo." Di naman na kasi saatin si Daddy mo, siguro ngayon ay meron na siyang iniingatan at pinapahalagahan.
Simula nung makarating ako rito ay wala ni isa sa mga kaibigan ko at bumanggit sa pangalan niya at lahat ng mga social media ko ay naka deactivate na rin kaya wala na akong balita tungkol sakanya dahil hindi ko naman kailangan. Kagaya nga ng sabi ko na kung maabot niya yung pangarap niya ay masaya na ako para sakanya dahil naabot ko na rin naman ang kasiyahang gusto kong makamtan.
Habang nag bubuntis ako ay nag aaral ako, kahit mahirap ay kinaya ko kasi nga pangarap ko yun. Dahil nakapag panganak na ako ay papalipasin ko lang ang isang buwan at mag aaral na ulit. Kukuha nalang ako ng yaya para sa anak ko kasi kahit gugustuhin ko man na ako ang makakasama ng baby ko sa araw- araw ay hindi pwede dahil kapag lumaki siya gusto ko maibibigay ko ang lahat sakanya gamit ang pera ko at gusto ko na rin masuklian ang mga magulang ko.
"Anak pwede na tayong maka uwi." Sabi ni mommy pagka pasok niya. Nagsimula na rin siyang ligpitin ang mga gamit na dala-dala namin at pumasok yung mga nurse na may dalang wheelchair kasi di pa ako makakapaglakad ng maayos.
Inalalayan nila akong sumakay dun at dala-dala ko ang anak ko na mahimbing na naman ang tulog habang ang mga magulang ko naman ay nakasunod saamin habang dala yung mga gamit namin.
Si Daddy ang nag maneho pauwi ng bahay. Iniwan daw ng tatlo yung sasakyan para may magamit kung sakaling makakalabas daw ako. Mamaya pa yung uwi ng tatlo kaya sigurado akong pagkauwi ay walang tao sa bahay.
Pagkababa ng sasakyan ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto at inaalalayan lang ako ni mommy, siguro kapag nag isang buwan na si Baby Dyniara ay tsaka ko lang ipapagamit sakanya yung kwarto niya. Tanggap ko na pangalan ng anak ko, di na mapapalitan sa birth certificate eh.
" Kailan niyo balak umuwi ng pinas anak?" Kakapanganak ko lang eh yan agad yung tanong.
"Dito ko po balak mag tapos ma siguro po kapag ganap na akong doctor dun lang ako uuwi." Pangarap ko po muna para sa anak ko at para sa sarili ko ang uunahin ko.
"Di ka ba mag tatanong tungkol sakanya?" Agad naman akong natigilan sa tanong ni mommy.
"Wag na siguro ma, masaya na yun dahil alam kong naaabot na niya ang pangarap niya" Kahit wala na ako sa tabi niya..
"Nga pala anak hanggang Friday lang kami ng Daddy mo dito at alam mo naman na may negosyo pa kaming inaasikaso."
"Salamat ma, wag po kayong mag alala sakin, saamin ng apo niyo nandito naman po yung mga kaibigan ko." Di pa nga pala ako nakapag pasalamat sa tatlong yun.
"Magpasalamat ka sakanila anak dahil kahit anong mangyari sayo ay bukod samin ng Daddy mo handa rin silang tulungan at gabayan ka."
Kahit di ko sabihin sakanila ay lubos akong nagpapasalamat na meron akong kaibigan na kagaya nila.
YOU ARE READING
Rock of Love
Teen FictionThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...