Pagkagising ko kinabukasan ay cellphone ko kaagad ang una kong hinanap at pagkabukad ko neto ay ang napakaraming message ni Dyn ang bumungad saakin.
From Dyn
How's your day love? Kamusta yung school mo? Sorry late ko na nakita yung message mo, i was busy kasi kanina eh.
From Dyn
Siguro tulog kana mahal. Sleep well po katatapos lang namin mag shoot at magpapahinga na po ako. I love you.
From Dyn
Good morning mahal, ang aga- aga naming gumising kasi kailangan namin maabutan yung sunrise. Don't forget to update me later ha. I love you, love.
Gabi na natulog tas maagang nagigising? Napapabayaan niya na yata katawan niya eh, wala na siya sa tamang tulog ilang araw palang siya na nandun. Akala ko ba small project lang ba't parang siya na yung bida?
To Dyn
Love please wag mo pababayaan health mo, miss na kita. Kagigising ko lang at nag aayos na kami papuntang school. I love you po. Ingat ka palagi mahal.
Eto yung palaging ganap saamin ni Dyn simula nung pag alis niya. Mag sesend muna ako ng update bago mag aral o di kaya ay matulog at kinabukasan ay tatadtarin niya ako ng napakaraming message, minsan tumatawag din siya at hinaharana ako.
I really miss him pero two weeks pa lang siya na nandun. Feel ko nga napakabagal ng oras eh. Pero enjoy naman siya sa ginagawa niya kaya support nalang tayo. Kahit may exam na naman kami ngayon umaga ay support parin ang alam ng utak ko. Buti nalang nakapag aral na ako ngayon.
"Miss mo na no?" dati pa ngayon niyo lang naitanong?
"Simula day one miss ko na siya, ayoko na sa inyo." pero biro lang yun pero kung serseryusohin nila eh bahala sila.
"Wow ciara porket na perfect mo yung exam e ganyan kana? Sorry ha wala kang magagawa sarap mamahinga sa apartment niyo eh" Malamang di kayo nahihirapan eh walang masyadong utos.
"True ang ganda nga dun maybe kapag naka uwi na si Dyn eh kukunin ko yung kabilang apartment. Para di na ako masyadong mahirapan kapag pupunta at uuwi ng school." Aba gaya-gaya ni Zywren o ayaw niya lang talaga na mahiwalay na sa kaibigan?
"Hala share tayong tatalo Zy!" o-oh i feel like masama to.
What if araw- araw na nila kaming guguluhin? What if kapag wala silang ulam eh samin sila manghihingi? Jusko!! ayoko na sa mga to.
"Kalma Cia di pa nga namin nagagawa ang pangit na kaagad ng mukha mo." kasi naman jill napa what if ako dun
"Kanina pa pangit yang mukha niya jill, di ba naman nakapag update ang bebe." Yeah right bakit ko ba nakalimutan yun?
Pagkagising ko kaninang umaga ni isang hi o good morning kahit i love you man lang ay wala akong nakakita kaya ending ako parin yung nag send ng message sakanya bago kami pumasok ng school at natapos na yung isang sub eh wala paring update.
"Baka pinagpalit kana ng bestfriend ko Cia" Aba proud kapang hayop ka? Di niya yun magagawa!
Pero paano nga no? hindi ako papayag!! din yun mangyayari!
"Busy lang yun wag kayong ano, madaming ganap yun sa career baka mamaya mag chachat na yun" yup dapat positive lang at isa pa ang laki kaya ng tiwala ko na di yun gagawin ni Dyn.
Di na kaagad nakapag salita yung tatlo dahil dumating na yung prof namin para sa second sub at kagaya ng inaasahan ko eh marami din itong pinapagawa saamin kaya need kong ibalik yung focus ko. Stop thinking about Dyn muna, mahal ka nun.
Pinag ooverthink lang talaga ako ng tatlo palibhasa kasi di nila jowa at sarap na sarap silang mang asar.
"Oh nakapag update na ba?" kung kanina ay nang aasar si kiana ay ngayon alalang alala na dahil di na maipinta yung mukha ko.
"Hindi pa eh." Pano ba naman kasi at ang dami dami ko ng message sakanya at chat tapos di pa nakapag reply. Nasa bahay na kami at mag aaral na nakapag update na rin ako eh wala paring reply sinong di mag alala dun?
"Aral na Cia magrereply yan tiwala lang, baka malay mo di sila pinagamit ng phone buong day." pangungumbinsi pa ni Zywren sakin
Pero sana man lang nakapag sabi siya kung kukunin yung phone niya hindi yung hahayaan niya nalang na mag alala ako dito. Alam niya naman na miss ko na siya eh. Para na akong tangang maiiyak dito.
"Bukas mag rereply na yan magpahinga ka na muna at kanina kapa nakatunganga diyan." Pasalamat talaga tong mga to at malayo yung baguio dahil kung hindi ay baka nasundan ko na si Dyn.
Kagaya nga ng sabi nila ay nag aral na lang ako kahit ang laman ng utak ko eh kung makakapagreply pa ba si Dyn at kung makakapagreply man anong oras?
"Cia gising...punta kana sa kwarto." Napatingin ako sa gumigising saakin si Kiana lang pala.
Nakatulog yata ako habang nag aaral."Punta kana sa kwarto hating gabi na, inaantok na rin ako." halata nga naman at puro hikab yung ginagawa
"Una ka lang susunod ako." tumango nalang siya bago pumasok ng kwarto dahil sa sala kami nag aaral kanina eh.
Kinuha ko yung phone ko na naka charge hoping na sana pag bukas ko ay message na kaagad ni Dyn yung makikita ko kaso pagbukas ko ay wala pa rin. Kung anong nakita ko nung chinarge ko ay yun parin ang nakikita ko maliban nalang sa full na yung cp ko.
Hanggang kailan ba to di mag rereply? Naiinis na talaga ako. Hindi sa naiinis ako dahil sa career niya ang akin lang sana man lang nakapag sabi siya na may gagawin silang ganito ganyan at hindi sila makakapag gamit ng phone hindi yung parang tanga na ako kanina pa kahihintay ng message niya. Kung hindi lang ako nahihiya sa mga kaibigan namin eh baka nag wala nako dito. Oa man pakinggan pero di lang talaga ako sanay, palagi ko kasing inaabangan yung mga message niya at biglang isang araw di na nakapag chat. Bahala na nga makatulog na at may pasok pa ako bukas sana naman bukas meron nang reply dahil kung wala ay dun ko na siya sa baguio patitirahin!.l
YOU ARE READING
Rock of Love
Novela JuvenilThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...