Chapter 29

1 2 0
                                    

Natapos na ang pagkuha ng dugo kay Dyn at ngayon ay sinasalin na rin nila kay Dyniara. Sa wakas ay nakahinga narin ako sa sobrang pag aalala. Nandito ako ngayon sa labas ng hospital naka upo sa garden kasama si Dyn.

" Galit ka?" tanong ko sakanya. Kahit sinong tao naman siguro ay magagalit kapag tinaguan ng anak.

"Kasalanan ko." may kasalanan din naman ako, napagod ako di ko na kayang lumaban.

"Tinago ko parin sayo." Kahit na wala ka naman talagang ka alam- alam na may nangyari saatin.

"Dahil yun ang alam mong tama, wala kang kasalanan dahil kasalanan ko lahat." Napahilamos siya sa mukha niya, problemado na kabado yan ang nakikita ko sa mukha niya.

Pilit ko na rin kasing kinalimutan ang nakaraan dahil di ko naman pwedeng dalhin yun habang nag hihilom ang sugat ko.

"Dahil....dahil nakita mo na siya, may plano ka pa bang makilala siya." Kahit ako ay nagulat na rin sa tanong ko pero kasi bakit di natin bigyan ng pagkakataon ang taong minsan na nating minahal.

"Hahayaan mo ba ako sa kabila ng nagawa ko. Papayagan mo pa rin ba akong bumawi?" anak niya rin yun kaya kahit gustuhin ko mang ipagkait sakanya ang anak ko ay alam kong kapag tumagal pa ay maghahanap na kaagad ito ng ama. Nung nasa U.S pa nga lang kami ay naghahanap na ito pano pa kaya kapag lumipas ang ilang buwan at taon lalo na at narito kami sa pilipinas.

"Anak mo parin yan, bumawi ka hanggat gusto mo, wag mo lang siya ipahamak sa mga taong sumusuporta sayo." Wag na wag lang siyang gumawa ng kahit na anong ikapapahamak ng bata dahil dun na talaga ako magsisimulang magdesisyo na hindi na niya makikita ulit ang anak.

"Maraming salamat Cia. Napalaki mo siya ng maayos at masasabi kong naging mabuting ina ka nga." Kahit di mo sabihin alam ko yun

Dahil nandito kami sa garden ay kita ko kaagad ang paparating na mga magulang ko.

"Oh Dyn iho nandito ka pala." parang casual lang na sabi ni mommy, kailan nga ba ito nagalit?

"Yes po tita, aalis na rin ako dahil may trabaho pa akong naiwan." Oo nga pala at di na to nakapag paalam pa at umalis nalang kaagad.

"Sige iho mag ingat ka."

"Una na po ako sainyo tita at tito, Cia una nako." Tumango lang ako sakanya at tinapik naman kaagad siya ni Daddy sa balikat.

Sigurado akong pagkarating ni Dyn ay papagalitan siya kaagad, pero kasi wala nang oras at kailangan na kailangan na talaga. Bahala na siyang humarap dun, kaya niya na yun.

"Mukhang nagkakabutihan na kayo ah." Pang aasar pa ni mommy

"Para lang po sa anak namin, wag po kayong ma issue ma."

"Sinabi mo na?" Parang gulat pa na sabi niya, si daddy naman ay nakikinig lang saamin habang nag lalakad.

"Siya ang blood donor ng anak ko ma, Sinugod ko pa yun sa taping para lang makakuha ng dugo niya." Mas lalong nagulat ang nanay ko sakin, pati ako nga nagugulat na rin sa sarili ko eh.

"Ginawa mo talaga yun anak? Buti naman at di ka nag dalawang isip."

"Ma anak ko na ang nasa panganib bakit pa ako magdadalawang isip." Kahit ano gagawin ko basta para sa anak ko kahit halikan ko pa ang sapatos niya gagawin ko.

"O nasan na ang apo ko?"

Tinuro ko naman kaagad ang ICU sabi sakin ni Zywren ay baka mamaya pwede na siyang ilipat sa private room. Umuwi na rin silang tatlo at di na nakapag duty pa kasi yung dalawa ay di na makapag focus sa kakaiyak at si Zywren naman ay inalagaan ang dalawa.

"Bawal pumasok anak?"

"Bawal po dad pero mamaya ay ihahatid na rin nila si Dyniara sa private room."  Mga nurse at doctor lang ang pwedeng makapasok diyan.

Nag hintay lang kami ng ilang oras sa labas ng ICU hanggang sa inilabas na nga nila ang anak ko para mailipat sa private room na kinuha ko kanina.  Nakakaawa ang mukha ng anak ko, may bandage sa ulo at may oxygen sa baba. May naka tusok pa na dextrose sa kamay at sa kabila naman ay para sa dugo. Tatlong bag ang naka sabit sa sabitan. Ganon karami ang dugong kailangan niya.

"Nacheck na po namin ang anak niyo Dra. at babalik po kami mamaya para i check siya."

"Salamat nurse."

Inayos ko ang mga dalang prutas nila mommy at mga damit namin ni Dyniara. Sinabihan ko kasi sila kanina na mag dala dahil hindi na ako makakauwi pa.

"Magiging okay ba ang apo namin anak?" Nag aalalang tanong ni mommy

"Oo naman ma, mana to sa mommy niya kaya." Napatawa naman kaagad si mommy ng dahil sa sinabi ko

Pagaling kana kaagad anak, promise ko sayo makikilala mo na ang daddy mo. Sabay kaming maghihintay sa pag galing mo.

"Babalik pa ba dito si Dyn anak?"

"Oo naman dad, sabi niya kanina babalik siya eh." Kung makakabalik.

"Aalis na rin kami kaagad ng daddy mo anak, di kami pwedeng mag tagal dito. Hintayin mo nalang si Dyn ha." Matatanda na mga magulang ko pero palagi paring busy.

"Opo, mag ingat po kayo ni Daddy"

Pagkaalis nila ay nakaramdam ako ng pagod kaya naisipan kong umidlip muna kahit ilang oras lang. Hindi ko alam pero naririnig kong may kumakanta at ang masasabi ko lang ay di talaga kumukupas ang boses niya. Dinilat ko ang mga mata ko at di nga ako nagkakamali si Dyn habang kinakantahan ang anak ko. Teka?

"Gising kana anak? Okay kana ba? May masakit pa ba sayo?"  Tanong ko kaagad sa anak ko dahil nakadilat na ito.

"Kalma Cia kagigising niya lang at gusto niyang kumanta ako kaya ginawa ko." Eh bakit hindi kaagad to tumawag ng doctor?

"Sandali tatawag ako ng doctor." Agad akong tumakbo papuntang nurse station at ipinatawag si Dra. Santos

"Please sabihin niyong gising na ang anak ko."

"Yes Dra."

Para sakin isang himala na nagising kaagad ang anak ko, kadalasan kasi sa mga ganong patiente ay inaabot pa ng ilang araw minsan nga ay week pero sa anak ko napakabilis at agad ko naman itong ipinasalamat. Hind ko na aalalahanin pa kung kailan magigising ang anak ko dahil sa wakas gising na siya.

Rock of LoveWhere stories live. Discover now