Chapter 5

3 2 0
                                    

"Ba't palagi na kayong magkasama ni Dyn?" selos na selos na yata samin si Zywren eh

"Trueee bakit? may something na ba?" dugtong pa ni jillian.

"Manliligaw daw siya eh." pasimpleng sabi ko pero deep inside kinikilig na ako HAHAHAHA ikaw ba naman may taga hatid at sundo tas palagi ka pang hinaharana, di ka kikiligin?

"Ha?!! Manliligaw?? Tama ba yung pagkakarinig ko?" Nagulat ako, akala ko kung sinong tanga yung sumigaw si kiana lang pala. Hanep nasa pintuan palang siya ng room namin ay rinig na niya, lakas ng pandinig ah.

"Uyy mag kwento ka!"

"Pinagpalit na pala ako Dyn? Kaya pala ang lamig na niya huhuhu" ay hayup ka Zywren, kung wala ka lang jowa iisipin ko talagang bakla ka!

"Ano na Ciara! Dali na ikwento mo lahat!" atat na atat kiana?

"Ganito kasi yun. Naalala niyo yung araw na may pinuntahan kami? Sabi niya mag papractice daw siya eh tas tinanong ko kung para saan tas sabi niya para daw sa nililigawan niya kaya yun todo emote pako diko alam ako pala yung liligawan." akala ko kaawaan na nila ako eh pero ba't naman pinagtawanan?

"HAHAHHAHA sakit bang masaktan Cia?" eh kung sabihan ko boyfriend mo na iwan ka Kiana di ka masasaktang hayup ka?

"yan kase HAHAHA buti nalang di ka umiyak sa harap niya." muntik na jill

"Kwento kapa Cia." kala mo naman di nagselos kanina eh.

"So yun may pa kwento- kwento pa siyang nalalaman na nung Grade 11 niya pa daw nakilala yung girl tas matalino daw kaya ginalingan niya rin sa room nila tas mahilig din daw sa music tas magaling pang kumanta. Habang sinasabi niya yun kinukontra siya ng utak ko HAHAHAHHA."

"Di ka nag assume na ikaw yung tinutukoy niya?"

"Kiana pano ako mag aassume eh nung band presentation ko lang siya nakilala?" malay ko bang ako yun.

"Buti naman di ka naging assumera, proud ako sayo Cia HAHAHHA." di na kita besprend jill

"Ano yung sinasabi mo habang nagkwekwento siya sayo?" di ako na inform may pagka chismoso pala si Zywren.

"Sabi ko bakit di nalang ako? matalino naman ako, magaling kumanta atsaka mahilig sa music kaya sabi ko pa sana ako nalang"

"HAHAHA yung feel mo na na nasasaktan ka tas ending ikaw din pala yung tinutukoy?" sayang saya jill? nakakarami kana ah

"Eh sa hindi ko alam eh!" alangan naman iaassume ko na ay ako yan, tas ending iba pala yung sinabi oh edi mas masakit.

"So di ka na naman sasabay samin pauwi mamaya?"

"Sasabay kami may contest siya na sinalihan para bukas eh." need niya magpahinga kaya diretso uwi na kami later.

"Yung tanong ko ay kung di KA na naman sasabay, wala akong sinabi na kung di ba KAYO sasabay. Nako Ciara ha kailangan palaging magkadikit?" ahh talaga jillian?

"Jill nakakarami kana!" di pa naman ako napipikon konti lang.

"So anong gagawin mo?" gagawin ko?

Rock of LoveWhere stories live. Discover now