Chapter 13

3 2 0
                                    

"Love kapag di na kailangan lumabas wag ka nang lalabas ha?"

"Opo love."

"Isirado mo yung pinto palagi, natawagan ko na rin naman yung tatlo at pumayag na."

"Sige love."

"Wag ka rin masyadong tumambay sa labas at baka mabastos ta kapag may bibilhin utusan mo nalang si Zywren o di kaya pasama ka kay kiana o jillian."

"Sure love."

"Nakikinig ka ba Mahal?" kahit di na ako makinig e memorize ko na to dahil ilang ulit niya ng ulit- ulitin to.

Wala na akong maisagot sakanya dahil kaninang 4 a.m niya pa to inulit ulit at nauubusan na talaga ako ng maisasagot.

"Yes po, opo nakikinig po ako love. Di ako lalabas kapag di naman kailangan, isirado yung pinto palagi at uutusan si Zywren kapag may bibilhin, wag rin tatambay sa labas dahil baka ma bastos at palaging mag uupdate sayo." diba mas memorize ko pa ro keysa sa lesson namin kahapon eh.

"Nag aalala lang ako sayo love, ayaw kitang iwan pero di rin kita pwedeng isama." Eto na naman at nakabusangot na siya. Itatali ko nalang to sa tabi ko tutal yun din naman yung gusto ko.

"Nandito naman yung tatlo para samahan ako eh, mas nag aalala ako sayo. Pano kung papahirapan ka nila dun? pano kung itatrato ka nila ng hindi tama dun? pano kana, di kita matutulungan." Mas yun nga yung inaalala ko sa lahat eh kaya siya dapat yung palaging mag uupdate dahil mahirap na at malayo siya sakin.

"Wag kang mag alala sakin kaya ko yun. Bagohan eh kaya hindi maiiwasan yang iniisip mo love pero ako to, boyfriend mo di ko susukuan yung pangarap ko love." dapat lang support ako sayo palagi eh.

"Basta always update ka ha kung ayaw mong pupuntahan kita ng baguio ng wala sa oras." nagtutunog magulang na ako dito, baka sabihin ni Dyn na sobra pa ako kay tita kung manghingi ng update.

"Yes po love. Hatid na kita malalate kana." Inaantok pa ako ehhhh

Pano ba naman kasi ginising niya ako ng 4 a.m tas sabi niya sabayan ko daw siya mag kape at mag impake ng mga damit na dadalhin. Di sya kasi nakapag ready kahapon dahil kahapon lang din naman siya sinabihan at ginabi na kami nakauwi.

Kagaya ng kahapon ay nag lakad lang kami papuntang school at siya yung may dala ng bag ko na di naman masyadong mabigat, ayaw niya lang talaga ako mag buhat. Pinagkaiba lang ng ngayon sa kahapon eh bihis na bihis si Dyn dahil pagkatapos niya akong ihatid ay uuwi siya sa apartment para kunin ang mga damit niya at aalis na. Mamimiss ko tong katabi, ayaw ko pa naman sa tatlo dahil ang iingay nila.

"Mag iingat ka Ciara, sinasabi ko rin sayo uuwi ako ng maaga kapag may nangyaring masama sayo at kapag di ka nakapag update ng isang araw." Hala kapag pala sobrang seryuso na ni Dyn eh mas lalo pa pala itong pumopogi.

What if may pagka serious type na guy yung role niya? edi mas lalo siyang gwagwapo nun? tas marami ng magkakagusto sakanya at puro magaganda pa. Pano nalang ako? Wag ko na tong paalisin. Sige overthink pa, di nakaka tulong eh.

"Opo mahal, pagkabalik mo dito sikat kana HAHAHHA" di yun joke dahil kagaya ng sabi niya eh may show na kaagad siya sa mall

"Pasok kana pero kiss ko muna?" aysus PDA tayo lods

Pero baka mag tampo pa kaya binigay ko na sakanya yung gusto niya bago ako pumasok ng school. Marami- rami na rin kasing mga students sa labas eh.

Pagkadating ko sa room ay wala pa yung tatlo kaya umidlip na muna ako at napaka aga pa naman. Gigisingin naman nila kaagad ako kapag nakarating sila eh.

"Rise and shine Ciara!" inaasahan ko naman na gigisingin nila ako eh pero di ko inaasahan yung pag sigaw ni jillian, ano akala niya sakin bata? rise and shine ka jan.

"Napadaan kami kanina sa apartment niyo at naabutan pa namin si Dyn kaya iniwan na namin mga damit namin dun." Tatlo talaga sila yung mag sstay dun?dami ko namang bodyguard, di ako makahanap ng bago sayang... Di joke lang loyal tayo guys. Walang med na manloloko.

Dahil ramdam ko pa yung antok ay tumango nalang ako kay Zywren bago umayos ng upo dahil nakita ko na kaagad yung prof na masungit na papasok ng room.

"Good morning everyone today we will have a long quiz. Lahat ng itinuro ko kahapon ay lalabas dito kaya kahit di na kayo nag aral kagabi kung nakinig kayo ay mapeperfect niyo to." Ha? second day of school long quiz kaagad?

Bigla naman nag panic yung ibang kaklase ko lalo na yung tatlo dahil nawala na daw sa utak nila yung pinag aralan kahapon at hindi daw sila ready, lalo na ako! inaantok pa ako.

"Noisy!! kukuha lang kayo ng paper niyo mag iingay pa kayo! bakit marami ba kayong maisasagot?" amin naman namin na di namin ma peperfect yung quiz eh pano ba naman kasi literal na goodmorning yung quiz niya samin at surprise quiz pa talaga ha.

Napatahimik lang yung mga classmates ko at si prof lang yata yung ready dahil nanginginig pa lang kami ay number 1 na kaagad ito.

"By the way class once i caught you cheating i will mark your card Fail." grabe na to, eto na nga yung sinasabi nilang kawawa ka kapag nasobrahan ka ng chill nung high school.

Di ko alam kung tama ba yung mga sagot ko basta kapag may tinatanong sya  ay bigla nalang nag faflashback yung utak ko at kapag naalala na ay sulat kaagad pero di ko alam kung tama  ba to. Mamaya mag aaral na talaga ako, halata naman na palagi na tong mag papaquiz, ganito rin kasi yung teacher ko dati eh.

Hanggang sa natapos yung quiz ay kinakabahan pa rin kaming lahat dahil may checking  pa talaga na ganap. Ayaw ko na sa score ko, nakachamba lang talaga ako nung highschool. Di ko pa nakikita yung papel ko eh alam ko nang bagsak ako.

Natapos lang ang buong araw na klase namin ay lutang parin kaming apat at yun parin ang laman ng isip namin. Nakakaiyak na talaga, bukas pa ibibigay yung mga papel namin.

Sa sobrang kalutangan namin ay sa labas na kami kumain dahil alam namin na di na kami makakapagluto pa.

To Dyn.
Love! Nakauwi na kami at sobrang pangit ng araw naming apat. Nagpa quiz yung prof namin at di kami ready kaya eto hanggang ngayon ay lutang kami. Kamusta kana diyan? maayos ka ba diyan? Naibibigay naman nila lahat ng kailangan mo diba? Miss na kita pero kaya ko to basta balik ka kaagad idol. I love you love. Magaaral muna kaming apat, pahinga ka kaagad kapag napagod ka ha.

Nang ma i send ko yun ay di ko na hinintay pa yung reply ni Dyn dahil gabi na at baka nagpapahinga na yun o di kaya ay marami pang ginagawa kaya nag start na akong mag aral kasama ang mga kaibigan ko.

Rock of LoveWhere stories live. Discover now