To Dyn.
Love malapit ka nang umuwi, one week na lang at makikita na kita ulit. Excited na ako sa pasabog na hatid mo. Excited na akong makita ka ulit sa taas ng stage! namiss ko na yung pagiging supportive girlfriend ko HAHAHAHA. Nga pala kakatapos ko lang kumain at hinihintay ko nalang yung tatlo na matapos para makaalis na kami kasi ang aga namin ngayon dahil ngayon lalabas yung resulta ng exam namin. Sana maka pasa ako ang hirap kasi at sana nandito ka para naman ma comfort ako kung sakaling alam mo na. At pumunta pala si mama dito kasama niya si tita, napapadalas na yung labas nilang dalawa akala mo naman teenage parin eh nakakainggit na sila love!! Ingat ka jan I love you mahal miss na kita ng sobra- sobraaa.
Pagkatapos mag ayos ng tatlo ay pumunta na kaagad kami ng School para maki update kung pasado ba kami ngayon sem. Habang naglalakad ay yun ang pinaguusapan nila at ako naman ay tahimik lang sa tabi miss ko na yung idol ko eh.
"Sana malakas guardian angel ko ngayon behh!!" sigaw ni kiana na kaagad namang sinundan ng dalawa.
" Behhh ang daming ritwal ang ginaka ko kagabi at kanina palibhasa kasi yung isa pa chill chill lang!" anong chill eh grabe na nga yung panginginig ko dito eh hindi ko lang pinapakita sakanila dahil baka mas lumala pa yung kaba nila kagaya nung last year.
Sinabihan ko sila na grabe yung kaba ko about sa grades ko tas sila kinabahan na rin kasi ako na daw to eh, ako na nga mismo kinakabahan tas sila hindi pa kakabahan. Kaya kapag may ganito ay di na ako nag sasabi sakanila dahil nauuna yung breakdown nila eh.
"St. Ciara wag mo kaming pababayaan" Hayup na Zywren to kanina niya pa ako tinatawag ng ganyan. Kala niya naman mapapalitan ko pa grado niya kapag paulit-ulit niya akong tatawaging St. Ciara.
"Manahimik kayo, Nasagutan niyo naman ng maayos eh at nakapag aral kayo kaya dapat di kayo kinakabahan, pinapangunahan lang kayo ng ka oahan niyo." Okay amin ko masakit akong mag salita pero need nila yun kasi kung hindi at idadaan lang sa comfort ay walang effect.
Pagkarating namin ng school ay sa room na kaagad kami dumiretso dahil nandun daw nakalagay yung mga pangalan ng nakapasa. Pagkapasok namin ay nadatnan namin yung mga kaklase namin na nagtitipon sa harap ng mesa may iba pa nga na nagsisimula ng umiyak.
"Iiyak na ba ako neto?"
"Wag jill hinatayin mo kami"
" Ako rin hintayin niyo ako" ay kalalaking tao iiyak din to?
Nagsisimula na naman sila, di ko na alam gagawin ko pero ang lakas ng loob ko na pasado kaming apat dahil nung nag aaral kami ay wala namang masyadong mahirap para sakanila at kung may meron man ay todo turo naman kaagad ako sakanila. Proud teacher ako eh.
Nang mawala na yung ibang kaklase namin sa table ay dun na kami kaagad pumunta na apat. Yung tatlo naghahawak kamay pa eh sabay bulong ng ritwal daw nila kuno.
Hindi pangalan ko yung una kong hinanap, pangalan ng tatlo dahil nakapikit pa sila at pinapalakas daw guardian angel nila. Mga buang.
Pagkakita ko sa pangalan nilang tatlo ay tumalon kaagad ako sa sobrang saya kaya napamulat sila at napatingin sakin. Kita ko kaagad yung kaba sa mga mata nila dahil akala nila akin pangalan yung una kong tinignan di nila alam sakanila.
"Pasado kana kahit di mo tignan pero tinignan mo parin. St Ciara baka naman!"
"Cia sanaol." kita mo tong si jillian parang maiiyak na HAHAHAH
Okay si jillian parang maiiyak pa lang pero si Kiana naiiyak na talaga, pano na daw siya.
" Tanga niyo, kayo yung pasado!" Natigilan naman kaaga sila dahil sa sinabi ko. Gulat yung mga buang. Lakas nga naman ng ritwal eh.
"Ha pakiulit?" Wow ulit ulit nalang Zy
"Di ka nag jojoke?" sa mukha kong to nagbibiro ba ako? Hanep mo jill.
"Tignan niyo nalang kung ayaw niyong maniwala."
Agad naman silang mag unahan para maka tingin sa papel na nasa table. Dahil hindi ko pa nakikita yung pangalan ko ay hinanap ko narin dahil katakot kung ako yung hindi pasado. Pagkakita ko sa pangalan ko ay ngumiti lang ako at bumalik na kaagad sa upuan ko.
To Dyn.
Mahal pasado ako! sayang at di ikaw yung kasama ko mag celebrate pero okay lang dahil malapit na at makakauwi kana. I love you mahal.
"Wahhhh pasado ako!"
"Hala legit nandyan pangalan ko!"
"Oh thank god!"
Sigaw ng tatlo kanina pa sila sa harap ng table ngayon lang nila nakita yung mga pangalan nila?
Pero masaya ako para sakanila at tama nga yung desisyun nila na kukunin yung apartment na katabi ng amin para makapagfocus na rin sila sa pagaaral nila.Sabi kasi nila ay kukunin na daw nila yun dahil malapit na daw umuwi si Dyn at para malapit na rin daw sila sa school, ang inaalala ko lang ay baka ang dami ng sasama sa mga date namin ni Dyn.
Simula pagkaumpisa ng klase namin hanggang sa matapos ay nagiiyakan parin yung iba naming mga kaklase, maga na yung mga mata nila kaya yung ginawa namin ay nagbigay nalang ng mensahe for them at pinapalakas narin ang loob nila.
Habang naglalakad kami pauwi ay bigla- bigla nalang sumigaw si kiana at jillian kaya napatingin kami ni Zywren sakanila. At ang mas pinagtataka ko ay grabe yung tingin nila saakin.
" May alam kana Ciara?" takang tanong ni kiana kaya naguguluhan akong tumingin sakanya
"Pinagsasabi niyo?"
Agad naman nilang pinakita saakin ang laman ng phone. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. Bakit?The new actor and singer Dyn Marc Sanchez is now dating the famous actress Ms. Zeilda Olivia Syn.
Naka attached pa talaga yung picture nila na magkayakap at meron pang nakangiti. Di sana ako maniniwala pero tsngna may picture eh. Bakit naman ganon mahal?
"Ciara wag mag isip kaagad ng masama ha hintayin yung paliwanag ni Dyn." pangumgumbinsi ni Kiana habang naka alalay naman saakin si Zywren kasi nawawalan nako ng lakas.
"Tama si kiana sa ngayon umuwi na tayo at baka parte lang yan ng utos kay Dyn. Mahal ka nun kaya di niya gagawin yun."
Mahal niya ako at may tiwala ako sakanya, yan lang ang pinanghahawakan ko hanggang sa magpaliwanag na siya. Hanggang sa masabi na niya ang lahat ng gusto kong marinig sakin. Nakakapanghina man pero may magagawa ba ako? Parte na to ng pangarap niya kaya lakas ng loob nalang ang meron ako na sana hindi ako masasaktan sa magiging paliwanag niya.
YOU ARE READING
Rock of Love
Ficção AdolescenteThis is the story of love that started with music. Music that everyone is obsessed with. Pero sinong mag aakala na ang isang babae ang nahulog mismo sa taong minahal ang musika. Sa taong naging musika na ang buhay. Dyn Marc is the boy who will do ev...