Chapter 6

57 5 2
                                    

Kenzo Villamar POV

Lunch ay first time kong sumabay kay Jeremiah sa Cafeteria at ito ang unang beses kong makapunta dito, Maingay ang paligid at madaming estudyante, Nakasunod lang ako kay Jeremiah hanggang sa makahanap na ito ng pwesto namin, Inilapag niya ang bag sa lamesa kaya ganun din ang ginawa ko.

" Maupo ka lang dyan, Ako ng bahala sayo " Sabi niya, Nang tumango ako at umupo ay iyon ang naging hudyat para iwan nya na akong mag isa dito, Habang hinihintay sya ay nilabas ko ang diary ko at sinulat ang bagong nangyari sa akin ngayong araw.

Ang Pagtatanggol sa akin ni Jeremiah at ang pagsama ko sa kanya dito sa Cafeteria para sabay kaming kumain, Pagdating ni Jeremiah ay agad kong sinarado ang Diary ko, Inilapag nya ang Tray na may pagkain namin tsaka Napasulyap sa Diary ko.

" Uso pa din pala yung Diary? " Tanong nito, Napatingin ako sa Diary ko at tumango sa kanya.

Para sa akin Diary lang ang kaibigan ko dahil ito ang nakakaalam ng mga nangyari sa akin, Dito ko nalalabas lahat ng sama ng loob ko para mas gumaan ang loob ko.

" Oo " Sagot ko.

" Pwede ko bang mabasa? " Pabirong tanong ni Jeremiah kaya napahigpit ang hawak ko sa Diary ko tsaka ko agad ipinasok sa bag ko.

" Haha, Joke lang I know it's your privacy " Jeremiah, Inilapag sa harap ko ang plato na may limang putahe, Kanin, Ulam, Sabaw at kalahati ng apple, Pagtingin ko sa Plato nya ay ganun din, Binuksan nya din ang Banana milk para sa akin.

" Salamat " Sabi ko dito pero ngumiti lang sya tsaka nagsimula na kaming kumain ng sabay, Nagkwento si Jeremiah tapos akala ko may kasunod pa yun pala sa huli joke lang kaya napapatawa nya ako.

" It should be Transform " Sabi ko dito at napatigil ako ng kumuha si Jeremiah ng Tissue at punasan ang pisngi ko.

" May kanin baka habulin ka ng manok " Sabi nito, Kaya nagpagpag ako ng pisngi kahit natanggal na ni Jeremiah ang kanin, Hindi ko alam na may side palang ganito si Jeremiah.

" Nang hahabol ba yung manok? " Tanong ko dito.

" Seryoso, Hindi mo alam? " Tanong ni Jeremiah, Agad akong umiling at inubos na ang pagkaing nilibre nya sa akin .

" May Farm kami, Gusto mo bang makakita ng Manok? " Jeremiah, Hindi ako nakapagsalita ng yayain nya ako.

" Ohh, Sorry Ito nalang " Jeremiah, Inilabas nya ang Cellphone sa bag at may pinindot duon tsaka iniharap sa akin ang cellphone ng nakangiti at nakita ko ang Isang manok na nagpakunot sa noo ko.

" This is Henna, Her Breed is Silkie " Jeremiah.

" Can it still see you?? " Tanong ko dito at iminuwestra ang bangs na halos hindi na maihawi pa.

" Of course, Hahaha They can hear you naman " Jeremiah at tinago na ulit ang cellphone.

Pagtapos naming kumain ay Aakyat na sana kami, Kaya lang may tumawag sa pangalan ni Jeremiah, Tingin ko kasama nya ito sa Club nila, Nilingon ako ni Jeremiah.

" Ahh, Kenzo Mauna ka na muna sa room babalik din ako agad " Sabi nito.

" Sige " Sagot ko at nang tuluyan na syang mawala kasama ang Tumawag sa kanya ay tumingala ako sa hagdan at nang may marinig akong nagtatawanan ay napaatras na naman ako at nang unti unti itong lumalakas ay lumayo ako duon hanggang sa maisipan ko nalang na tumakbo palayo, Pero pagharap ko sa tatakbuhan ko ay sinalubong ako ni Ralph kaya napaatras din ako upang hindi magdikit ang katawan namin.

" Opps, Oppss, Dahan dahan " Taranta nitong Sabi mabuti at nahawakan nya ako sa braso para hindi ako tuluyang tumumba sa sahig, Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ko at ang kamay ko naman ay napahawak din sa braso nya.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon