Chapter 4

60 7 4
                                    

Kenzo Villamar POV

Bumangon ako sa pagkakadapa ko dito sa kama, pagdating ko ng hapon ay hindi na ako bumangon, nakatulala lang ako at hindi ko alam kung ano ang iniisip ko, Pagtingin ko sa oras ay mag aalas onse na ng gabi.

Lumakad ako papalapit sa study table ko kung saan nakalagay ang Bag ko, Umupo ako tsaka inilabas ang Diary ko, pero may kasama ito Yung Ointment na bigay sa akin ni Ralph kanina sa Milktea shop, Muntik pa itong mahulog dahil madulas ang cover ng diary ko, Mabuti nalang nasambot ko ito.

Pinagmasdan ko ang Bagay na iyom at sinuri, May ibang lenggwaheng nakasulat dito kaya hindi ko ito mabasa, siguro galing pa itong ibang bansa, Tumagal pa ang pagsuri ko dito ng bigla nalang may kumatok sa pinto ko, Mabilis kong itinago ito sa Bulsa ng jacket ko.

Pumasok si Kuya Kreno at sa kama agad dumiretso ang tingin nya pero ng makita nyang wala ako duon ay napatingin sya sa kinauupuan ko agad syang Napangiti at tuluyan ng pumasok ng kwarto, Dumiretso ang tingin ko sa dala nyang paper bag.

" Was that for me? " Nakangiti kong tanong dito at agad kinuha ang Paper bag ng iabot ito sa akin ni Kuya Kreno.

Umupo siya sa gilid ng table ko habang pinapanood akong macurious sa laman ng dala nya na para sa akin, Tumingin muli ako sa kanya at tinanguan lang ako.

" What's This? " Tanong ko dito.

" See for yourself " Sabi nito sa akin kaya sinimulan ko ng buksan ang Paper bag at bumungad sa akin ang Halaman na kung tawagin ay Snake Plant, Natuwa ako dahil may chance pang lumaki ito.

" Are you serious? " Hindi ko makapaniwalang tanong kay Kuya Kreno, He Forbid me from growing a Plant here, mas malinis daw tignan kapag nasa garden ang mga halaman pero ito siya binilhan nya ako ng halaman.

" Yeah, Para kapag wala ako dito sa bahay you've something with you, A Plant that will probably heal you " Sabi ni kuya Kreno, Hinawakan nya ako sa balikat at maingat na hinimas ito.

Yung sintomas ko ay sobrang lala, yung reaction ko sa lahat ng bagay na malapit sa akin ay gusto kong alisin, Kuya Kreno even have to take some time to touch me, Gusto kong mabago iyon, Pero yung katawan ko talaga ang Ayaw, Agad nyang inalis ang kamay nya ng Ilayo ko ang Balikat mula sa kanya.

Ngumiti siya at tinulungan akong ilabas ang Halaman na regalo nya para sa akin, sinabi nya pa kung paano ito alagaan, 2 times to 3 times ko dapat itong mailabas sa mainit at alagaan sa Tubig, May freebies pa ito na Spray Bottle at Gamot sa halaman.

" Thank you, Kuya " Sabi ko dito, Ngumiti sya Tsaka Binuka ang kanyang bisig at inaanyayahan akong bigyan sya ng yakap, Dahan dahan akong yumakap sa kanya at niyakap naman ako ni Kuya Kreno ng mahigpit, Pumikit nalang ako upang mapigilan ang Pag bilis na naman ng tibok ng puso ko, Agad naman bumitaw si Kuya Kreno ng maalala nyang hindi ako maaaring yakapin ng matagal.

Bago ako matulog ay ginamit ko muna ang Bigay sa akin ni Ralph na Ointment, Hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat ko, Kaya sana gumaling ang Sugat ko sa bigay ni Ralph.

Kinabukasan ay mag isa akong pumunta sa Library para maghanap ng librong makakapagbigay sa akin ng Sagot sa binigay sa aming assignment ng Teacher kahapon, Wala kasi sa Internet ang sagot kahit anong search ko.

Nilibot ko ang iba't ibang section ng Library pero mabuti nalang at may nakahulog ng Libro na kagaya ng hinahanap ko, Hinabol ko si Kuya na Naglalakad palayo sa akin pero agad akong napatigil ng biglang tumunog ang Cellphone ko na nakatanggap ng text message.

From: Unknown Number.

Aww! Naghahabol ka pa din pala sa akin? Don't worry Kenzo sa susunod na magkita tayo ulit ikaw na ang hahabulin ko at mapapadasal ka na lang na sana hindi mo na ako hinabol ngayon.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon