Chapter 50

35 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Pinaglaruan ko ang Couple Key chain na bigay sa akin ni Ralph, Couple Key Chain dahil meron din sya sa Cellphone nya, Habang inaantay ko siya sa Pandalawahang lamesa dito sa Paborito nya daw bilhan ng Meryenda, Ako ang unang una nyang nadala dito.

" Ohh " Ralph, Sabay lapag ng Mangkok na may malapot na sabaw.

" What's This? " Tanong ko at pinagmasdan ang isa palang maliit na mangkok na may onion, Garlic, Calamansi at sili, Pinisa ni Ralph ang sili tsaka nilagyan ng Toyo.

" Lomi yan " Ralph, Tumango ako I never had a Lomi in my life this will be the first time, Nakakatakam yung lapot ng sabaw kaya pinagmasdan ko si Ralph na ibuhos ang toyo sa pinisa nyang sili.

" Try mo, Masarap yan " Ralph, Sumandok ako ng sabaw at nagustuhan ko kaagad ang lasa, Yung isang mangkok ay nadagdagan pa ng dalawa.

" Hindi ko akalaing nagutom ka sa ginawa natin " Ralph, Halos mabilaukan ako ng maalala ko ang ginawa namin sa Arcade, Pumasok kami sa isang Cubicle na may videoke at halos mabingi ako sa sobrang lupit nya kumanta, kaya sabi ko sa kanya Magsoccer nalang ulit siya kasi dun sya mas magaling.

" Napagod yung tenga ko " Pabiro kong sabi dito tsaka kunwaring kinalikot yung tenga ko kaya yung reaksyon nya ay inirap nya ako tsaka humigop sa sabaw, Kumurot sya ng tinapay at sinubo sa akin.

" Mas masarap yan pag may tinapay " Sabi nito kaya sinunod ko ang sinabi nya hanggang sa matapos kami sa pagkain.

Ang sarap sa feeling na maghapon lang kaming nagliliwaliw magkasama, Sa susunod na linggo pasukan na ulit at grade 12 na kami kaya mas marami ang oras na hindi kami magkasama, Kailangan pa din nyang magtrabaho para sa kanilang dalawa ng kapatid nya, And He still work for us, Kaya dun na lang siguro kami magkakaron ng madaming oras sa isa't isa.

Hinatid ako ni Ralph sa bahay bago siya pumasok sa kanyang trabaho ngayong gabi, He Update me every single time hanggang sa makauwi na siya, Kaya minsan nakakatulog nalang ako ng nakangiti.

" Bunso, Ganda ng gising mo ngayon ah " Bungad ni Kuya Steven ng maabutan ako nitong nakahiga sa kama na nakatitig at nakangiti sa Ceiling ng kwarto ko, Nahihiya akong umupo para kausapin siya.

" Kamusta gala nyo ng boyfriend mo? " Tanong ni Kuya Steven, Umiwas ako ng tingin at agad nagtakip ng unan sa mukha para hindi nya makita ang kilig ko.

" Ayos lang po, Kuya " Sagot ko dito, Habang nakasubsob ang mukha sa unan.

" Aalis muna kami ng kuya Kreno mo " Kuya Steven, Agad kong inalis ang unan sa mukha ko para kausapin na sya ng seryoso.

" Aalis kayo, Kuya? Saan po kayo pupunta? Hindi ba ako kasama? " Medyo malungkot at nagtatampo kong tanong dito.

" Sa Manila yun, Bunso Babalik din kami agad in fact Nandyan pala ang Boyfriend mo " Kuya Steven, Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

" Eehh?? Si Ralph? " Gulat kong tanong dito at hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon.

Ang Malaman na nandito si Ralph tapos aalis pa sila kuya?? Kabado na may excitement akong nararamdaman, Tumango si Kuya Steven sa akin at itinuro ang balcony ng kwarto ko kaya lumingon ako duon.

" Kausap ni Kreno " Kuya Steven, Mabilis ang ginawa kong paglapit duon at tama nga si Kuya Steven magkausap si kuya Kreno at Ralph sa terrace namin.

" Ralph " Tawag ko kay Ralph at nang mag angat sya ng tingin ay kinawayan ko siya.

" Bunso, Aalis na kami, Bumaba ka na din " Kuya Steven, Kaya nang lumabas sya ay sumunod ako sa kanya, Paglingon nya sa akin ay nagulat pa sya.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon