Chapter 18

35 2 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Nakarating kami sa Rooftop ng Building ng ibang Strand, Hindi alam kung ano ang tawag sa building na ito.

" Bakit sinama mo ako? " Tanong ko dito, Nilingon nya ako at naglakad patungo sa dulo ng Rooftop kung saan tanaw ang buong campus kaya sumunod ako sa kanya.

" Ang laki pala talaga ng school natin " Sabi ko dito, Tumango siya.

" Magkakaroon pa yata ng extension sa likod para gawing Softball field " Sabi nito, Nilingon ko siya ibig sabihin napakayaman na ng may ari ng school.

" Ito ang pinakamayamang school dito sa buong Bulacan, Lalo na Sa pag dodonate ng mga estudyanteng may mayayamang magulang kaya Mas mapapalawak pa ito kung makuha ang donasyon na hinahabol ng school ngayong taong " Ralph, Hindi lang mayaman baka matawag na itong Prestigious All Boys School dahil Sa Gagaling ng nga estudyante dito sa lahat Activities, Competition at hakot awards, Nakita ko ang mga iyon sa Cabinet na meron sa Dean Office.

" Ano nga palang Course mo? " Tanong ko dito.

" Uhmm, Tech-Voc CSS ako " Sabi nito.

" Magkaklase kayo ni Joshua? " Tanong ko, Umiling siya.

" GAS si Joshua " Sagot niyo, " Hindi pa daw nya alam kung anong gusto nya sa buhay, Kaya ayun GAS ang Strand na kinuha " Ralph.

Tanaw mula dito sa Rooftop ang  quadrangle kung saan ginaganap ang Booth festival at may palive band din sa Stage kung saan gaganapin ang Spoken Poetry mamaya, Nilingon ko si Ralph ng tumalikod sya sa pader at umupo ng nakasandal dito, Yung isa ay nakastraight sa Sahig habang yung isa ay nakatayo ang tuhod, Nag angat sya ng tingin sa akin.

A/N: Sa Rooftop nagsisimula ang lahat!!

Pinagpagan ni Ralph ang tabi niya upang yayain akong umupo duon, Nag iwas ako ng tingin pero nagbaba din agad ng tingin ng hinlahin nya ang pantalon ko pababa, Sinenyasan nya ulit akong umupo kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo din, Hayst!!

Umupo ako pero umusod din ako ng kaunti para hindi kami magdikit, Napalingon sya sa ginawa ko sabay iling ng nakangiti.

" Ang Conservative mo " Sabi nito ng nakangiti, Hindi ako sumagot at pinahinga ang likod ko sa Pader, Lumingon siya sa akin kaya sumulyap ako pabalik sa kanya, " Galit ka ba sa akin? " Curious nitong Tanong.

" Hindi, Bakit? " Sagot ko dito, Nagkibit balikat sya at tumingin ng diretso sa harap ganun din ang ginawa ko.

" Hmm, Dahil sa Ginawa ko sa Soccer field? " Sabi nito, Bumaling ako ng tingin sa kabilang side.

" Mag sosorry ka ba? " Tanong ko dito, Sabay kaming lumingon sa isa't isa at nakita ko ang pag iling nya, Kumunot naman bahagya ang noo ko.

" Bakit hindi? " Tanong ko dito.

" Hmm, Ang weird siguro kapag sinabi kong nagustuhan ko yung ginawa ko " Sabi nito, Napatikom ako ng bibig dahil sa sinabi niya.

" Nagustuhan mo? " Tanong ko sa kanya, Tumango siya at tumingin muli sa harap.

" Yup " Sagot nito at pumulot ng maliit na bato tsaka ibinato ng malakas, Sabay ngiti.

" Paano kaya kung may matamaan na dumadaan sa baba? " Nakangiting tanong ni Ralph, Nagkibit balikat ako.

" Baka umakyat yung natamaan mo ng bato dito sa Rooftop " Sabi ko dito, Nag reak naman siya.

" Hindi niya maiisip na sa Rooftop galing yung bato kasi bawal umakyat dito ngayon " Sabi nito, Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon