Birthday Part 1
Kenzo Villamar POV
Hindi ko alam kung paano pa ako nakabalik sa Classroom namin, Ewan nakay Ralph pa din talaga ang isip ko hindi agad mawala wala yung Init na sinimulan nya, Ibig sabihin ba nito.
May Chance talaga kami?? What about Stacey?? Ayaw ko munang istressin ang sarili ko, Kaya humiga muli ako sa kama, May tinawagan na pala sina kuya Kreno na cattering nagset up na din sila kagabi, Hindi naman kailangan bonggang pa blow out.
Dahil kaunti lang naman ang kilala kong pupunta, Siguro nag imbita sila kuya ng Bisita nila para hindi sayang yung pagkain.
" Kenzo " Kumatok si Kuya Steven sa pinto kaya agad akong bumangon at inayos ang itsura ko.
" Kuya " bungad ko dito ng makita siyang may dalang tray ng pagkain.
" Happy Birthday " Bati nito ng maibaba na ang tray sa lamesa, Ang akala ko ay yayakap lang siya pero tumalon sya sa ibabaw ko para yakapin at papakin ng halik sa mukha, Natawa nalang ako dahil ang sweet sweet nya, Kiniliti ko siya sa Tagiliran para umalis siya sa ibabaw ko.
" Parang dati ang liit liit mo pa " Sabi ni kuya Steven, " Ganito oh " Ipinakita ni kuya Steven ang daliri nyang may maliit na sukat, Tinawanan ko lang iyon at umayos ng upo sa kama.
" May Bisita ka sa baba " Kuya Steven.
" Ha?? Ang Aga pa po " Sabi ko dito kaya tumawa sya at lumapit para bumulong.
" Maaga talaga ang manok ko " Sabi nito kaya nangunot ang noo ko sunod ay sabay kaming napatingin sa pinto ng kwarto ng bahagya itong bumukas tapos lumitaw ang ulo ni Ralph.
Agad akong napatingin sa itsura ko, Hindi pa ako nakaayos, Bago pa mapapasok ni kuya Steven si Ralph sa kwarto ko ay tumakbo na agad ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush, Hindi ako informed na maaga syang pupunta at papasok sa kwarto ko, Matapos kong mag ayos ay lumabas na ako, Wala na si kuya Steven sa kama pero nandun pa din ang tray ng almusal ko sa lamesa.
Mabuti naman at iniwan na muna nila ako, Agad akong lumapit sa pagkain para kumuha ng isang slice ng sandwich, Tsaka kumagat duon.
Alam ko na agad kung sino gumawa nito, Kinuha ko din ang Maligamgam na gatas tsaka sumilip sa bintana ko, May mga nag aayos ng tables at may isa pang sasakyan, Siguro iyon ang nagdeliver ng pagkain para sa catering nila ngayon.
Humarap ako sa loob at halos manigas sa lalaking nakaupo ngayon sa sofa ko, Kanina pa ba sya nakaupo duon?? I didn't even bothered to look at my sofa kasi kita naman sa Peripheral vision ko pero bakit hindi ko napansin??
" Sinong sinisilip mo dyan? " Tanong nito ng prenteng nakaupo sa sofa ko, Agad kong inilapag ang baso ng gatas para lapitan siya.
" Akala ko lumabas ka na " Sabi ko dito, Kinuha ko ang remote ng aircon ko para bawasan ang lakas nito, Pagbaba ko ng remote ay hinawakan agad ako ni Ralph sa kamay para hilahin palapit sa kanya.
" Ralph " Saway ko dito, Pero niyakap nya lang ako, Kumagat ako sa sandwich ko kaya kumagat din siya duon at hinalikan ako ng mabilis, Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil unexpected action yun, Mula sa kanya.
" Happy Birthday, Kenzo " Bulong nito sa tenga ko kaya napapitlag ako, Tinignan nya ako ng natawa dahil sa reaksyon ko sa ginawa nya.
" Salamat, Bakit ang aga mo naman? " Sabi ko dito, " May kasama ka ba? " Tanong ko pa.
" Wala, May pupuntahan ang kapatid ko, Gusto ko ngang makilala nyo ang isa't isa " Sabi nito.
" Hmmm? Bakit naman? " Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
Hayran KurguLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...