Kenzo Villamar POV
Dumaan ang tatlong araw at tuwing tapos nila Ralph magpractice ng soccer ay hinahatidan ko siya ng tanghalian dahil iyon ang request nya at tuwang tuwa naman siya dahil ako lang daw ang taong nagtyatyagang dalhan sya ng pagkain, Wala naman itong kapalit, Kasi Nawawala na din yung stress ko sa nakaraan.
Nakakatulong si Ralph sa paggaling ko, Alam ko dahil ramdam ko sa sarili ko iyon.
Ramdam ko ding unti unti ko syang nagugustuhan, Bawat oras ay hindi siya nawala sa isip ko, Kahit pa nasa klase ako ay siya lang ang naiisip ko.
Ngayon ay maaga kaming nandito sa School para handaan ng Lunch box ang Soccer members, Takang taka na sa akin si Cjay at Ten kung bakit sipag na sipag akong tumulong ngayong umaga, Itinabi ko ang baunan na para kay Ralph ako mismo ang magbibigay sa kanya nito sa Bus nila mamaya.
" Bakit kulang? " Tanong ni Cjay, Matapos bilangin ang Lunch Box na ginawa namin, Agad kong kinuha ang Lunch box ni Ralph para ipakita sa kanila.
" Ohhh, Bakit iba yan ng lalagyan? " Turo ni Ten.
" Ah---- " Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagyaya nalang agad si Cjay na dalhin na lahat ng pagkain, Mahirap na kapag nalate kami, Nakarating kami sa Kalsada ng school kung saan nakaparada ang isang Bus na may nakasulat na pangalan ng school namin, Nakapila na lahat ng Members ng club kaya isa isa namin pinamigay ang mga lunch box.
" Ingat " Sabi ko sa huling nabigyan ko ng Lunch box, Napatingin ako sa huling lunch box na hawak ko, Wala pa ang taong pagbibigyan ko nito,Agad akong Napalingon sa Mga Players ng magsimula na silang maglakad, Teka!! Aalis ba sila ng wala si Ralph??
" Kenzo " Napalingon ako kay Joshua ng tumigil ito sa harap ko.
" Hinihintay mo si Ralph? " Tanong nito, Agad akong umiling.
" Sagutin mo muna tanong ko " Joshua.
" Anong mas malayo? Buwan o Mindanao " Tanong nito, Kumunot naman ang noo ko, Anong kinalaman ko sa Buwan at Mindanao?
" Ano? " Tanong ko dito, Napakamot naman sya sa ulo nya.
" Kaya nga tinatanong kita eh " Sabi nito.
" Buwan " Sagot ko sa tanong nya, Tumawa naman siya na parang napakatalino nya.
" Mali " Sabi nito.
" Eh Ano? " Tanong ko ulit dito, Pero para sa akin tama ako, Malayo naman talaga yung Buwan.
" Mindanao " Sabi nito.
" Bakit naman naging malayo yung Mindanao? " Tanong ko dito, Isang sakay mo lang ng eroplano nandun kana.
" Kasi yung Buwan tanaw mo yung mindanao hindi mo tanaw " Paliwanag nito, Napa Ahh ako, Gusto kong tumawa pero may pumipigil sa akin Dahil Ang Corni.
" Ahh, Hahaha " Sakay ko nalang sa joke nya.
" Akin na yung Lunch Box ni Ralph ako na magbibigay sa kanya " Sabi nito at sinubukang kunin sa kamay ko ang dala ko.
" Hindi na, Hintayin ko nalang sya " Sabi ko dito, Napalingon naman si Joshua sa Gate at nagkibit balikat.
" Sige, ikaw bahala " Joshua.
Nang tangkain nyang pumasok na sa Bus ay agad ko siyang pinigilan, Baka nga hindi makasabay sa kanila si Ralph, Agad ko nalang itong binigay kay Joshua.
" Pakibigay ah " Sabi ko dito, Agad syang ngumiti at sumaludo sa akin.
" Yes, Boss " Sabi nito at kumaway sa akin, Pati na sa dalawa kong kasama, Tumabi ako kay Cjay at Ten na nakatanaw sa papaalis na Bus ng Soccer club.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...