Chapter 26

34 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Tuesday ay maaga ang call time sa amin ng Cooking Club, Dahil magluluto na naman kami ng lunch para sa Soccer players, Mag papractice na naman sila sa ibang lugar kaya ito ako Todo hiwa at halo ng niluluto.

Tumingin ako sa Orasan ng matapos kami at mabuti nalang may 30 minutes pa kami para ipamigay ang mga lunch box ng soccer players, Tag dadalawa kaming Plastic na dala, Lunch box at tubig.

" Ayan na ang Cooking Ina Club " narinig kong sabi ng isang player sabay tawanan sila, Tsk! Pasalamat sila inaayos pa namin ang pagluluto ng lunch box nila, Lahat sila nanduon at nang mapatingin ako kay Ralph ay nadismaya ako ng makitang may hawak na syang Lunch box at yung pinaglalagyan nun ay pambabae.

" Pre, Pahingi nyan ah " Narinig kong sabi ni Joshua kay Ralph habang isa isa namin silang binibigyan at nang si Ralph na ang bibigyan ko ay sumabay si Ten sa akin, Tapos kay Ten yung kinuha niya kaya agad kong inabot kay Joshua yung lunch box na para kay Ralph, Errr!

" Bakit kumuha ka pa, Pre?! meron ka na ngang Lunch box galing sa Girlfriend mo eh Nagbalikan na ba kayo? " Narinig kong sabi ni Joshua kaya napahigpit ang kapit ko sa Lunch box, Gusto kong marinig yung sagot ni Ralph.

" Uyyy! yun ohh, Ang Pogi talaga ng tropa ko hahahaha!! " Biglang sabi ni Joshua kaya napalingon ako sa kanila, Anong sagot ni Ralph?? Hindi kasi siya nagsalita, Nang lumingon ako ay nakamasid pala sa akin si Ralph kaya agad kong ibinigay sa isa ang Lunch box sabay nauna ng umalis kaysa Kina Cjay at Ten.

Mabilis akong tumakbo sa Soccer field at nagtatakbo ng ilang beses paikot duon, Ahhhhh!! Nakipagbalikan na ba sya?! Muntik ko ng makalimutan pinayuhan ko pala syang itry muna nya ulit kay Stacey ng wala ako, Ibig ba nitong sabihin walang chance na may gusto sya sa akin??

" Aaahhhhhh!! " Sigaw ko, Dahil ako lang naman mag isa nandito, I hate what I'm Feeling now.

Why????

Unti unti kong narealize na, Hindi basta basta napipilit ang love kusa yang dadating pero nagkusa naman, Nagkusa nga lang din umalis, Eerr!!

" Ohh, Hi Kenzo? " Bati sa akin ni Doc ng pumasok ako sa Clinic nya, Tinakbo ko din kasi yung clinic ni Doc para dito tumambay.

" Are you okay? " Tanong ni Doc, Agad akong umiling kaya pinaupo nya ako sa pinakadulong kama.

" Umiyak ka ba? " Tanong nito at agad ginamit ang Laboratory gown nya para punasan ang mata ko pero agad kong ibinaon ang mukha ko sa Suot nya, Gusto ko lang ng may taong makakasama, Dahil hindi ko kayang ikwento ang nangyari, Ang dahilan ng pag iyak ko.

" It's Okay, Kenzo Iiyak mo lang iyan " Bulong nito sa akin at hinihimas ang likod ko para pagaanin ang loob ko, Siguro ngayon nasa byahe na sila patungo sa lugar kung saan sila magpapractice at siguro kailangan ko na din kalimutan yung mga nangyari between me and Ralph.

" Sorry po, Naabala ko pa kayo sa work nyo, Doc " Nauutal kong sabi dito habang nahikbi pa, Agad syang umiling sa akin.

" You are not a Bothered to me, Kenzo kapag nandito ka nga, Mas nafefeel kong isa akong adult " Sabi nito ng nakangiti tapos ibinalik ang pagkakabaon ng mukha ko sa gown nya.

" I don't mind you being here, Kaya kung gusto mong magstay pa ng matagal, Go Hindi kita pagbabawalan, Pero hanggang Lunch ka lang, Ipapasundo kita kay Jeremiah kapag gumising ka na" Banta ni Doc kaya ngumiti ako at tumango, Inalalayan naman nya akong makahiga na sa Kama, Siya na din ang nagkumot sa akin.

" Magpahinga ka na at mamaya lang mawawala na rin yung sakit ng kung ano mang nararamdaman mo " Doc, Kaya nag ngitian kami bago siya tuluyang umalis sa Pwesto ko, Nakatitig lang ako sa Kisame hanggang sa Nakatulog na ako duon nagising nalang ako ng may humihimas ng kamay ko na nakarest sa Dibdib ko at bahagyang pag aayos nito sa Buhok ko.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon