Chapter 43

31 0 0
                                    

Ceejay 'Cjay' Agustin POV

Nakatulog ako sa Bus na sinakyan ko pabalik ng Bulakan and Pagdating ko sa dorm ay nakasalubong ko si Ten na may dala dalang Cup noodles, Kakawayan nya sana ako kaya lang nakita nya ang itsura ko.

" Pre, Anong nangyari sayo? " Nag aalala nitong tanong sa akin.

" Bakit puro pasa ka?? " Ten, Yumakap ako sa kanya bilang suporta, I just want to rest.

" Cjay " Ten, Agad akong umiling at mas sumiksik pa sa leeg nya.

" Pre, Pre!! Pwede bang patulong lang saglit, Dalhin natin sa Kwarto " Narinig kong sabi ni Ten sa bagong dating, May Humawak sa Isa kong kamay para iakbay sa kanya.

Pagkahiga ko sa Kama ay kinumutan ako ni Ten para hindi ako lamigin sa lakas ng Aircon ng Kwarto nya.

" Nilalamig ka ba? Pre, Salamat ah sayo nalang yung Cup noodles ko " Ten, Habang hinihimas ang Braso ko.

" Sayo na yun " Sabi nung tumulong sa amin.

" Ikaw na binibigyan, Ikaw pa galit, Gago ka talaga " Ten, sabay tawa Sinarado ng tumulong sa amin ang Pinto kaya nagmulat ako ng mata.

" Cjay, Ano bang nangyari?? " Ten, Agad akong umiling at pumikit ulit, Naramdaman ko ang hawak nya sa Noo ko at nang maramdaman ko yung lamig ng kamay nya ay tinapik ko ito palayo.

" Iwan mo na ako " Sabi ko dito.

" Anong Iwan? Tangahin ka ba? Kung nakikita mo lang sana itsura mo ngayon, Ano ba kasing nangyari?? Ang taas ng lagnat mo " Ten.

" Wala kang pakialam, Dun ka na " Sabi ko dito at sinubukang makaupo, Bahagya ko ding tinulak ang tuhod nyang nakalagay sa tabi ko.

" Anong dun ako? Nasa Kwarto kita " Ten, sinamaan ko ito ng tingin.

" Babalik na ako sa Kwarto ko " Sabi ko at sinubukang tumayo kaya lang lintik na pwet yan!!!

" Oh! Oh! Oh! Tatayo ka Kita mong nanghihina ka, Humiga ka lang ulit, Mamaya ka na bumalik sa kwarto mo kapag ayos na ang pakiramdam mo " Ten, Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa maihiga nya ako ng ayos.

" Dito ka lang, Kukuha lang ako ng tubig na may Planggana? " Sabi ni Ten, Nangunot ang noo kong nakatingin sa kanya.

" Bobo " Kumento ko.

" Aay, Plangga na may tubig pala " Ten sabay alis sa tabi ko, Nang mag isa nalang ako ay natawa ako, Nilabas ko ang cellphone ko para tignan kung nagtext ba si Aldrin, Pero wala!! May mas isasakit pa ba dito??

Bumalik si Ten na may bitbit ng plastik labo, Nilapag nya ito sa side table nya, Tapos yung Planggana na may tubig ay kinusutan nya ng bimpo, Tapos Hinilamos sa mukha ko, Nalasahan ko pa nga yung sabon na safeguard.

" Ano ba?? Bakit masabon?? " Inis kong tanong dito, Kaya napahinto sya sa pagpupunas sa akin ng sabihin ko iyon.

" Mas giginhawa ka daw kapag may sabon " Ten, Kumunot na naman ang noo ko.

" Sino namang tanga ang nagsabi nyan sayo? " Ako.

" Si Aldrin, Nagtext ako sa kanya kung anong pwedeng gawin sa may lagnat na tao " Ten, Agad akong napabalikwas ng upo.

" Magkatext kayo ni Aldrin?? " Tanong ko dito.

" Oo " Ten.

" Patingin " Ako, Habang nakalahad ang kamay.

" Anong patingin? " Ten.

" Akin na muna yung Cellphone mo " Ako.

" Oh " Ten, Inabot nya ang nakaopen na text nila ni Aldrin, Hindi sinabi nibTen na ako ang may sakit kaya parang nagkasakit pa ako ng malala, Hindi na yata ako mabubuhay pa.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon