Chapter 48

29 1 0
                                    

Kier Ralph Ledesma POV

Hindi ko na alam kung karapatdapat pa ba akong habulin ni Kenzo, Bakit nalang ba laging si Jeremiah ang nakakasama ng lahat??

Si Stacey si Jeremiah ang takbuhan kapag nag aaway kami, Ngayon naman si Kenzo, Ano ba talaga ako sa kanila?? Ano ba talaga ako kay Kenzo??

" Ralph!! " Tawag sa akin ni Kenzo, Sunod ay napahinto ako dahil hinila nya ang palapulsuhan ko sabay harang sa dadaanan ko.

" Bakit ka nandito? " Seryoso kong Tanong dito.

" Hinabol kita " Sabi nya, Napasuklay ako ng buhok ko palikod.

" Alam mo, Bumalik ka nalang dun " Ako, Sabay turo pabalik sa bahay nila, Kung hindi naman nya ako balak kausapin tungkol sa mga ganitong bagay

" Ralph, Ano ba? " Inis nyang tanong.

" Anong Ano ba?? Feeling ko nagpapakatanga nalang ako dito, Ano! ako yung boyfriend mo pero si Jeremiah lahat ang nakakaalam ng mga sikreto mo? Bakit hindi mo sa akin sinabi? " Gigil kong sabi dito.

" Bakit hindi mo ako magawang kausapin man lang sa mga ganung nakita mo, Kenzo Hindi sya yung makakapagbigay ng totoong nangyari, Ako, Sa akin ka dapat nagsasabi " Hinanakit ko dito.

" Natatakot ako sa magiging eksplenasyon mo " Kenzo.

" Kenzo, Walang magagawa yang takot mo, Kung hindi mo naman kayang makipag usap at makipag ayos ay mas mabuti ng maghiwalay nalang muna tayo " Sabi ko dito, Labag man sa loob ko ay tinalikuran ko siya, Pero naramdaman ko ang bigla nyang pagyakap sa tiyan ko, hindi lang ako tuluyang makaalis.

" Ralph " Nakikiusap nitong tawag sa pangalan ko pero iniwan ko na siya, Dumiretso nalang ako sa Trabaho ko sa 7/11, Ginugol ko ang oras ko sa pagtatrabaho.

Dumaan ang ilang linggo na hindi ako nagpaparamdam kay Kenzo, Pero alam kong kasama nya pa din si Jeremiah, Mukhang wala din talagang balak tumigil si Jeremiah, Pero alam ko namang wala akong magagawa dun, Dahil hindi ko hawak ang puso nya.

Gumraduate ang kapatid ko, Kaya mas natuon ang atensyon ko sa kanya, Mula sa pagkain naming dalawa sa labas para mag celebrate ay umuwi na din kami, Naabutan ko ang Kotse nila Kenzo sa labas ng bahay, Kaya kinabahan ako.

" Sino yan, Kuya?? Bagong lipat? " Tanong ng kapatid ko.

" Ahh, Mauna ka na muna sa loob " Utos ko sa kapatid ko, nakangiti itong tumango sa akin at agad pumasok sa bahay namin, Nilapitan ko ang kotse nila Kenzo, Lumabas mula sa Driver seat si Kuya Kreno na nakasalamin at nakasuot ng pang alis.

" Ralph " Seryosong tawag ni Kuya Kreno sa pangalan ko.

" Kuya Kreno " Tawag ko din pabalik sa kanya, Tinanggal nito ang salamin para maayos kaming makapagusap, Inantay ko pa kung may ibang kasama pa si Kuya Kreno sa kotse pero wala na.

" Hindi ko kasama si Kenzo, Hindi din nya alam na pumunta ako dito " Kuya Kreno, Lumingon si Kuya Sa bahay namin sabay balik din ng atensyon sa akin.

" Nagtataka ka siguro kung bakit ako nandito? " Kuya Kreno, Tumango ako.

" Parehas tayong panganay, Kaya alam ko yung Feeling na pagprotekta mo sa kapatid mo, Ganun din ako, I don't want to get between in your relationship with my brother pero hindi ko kayang makita syang nasasaktan at umiiyak na naman, Alam kong wala akong karapatang makiusap pero Sa tingin ko tanging ikaw lang, Ralph ang makakapagpabalik ng sigla ng kapatid ko " Kuya Kreno.

" Wala na po kami ni Kenzo " Sabi ko dito, Pero nang sabihin ko iyon ay para akong sinasaksak sa lalamunan.

" Alam ko, Kaya nga nakikiusap ako ngayon Ralph, Kung ayaw mo na talaga, hindi kita mapipilit, Dalawa lang kasi ang pinag iisipan ko ngayon, Una, Ilayo siya sayo, Pangalawa, Hayaan syang masanay na nasasaktan, Pero bilang kuya Hindi ko kayang makita syang ganun, Tapos na ako sa panahong tiisin ang pag iyak nya, Kaya kung wala ka na talagang balak balikan ang kapatid ko, Tatanungin kita, Hindi mo na ba siya mahal? " Kuya Kreno, Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa tanong ni Kuya Kreno, Mahal ko si Kenzo pero may magagawa ba yung pagmamahal ko kung wala naman syang tiwala sa akin??

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon