Kenzo Villamar POV
Kinabukasan ay nakangiti akong pumasok ng School pero nawala din agad iyon ng makita kong walang Ralph na nakaabang sa akin sa Entrance ng school, Late kaya sya??
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero si Jeremiah ang nakasalubong ko, Matamlay ito pero ng makita nya ako ay parang nawala ang tamlay nya sa umagang ito, May Band aid na ang pasa na nakita ko sa mukha nya.
" Good Morning, Kenzo " Bati nito sa akin kaya napangiti din ako sa kanya, Hindi ko na mahihintay pa si Ralph Dahil sumabay na ako kay Jeremiah.
" Manood ka ng Badminton Practice namin mamaya, Kenzo " Request ni Jeremiah ng paakyat na kami sa Classroom namin, Nakasalubong pa namin si Ten na may kasamang ibang member ng cooking club mukhang ito ay kabatch nya, Bumati kami sa isa't isa pero hindi na sila nagtagal pa duon, Mukhang may dinala lang sila sa Building namin.
" Kenzo, Ha?? Manood ka " Nakangiting sabi ni Jeremiah, Kaya tumango ako sa pagyayaya nya sa akin.
" Promise, Ha?? " Jeremiah, Tumango ako.
Dumating ang Teacher namin at nagdiscuss ito tsaka nagbigay ng isang writen test at Nagpaassignment din ng isa, Nang maglunch break ay Sabay na naman kami ni Jeremiah kumain, As usual Nilibre na naman nya ako, Mukhang masaya naman sya tuwing ililibre nya ako kaya hindi na ako naangal pa.
" Punta lang ako sa Clinic, Ah " Paalam ko kay Jeremiah dahil nakasalubong namin ang isa nyang kamember sa Badminton.
" Sige, Susunod ako " Sabi nito kaya tumango ako, Naabutan ko si Doc na nagsusulat sa papel at nag angat sya ng tingin sa akin ng umupo ako sa upuang nasa harapan ng lamesa nya.
" Hi, Doc " Bati ko dito, Kumunot ang noo nito.
" Nandito ka din?? Anong meron sa araw na ito at kayong mga bata kayo ay trip na trip nyong tumambay dito sa clinic ko " Kunwari ay galit nitong sabi, Kaya ngumiti ako ng nagpapaawa, sabay hawak sa Tiyan ko.
" Masakit po ang Tiyan ko, Doc " Palusot ko dito, Sinenyasan nya akong tumayo at dinikit nya sa Tiyan ko ang Stethoscope nya.
" Alam ko na ang Sakit mo, Gutom ka " Sabi nito kaya agad akong umiling.
" Kakatapos ko lang po kumain, Doc " Sabi ko dito at pinag igihan pa ang pag arte sa kanya.
" Oh, Edi Busog ka normal lang sumakit ang tiyan kapag nasobrahan sa pagkain, Baka nabigla lang ang Tiyan mo " Sabi nito, Muli akong umiling tskaa pumikit.
" Hindi po, Iba yung sakit na nararamdaman ko, Doc " Habol ko, bahagya nyang ginalaw ang salamin na suot para maayos akong makita.
" Iba? " Tanong nito, tumango ako, " Baka natatae ka lang " Sabi nito, Umiling ako.
" Hindi ako natatae, Doc " Sabi ko dito, Dahil pati ako nawawalan na ng pwedeng maisip na palusot sa kanya.
" Ano ba talagang nararamdaman mo? Ipaliwanag mo kasi, Doctor ako hindi ako manghuhula " Sabi nito na medyo nababadtrip na sa akin, " Alam mo, 'Wag ka nalang pala magpaliwanag, Humiga ka nalang sa Kama " Sabi nito at tumayo para pumunta sa kabilang bahagi ng clinic, Agad akong humiga sa kama tsaka tumagilid para makatulog ng ayos.
" Pffftt, Hahaha Loko " Napamulat ako ng marinig ko ang pagtawa ng isang tao, Lumingon ako sa Kabilang kama, Nakita ko ang anino ng Isang tao na nakahiga at nakataas ang kamay nya, Kaya nangunot ang mata ko.
Umupo ako sa kama at walang sabi sabing binuksan bigla ang Kurtina na nagsisilbing takip ng mga pasyente dito sa Clinic ,Parehas kaming nanlaki ang mata ng makita namin ang Isa't isa.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...