Kenzo Villamar POV
Bumalik kami ng sumapit ang dilim, Tinext ko si Kuya Steven na kung maaari ay sa Store nalang na pinagtatrabahuhan ni Ralph nya ako sunduin.
Pagdating namin duon ay sinermunan agad si Ralph kaya naguilty ako, Kung hindi ako sumakay sa bike nya kanina sana nagtatrabaho na siya ngayon at sana hindi siya napapagalitan, Nang matapos ang panenermon ay nagbihis na si Ralph ng uniform nya, Habang ako ay nandito sa Upuan na itinuro ni Ralph.
Tumunog ang Cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa Bulsa ko, Nagreply si Kuya Steven na malapit na sya, Hindi ko na kailangan pang sabihin ang address dahil nakarating na naman sya dito.
" Nasan na daw si Kuya Steven? " Tanong ni Ralph na may dala dalang basahan.
" Ahh, Malapit na daw sya " Sagot ko dito, Sinimulan nyang magpunas ng lamesa ko at magwalis tapos magpatuyo ng mop, Pinanuod ko lang syang gawin ang trabaho nya.
" Sorry, Napagalitan ka ng Boss mo dahil sa akin " Sabi ko dito, Habang pinaiikot ko ang cellphone sa kamay ko.
" Wala yun, Ang mahalaga okay ka na nakakangiti ka na and mas nakakatuwa na alam kong ako ang dahilan ng mga ngiti mo " Matamis nitong sabi at kinalabit ang Chin ko, Agad nangunot ang noo ko at hinimas ang Baba ko.
" Hangin " Sabi ko dito, Ngumiti lang sya at nagkibit balikat bago bumalik sa ginagawa nya.
Hindi na kami nag usap pa dahil may dumating ng customers, Sa Tingin ko may mahaba at nakakapagod na gabi na naman si Ralph ngayon, Kung ako ang kapatid nya, Magiging Proud ako dahil may kuya akong katulad nya, Nagkatingin kami at napangiti ako ng kumindat sya sa akin, Saktong pagkaalis ng last customer nya ay dumating ai Kuya Steven.
" Hi " Bati nito sa amin, Dumiretso sya sa mga pagkain kaya lumapit muna ako kay Ralph.
" Paano ba yan, Mauuna na kami " Paalam ko dito, ngumiti sya at tumango, sabay kaming napalingon kay Kuya Steven ng ilapag nito sa counter ang dalawang can beer at tsistsirya.
" Kuya Steven, Mukhang mapapasabak ka sa alak ngayon ah " Sabi ni Ralph, Nakangiti namang umiling si Kuya Steven sabay abot ng bayad ng matapos ipunch ni Ralph lahat.
" Kenzo? Baka may gusto ka? " Tanong ni kuya Steven, Pero umiling ako May Mint choco pa naman ako sa bahay.
" Mint Choco?? " Ralph, Umiling ulit ako at sabay kaming napatingin kay Kuya Steven ng magtakip ito ng bibig.
" Alam na alam, Ralph ahh " Nakangising sabi ni kuya Steven.
" Eh, Yun kasi yung lagi kong nakikitang kinakain nya sa bahay nyo " Ralph, sabay sulyap sa akin.
" Sus, Ang Cute nyong dalawa " Kuya Steven habang tinuturo pa kami ni Ralph, Kunwari ay naiinis kong hinuli ang daliri nya.
" Uyy, Nagbablush ka Kenzo?? " Tuloy pa din ni Kuya Steven kaya agad ko syang Hineadlock.
" Ahh, Aray! Ikaw, Kenzo Nang Heheadlock ka na ah " Kuya Steven, tumawa naman si Ralph at agad inabot ang plastik na pinaglalagyan ng pinamili nito.
" Ingat po kayo, Kuya Steven " Nakangiting sabi ni Ralph at mukhang nag eenjoy na makita akong nahihiya.
" Don't worry, I'll take good care of your Boyfriend " Kuya Steven, Nanlaki ang mata ko at mas hinigpitan ang Pagheadlock sa kanya.
" Hindi kami magboyfriend " Sabi ko dito.
" Oo na, Oo na, Bitaw muna nasasakal na ako hahahaha " Kuya Steven niluwagan ko naman ang pang heheadlock ko, Kaya lang mabilis ang galaw nyang lumayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...