Kenzo Villamar POV
Napalingon naman sa akin si Jeremiah at ibinigay sa akin ang menu, Hindi ba siya yung muntik ng umiyak?? Kinuha ko ang menu at napatingin kay Ralph na may masamang tingin na naman kay Jeremiah at nang makita nya akong nakatingin ay agad syang ngumiti.
Two faced yan??
Napailing nalang ako sa inaasta nya." Pili ka lang, Libre na kita Kenzo " Sabi ni Ralph habang nakangiti.
" Ako, Pre? Hindi mo ba ako ililibre? " Tanong ni Thomas.
" Si Kenzo kayo? " Tanong ni Ralph.
" Ayy, Bakit si Kenzo lang ililibre mo?? Tropa mo din kami, Diba Pre? Diba Jeremiah " Nanghihingi ng kakamping sabi ni Thomas, Kaya tumango si Jeremiah.
" Ahhh, Nagkampihan pa talaga kayo ahh?? Joshua ohh " Sumbong naman ni Thomas kay Pulang buhok, Agad umusod palayo si Joshua kay Ralph.
" Bahala ka dyan, Pre Libre mo din ako " Joshua, Nanlaki naman ang mata ni Ralph dahil Apat na ang ililibre nya.
" Ako nalang manlilibre " Presinta ko sa kanila, Nagkatinginan naman sila at napadako ang tingin ko sa bagong dating sina Cjay, Ten at Aldrin.
" Uyyy, Sinong manlilibre?? " Tankng ni Cjay.
" Uyy, Cjay!! " Nakipag apir naman sila sa isa't isa, Habang si Jeremiah at Ralph ay tumango lang sa mga bagong dating.
" Pwedeng maki upo? Wala na kasing available na lamesa " Sabi ni Cjay kaya napalingon kami, andami dami ngang lamesang available pero dito pa nila naisipan makisiksik?
" Pre, May nakikita ka bang hindi namin nakikita? Napakadaming lamesang walang tao oh " Lingon ni Joshua sa paligid, Parang si Joshua ang utak ko kasi siya na yung nagsabi ng sinasabi ko ng utak ko, Nagkatinginan na naman kami ni Aldrin at bumaba ang tingin ko kay Ralph, Nakakunot na naman ang noo nya at nilingon si Aldrin na katabi ni Ten, Sabay lingon ulit sa akin.
Tinaasan ako ng kilay ni Ralph, Kaya iniwasan ko siya.
" Malungkot kasi kapag tatlo lang kami sa lamesa, Walang maingay " Cjay at agad pinaupo si Ten at Aldrin sa side namin ni Jeremiah, pumwesto si Ten sa dulo kaya si Aldrin ang umupo sa tabi ko, Mukhang napansin ni Jeremiah na uncomfortable ako sa pwesto ko kaya tumayo sya tsaka ako tinapik sa balikat.
Nilingon ko sya na nakahawak na sa balikat ko mula sa likod.
" Usod ka sa pwesto ko " Sabi nito, Nilingon ko ang inalisan nya tsaka sinunod ang utos nya, Nagpasalamat ako ng makaupo na sya sa inalisan ko.
" Thanks " Sabi ko dito.
" Wow!! Ang sweet naman " Kumento ni Cjay, Nakiasar din naman si Thomas at Joshua, Si Ten naman nakikitawa lang, Pati na si Jeremiah, Habang si Ralph at Aldrin ay mukhang hindi na natutuwa.
Ako na ang nanlibre sa kanilang lahat at nakatanggap ako ng sunod sunod na pasasalamat, Wala akong tissue pamunas kaya tatayo na sana ako ng biglang may mag abot ng tissue sa akin, Pati si Jeremiah ay napababa ng tingin sa brasong lumagpas sa kanya, Nilingon ko si Aldrin na walang emosyong nag aabot ng tissue sa akin.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...